1We have heard with our ears, God; our fathers have told us, what work you did in their days, in the days of old.
1Narinig namin ng aming mga pakinig, Oh Dios, isinaysay sa amin ng aming mga magulang, kung anong gawa ang iyong ginawa sa kanilang mga kaarawan, ng mga kaarawan ng una.
2You drove out the nations with your hand, but you planted them. You afflicted the peoples, but you spread them abroad.
2Iyong itinaboy ng iyong kamay ang mga bansa, nguni't itinatag mo sila; iyong dinalamhati ang mga bayan, nguni't iyong pinangalat sila.
3For they didn’t get the land in possession by their own sword, neither did their own arm save them; but your right hand, and your arm, and the light of your face, because you were favorable to them.
3Sapagka't hindi nila tinamo ang lupain na pinakaari sa pamamagitan ng kanilang sariling tabak, ni iniligtas man sila ng kanilang sariling kamay: kundi ng iyong kanan, at ng iyong bisig, at ng liwanag ng iyong mukha, sapagka't iyong nilingap sila.
4You are my King, God. Command victories for Jacob!
4Ikaw ang aking Hari, Oh Dios: magutos ka ng kaligtasan sa Jacob.
5Through you, will we push down our adversaries. Through your name, will we tread them under who rise up against us.
5Dahil sa iyo'y itutulak namin ang aming mga kaaway: sa iyong pangalan ay yayapakan namin sila na nagsisibangon laban sa amin.
6For I will not trust in my bow, neither shall my sword save me.
6Sapagka't hindi ako titiwala sa aking busog, ni ililigtas man ako ng aking tabak.
7But you have saved us from our adversaries, and have shamed those who hate us.
7Nguni't iniligtas mo kami sa aming mga kaaway, at inilagay mo sila sa kahihiyan na nangagtatanim sa amin.
8In God we have made our boast all day long, we will give thanks to your name forever. Selah.
8Sa Dios ay naghahambog kami buong araw, at mangagpapasalamat kami sa iyong pangalan magpakailan man. (Selah)
9But now you rejected us, and brought us to dishonor, and don’t go out with our armies.
9Nguni't ngayo'y itinakuwil mo kami, at inilagay mo kami sa kasiraang puri; at hindi ka lumalabas na kasama ng aming mga hukbo.
10You make us turn back from the adversary. Those who hate us take spoil for themselves.
10Iyong pinatatalikod kami sa kaaway: at silang nangagtatanim sa amin ay nagsisisamsam ng sa ganang kanilang sarili.
11You have made us like sheep for food, and have scattered us among the nations.
11Iyong ibinigay kaming gaya ng mga tupa na pinaka pagkain; at pinangalat mo kami sa mga bansa.
12You sell your people for nothing, and have gained nothing from their sale.
12Iyong ipinagbibili ang iyong bayan na walang bayad, at hindi mo pinalago ang iyong kayamanan sa pamamagitan ng kanilang halaga.
13You make us a reproach to our neighbors, a scoffing and a derision to those who are around us.
13Ginawa mo kaming katuyaan sa aming mga kapuwa, isang kasabihan at kadustaan nila na nangasa palibot namin.
14You make us a byword among the nations, a shaking of the head among the peoples.
14Iyong ginawa kaming kawikaan sa gitna ng mga bansa, at kaugaan ng ulo sa gitna ng mga bayan.
15All day long my dishonor is before me, and shame covers my face,
15Buong araw ay nasa harap ko ang aking kasiraang puri, at ang kahihiyan ng aking mukha ay tumakip sa akin,
16At the taunt of one who reproaches and verbally abuses, because of the enemy and the avenger.
16Dahil sa tinig niya na dumuduwahagi at tumutungayaw; dahil sa kaaway at sa manghihiganti.
17All this has come on us, yet have we not forgotten you, Neither have we been false to your covenant.
17Lahat ng ito'y dumating sa amin; gayon ma'y hindi namin kinalimutan ka, ni gumawa man kami na may karayaan sa iyong tipan.
18Our heart has not turned back, neither have our steps strayed from your path,
18Ang aming puso ay hindi tumalikod, ni ang amin mang mga hakbang ay humiwalay sa iyong daan;
19Though you have crushed us in the haunt of jackals, and covered us with the shadow of death.
19Na kami ay iyong lubhang nilansag sa dako ng mga chakal, at tinakpan mo kami ng lilim ng kamatayan.
20If we have forgotten the name of our God, or spread forth our hands to a strange god;
20Kung aming nilimot ang pangalan ng aming Dios, O aming iniunat ang aming mga kamay sa ibang dios;
21won’t God search this out? For he knows the secrets of the heart.
21Hindi ba sisiyasatin ito ng Dios? Sapagka't nalalaman niya ang mga lihim ng puso.
22Yes, for your sake we are killed all day long. We are regarded as sheep for the slaughter.
22Oo, dahil sa iyo ay pinapatay kami buong araw; kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan.
23Wake up! Why do you sleep, Lord? The word translated “Lord” is “Adonai.” Arise! Don’t reject us forever.
23Ikaw ay gumising, bakit ka natutulog, Oh Panginoon? Ikaw ay bumangon, huwag mo kaming itakuwil magpakailan man.
24Why do you hide your face, and forget our affliction and our oppression?
24Bakit mo ikinukubli ang iyong mukha, at kinalilimutan mo ang aming kadalamhatian at aming kapighatian?
25For our soul is bowed down to the dust. Our body clings to the earth.
25Sapagka't ang aming kaluluwa ay nakasubsob sa alabok: ang aming katawan ay nadidikit sa lupa.
26Rise up to help us. Redeem us for your loving kindness’ sake.
26Ikaw ay bumangon upang kami ay tulungan, at tubusin mo kami dahil sa iyong kagandahang-loob.