World English Bible

Tagalog 1905

Leviticus

27

1Yahweh spoke to Moses, saying,
1At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2“Speak to the children of Israel, and say to them, ‘When a man makes a vow, the persons shall be for Yahweh by your valuation.
2Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagka ang sinoman ay tutupad ng panata ayon sa iyong inihalaga, ay magiging sa Panginoon ang mga tao.
3Your valuation shall be of a male from twenty years old even to sixty years old, even your valuation shall be fifty shekels of silver, after the shekel of the sanctuary.
3At ang iyong inihalaga tungkol sa lalake, na mula sa may dalawang pung taong gulang hanggang sa may anim na pu, ay limang pung siklong pilak, ang iyong ihahalaga ayon sa siklo ng santuario.
4If it is a female, then your valuation shall be thirty shekels.
4At kung tungkol sa babae tatlong pung siklo ang ihahalaga mo.
5If the person is from five years old even to twenty years old, then your valuation shall be for a male twenty shekels, and for a female ten shekels.
5At kung mula sa may limang taon hanggang sa may dalawang pung taon, ay dalawang pung siklo, ang ihahalaga mo sa lalake at sa babae ay sangpung siklo.
6If the person is from a month old even to five years old, then your valuation shall be for a male five shekels of silver, and for a female your valuation shall be three shekels of silver.
6At kung mula sa may isang buwan hanggang sa may limang taon ay limang siklong pilak ang iyong ihahalaga sa lalake at sa babae ay tatlong siklong pilak ang iyong ihahalaga.
7If the person is from sixty years old and upward; if it is a male, then your valuation shall be fifteen shekels, and for a female ten shekels.
7At kung sa may anim na pung taon na patanda; kung lalake, ay labing limang siklo ang iyong ihahalaga, at sa babae ay sangpung siklo.
8But if he is poorer than your valuation, then he shall be set before the priest, and the priest shall value him; according to the ability of him who vowed shall the priest value him.
8Nguni't kung kapos ng ikababayad sa iyong inihalaga, ay pahaharapin mo siya sa harap ng saserdote, at hahalagahan siya ng saserdote; ayon sa ikakakaya ng may panata, ay siyang ihahalaga sa kaniya ng saserdote.
9“‘If it is an animal, of which men offer an offering to Yahweh, all that any man gives of such to Yahweh becomes holy.
9At kung hayop na ihahandog na alay sa Panginoon, lahat na ibibigay niyaon ng sinoman sa Panginoon ay magiging banal.
10He shall not alter it, nor change it, a good for a bad, or a bad for a good: and if he shall at all change animal for animal, then both it and that for which it is changed shall be holy.
10Huwag niyang babaguhin o papalitan ang mabuti ng masama o ang masama ng mabuti: at kung sa anomang paraan ay palitan ang isang hayop ng iba, ay magiging kapuwa banal yaon at ang kapalit niyaon.
11If it is any unclean animal, of which they do not offer as an offering to Yahweh, then he shall set the animal before the priest;
11At kung yao'y anomang hayop na karumaldumal na sa hindi maihahandog na alay sa Panginoon, ay ilalagay nga niya ang hayop sa harap ng saserdote:
12and the priest shall value it, whether it is good or bad. As you the priest values it, so shall it be.
12At hahalagahan ng saserdote, maging mabuti o masama: ayon sa inihalaga ng saserdote ay magiging gayon.
13But if he will indeed redeem it, then he shall add the fifth part of it to its valuation.
13Datapuwa't kung tunay na kaniyang tutubusin, ay magdadagdag nga siya ng ikalimang bahagi niyaon sa inihalaga mo.
14“‘When a man dedicates his house to be holy to Yahweh, then the priest shall evaluate it, whether it is good or bad: as the priest shall evaluate it, so shall it stand.
14At pagka ang sinoman ay magtatalaga ng kaniyang bahay upang maging banal sa Panginoon, ay hahalagahan nga ng saserdote, kung mabuti o masama: ayon sa ihahalaga ng saserdote ay magiging gayon.
15If he who dedicates it will redeem his house, then he shall add the fifth part of the money of your valuation to it, and it shall be his.
15At kung tutubusin ng nagtalaga ang kaniyang bahay, ay magdadagdag nga ng ikalimang bahagi ng salapi na inihalaga mo roon, at magiging kaniya.
16“‘If a man dedicates to Yahweh part of the field of his possession, then your valuation shall be according to the seed for it: the sowing of a homer of barley shall be valued at fifty shekels of silver.
16At kung ang sinoman ay magtatalaga sa Panginoon ng bahagi ng bukid na kaniyang pag-aari, ay ayon sa hasik doon ang iyong ihahalaga nga: ang hasik na isang omer na cebada ay hahalagahan ng limang pung siklong pilak.
17If he dedicates his field from the Year of Jubilee, according to your valuation it shall stand.
17Kung itatalaga niya ang kaniyang bukid mula sa taon ng jubileo, ay magiging ayon sa iyong inihalaga.
18But if he dedicates his field after the Jubilee, then the priest shall reckon to him the money according to the years that remain to the Year of Jubilee; and an abatement shall be made from your valuation.
18Datapuwa't kung italaga niya ang kaniyang bukid pagkatapos ng jubileo, ay bibilangan sa kaniya ng saserdote ng salapi ayon sa mga taong natitira hanggang sa taon ng jubileo at bababaan ang iyong inihalaga.
19If he who dedicated the field will indeed redeem it, then he shall add the fifth part of the money of your valuation to it, and it shall remain his.
19At kung tutubusin ng nagtalaga ng bukid ay magdadagdag ng ikalimang bahagi ng salaping iyong inihalaga roon, at mapapasa kaniya.
20If he will not redeem the field, or if he has sold the field to another man, it shall not be redeemed any more;
20At kung hindi niya tutubusin ang bukid, o kung ipinagbili niya ang bukid sa ibang tao ay hindi na niya matutubos:
21but the field, when it goes out in the Jubilee, shall be holy to Yahweh, as a field devoted; it shall be owned by the priests.
21Kundi ang bukid pagka naalis sa jubileo, ay magiging banal sa Panginoon, na parang bukid na itinalaga: ang kapangyarihan doon ay mapapasa saserdote.
22“‘If he dedicates to Yahweh a field which he has bought, which is not of the field of his possession,
22At kung ang sinoman ay magtalaga sa Panginoon ng bukid na binili, na hindi sa bukid na kaniyang pag-aari;
23then the priest shall reckon to him the worth of your valuation up to the Year of Jubilee; and he shall give your valuation on that day, as a holy thing to Yahweh.
23Ay ibibilang nga sa kaniya ng saserdote ang halaga ng iyong inihalaga hanggang sa taon ng jubileo, at babayaran niya ang iyong inihalaga ng araw ding iyon, na parang banal na bagay sa Panginoon.
24In the Year of Jubilee the field shall return to him from whom it was bought, even to him to whom the possession of the land belongs.
24Sa taon ng jubileo ay mababalik ang bukid doon sa kaniyang binilhan, doon sa kinararapatan ng pag-aari ng lupa.
25All your valuations shall be according to the shekel of the sanctuary: twenty gerahs to the shekel.
25At ang buo mong ihahalaga ay magiging ayon sa siklo ng santuario: dalawang pung gera ang isang siklo.
26“‘Only the firstborn among animals, which is made a firstborn to Yahweh, no man may dedicate it; whether an ox or sheep, it is Yahweh’s.
26Ang panganay lamang sa mga hayop na iniukol ang pagkapanganay sa Panginoon, ang hindi maitatalaga ninoman; maging baka o tupa, ay ukol sa Panginoon.
27If it is an unclean animal, then he shall buy it back according to your valuation, and shall add to it the fifth part of it: or if it isn’t redeemed, then it shall be sold according to your valuation.
27At kung hayop na karumaldumal, ay kaniyang tutubusin nga yaon sa iyong inihalaga at idadagdag pa niya ang ikalimang bahagi niyaon; o kung hindi tutubusin ay ipagbibili ayon sa iyong inihalaga.
28“‘Notwithstanding, no devoted thing, that a man shall devote to Yahweh of all that he has, whether of man or animal, or of the field of his possession, shall be sold or redeemed: every devoted thing is most holy to Yahweh.
28Gayon ma'y walang bagay na itinalaga, na itatalaga ninoman sa Panginoon, sa lahat ng sariling kaniya, maging sa tao o sa hayop, o sa bukid na kaniyang pag-aari, ay maipagbibili o matutubos: bawa't bagay na itinalaga ay kabanalbanalan sa Panginoon.
29“‘No one devoted, who shall be devoted from among men, shall be ransomed; he shall surely be put to death.
29Walang itinalaga na itatalaga ng mga tao, ay matutubos: papataying walang pagsala.
30“‘All the tithe of the land, whether of the seed of the land or of the fruit of the trees, is Yahweh’s. It is holy to Yahweh.
30At lahat na ikasangpung bahagi ng lupain, maging sa binhi ng lupain, o sa bunga ng punong kahoy ay sa Panginoon: magiging banal sa Panginoon.
31If a man redeems anything of his tithe, he shall add a fifth part to it.
31At kung ang sinoman ay tutubos ng alin mang bahagi ng kaniyang ikasangpung bahagi ay idagdag niya roon ang ikalimang bahagi niyaon.
32All the tithe of the herds or the flocks, whatever passes under the rod, the tenth shall be holy to Yahweh.
32At lahat ng ikasangpung bahagi sa bakahan o sa kawan, anomang madaan sa tungkod, ay magiging banal sa Panginoon ang ikasangpung bahagi.
33He shall not search whether it is good or bad, neither shall he change it: and if he changes it at all, then both it and that for which it is changed shall be holy. It shall not be redeemed.’”
33Huwag niyang sisiyasatin kung mabuti o masama, ni huwag niyang papalitan: at kung sa anomang paraan ay palitan niya, ay kapuwa magiging banal; hindi matutubos.
34These are the commandments which Yahweh commanded Moses for the children of Israel on Mount Sinai.
34Ito ang mga utos na iniutos ng Panginoon kay Moises, sa bundok ng Sinai hinggil sa mga anak ni Israel.