1財富享樂都是虛空我自己心裡說:“來吧,我用享樂試試你,讓你看看有甚麼好處。”想不到,這也是虛空。
1Sinabi ko sa aking puso: Pumarito ka ngayon, Susubukin kitang may kasayahan; kaya't magsawa ka sa kalayawan: at narito, ito rin ay walang kabuluhan.
2對嬉笑,我說:“那是狂妄”;對享樂,我說:“這有甚麼作用呢?”
2Aking sinabi tungkol sa tawa, Ito'y ulol: at sa kasayahan, Anong ginagawa nito?
3我心裡籌思,怎樣用酒使我的身體暢快,又保持愚昧,但我的內心仍由智慧引導;直到我看明世人,在諸天之下一生有限的年日中所行的,對他們有益的是甚麼。
3Aking siniyasat sa aking puso na kung paanong masasayahan ang aking katawan sa pamamagitan ng alak, pinapatnubayan pa ng karunungan ang aking puso at kung paanong hahawak sa kamangmangan, hanggang sa aking makita kung ano ang mabuti sa mga anak ng mga tao na marapat nilang gawin sa silong ng langit sa lahat ng mga kaarawan ng kanilang buhay.
4我大事發展:為自己建造房屋,栽種葡萄園,
4Gumawa ako sa ganang akin ng mga malaking gawa; nagtayo ako sa ganang akin ng mga bahay; nagtanim ako sa ganang akin ng mga ubasan;
5修造園囿,在園中栽種各類果樹,
5Gumawa ako sa ganang akin ng mga halamanan at mga liwasan, at aking tinamnan ng mga sarisaring puno ng kahoy na nagkakabunga:
6挖造水池,用來澆灌培植樹木的林園。
6Gumawa ako sa ganang akin ng mga tipunan ng tubig, upang dumilig ng gubat na pagtatamnan ng mga puno ng kahoy:
7我買了僕婢,也有生在家中的奴僕;又擁有大群牛羊,勝過任何比我先在耶路撒冷的人所擁有的。
7Ako'y bumili ng mga aliping lalake at babae, at nagkaroon ako ng mga aliping ipinanganak sa aking bahay; nagkaroon din naman ako ng mga malaking pag-aari na mga bakahan at mga kawan, ng higit kay sa lahat na nauna sa akin sa Jerusalem:
8我又為自己積蓄金銀,以及列王和各省的財寶。我又為自己招募男女歌手,收納許多妃嬪,是世人所以為樂的。
8Nagtipon din ako sa ganang akin ng pilak at ginto, at ng tanging kayamanan ng mga hari at ng mga lalawigan: nagtatangkilik ako sa akin ng mga lalaking mangaawit at mga babaing mangaawit, at ng mga kalayawan ng mga anak ng mga tao, mga sarisaring instrumento ng musiko iya'y totoong marami.
9於是我就日漸昌大,超過任何比我先在耶路撒冷的人;我的智慧仍然與我同在。
9Sa gayo'y naging dakila ako, at lumago ako ng higit kay sa lahat na nauna sa akin sa Jerusalem: ang akin namang karunungan ay namamalagi sa akin.
10我眼中所求的,我都不禁止;我心所喜歡的,我都沒抑制。我的心因我的一切勞碌而快樂,這就是我從一切勞碌中所得的分。
10At anomang ninasa ng aking mga mata ay hindi ko ipinagkait: hindi ko pinigil ang aking puso sa anomang kagalakan, sapagka't nagagalak ang aking puso dahil sa lahat kong gawain; at ito ang aking bahagi na mula sa lahat kong gawain.
11然後,我省察我手所作的一切,和我勞碌所成就的,想不到一切都是虛空,都是捕風,在日光之下毫無益處。
11Nang magkagayo'y minasdan ko ang lahat ng mga gawa, na ginawa ng aking mga kamay, at ang gawain na aking pinagsikapang gawin; at, narito, lahat ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala, at walang pakinabang sa ilalim ng araw.
12智愚同一命運都是虛空我轉過來觀察智慧、狂妄和愚昧。王的繼承人還能作甚麼呢?只不過作先前作過的罷了。
12At ako'y pumihit upang masdan ang karunungan, at ang kaululan at ang kamangmangan; sapagka't ano ang magagawa ng tao na sumusunod sa hari? samakatuwid baga'y ang nagawa na laong panahon ng nakaraan.
13於是我看出智慧勝過愚昧,如同光明勝過黑暗一樣。
13Nang magkagayo'y aking nakita, na ang karunungan ay humihigit sa kamangmangan, na gaya ng liwanag na humihigit sa dilim.
14智慧人的眼目明亮,愚昧人卻走在黑暗中。我也知道同一的命運要臨到這兩種人身上。
14Ang mga mata ng pantas ay na sa kaniyang ulo, at ang mangmang ay lumalakad sa kadiliman: at gayon ma'y aking namalas na isang pangyayari ang nangyari sa kanilang lahat.
15我自己心裡說:“臨到愚昧人身上的,也必臨到我身上;那麼,我為甚麼要更有智慧呢?”於是我心裡說:“這也是虛空。”
15Nang magkagayo'y sinabi ko sa puso ko, Kung ano ang nangyari sa mangmang gayon ang mangyayari sa akin; at bakit pa nga ako naging lalong pantas? Nang magkagayo'y sinabi ko sa puso ko, na ito man ay walang kabuluhan.
16因為智慧人和愚昧人一樣,沒有人永遠記念他們,在未來的日子裡,都會被人遺忘。可歎智慧人跟愚昧人一樣,終必死亡。
16Sapagka't kung paano sa pantas ay gayon din sa mangmang, walang alaala magpakailan man; dangang sa mga araw na darating ay malilimutang lahat na. At kung paanong ang pantas ay namamatay ay gayon ang mangmang!
17因此我恨惡生命,因為在日光之下所發生的事,都使我厭煩。一切都是虛空,都是捕風。
17Sa gayo'y ipinagtanim ko ang buhay; sapagka't ang gawa na ginawa sa ilalim ng araw ay mapanglaw sa akin: sapagka't lahat ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.
18勞碌一生都是虛空我恨惡我的一切勞碌,就是我在日光之下的勞碌,因為我不得不把勞碌的成果留給後人。
18At ipinagtanim ko ang lahat kong gawa na aking ginawa sa ilalim ng araw: yamang marapat kong iwan sa tao na susunod sa akin.
19那人將來是智是愚,有誰曉得呢?可是他竟要掌管一切我勞碌得來的,就是我在日光之下用智慧得來的。這又是虛空。
19At sinong nakakaalam kung siya'y magiging isang pantas o isang mangmang? gayon ma'y magpupuno siya sa lahat ng aking gawa, na aking ginawa, at sa aking pinagpakitaan ng karunungan sa ilalim ng araw. Ito man ay walang kabuluhan.
20於是我轉念,對日光之下我所勞碌的一切,心感絕望;
20Kaya't ako'y bumalik upang aking alisan ng pagasa ang aking puso tungkol sa lahat na gawa na aking ginawa sa ilalim ng araw.
21因為人用智慧、知識和技能所勞碌得來的,卻必須留給未曾勞碌的人為分。這也是虛空,是極大的憾事。
21Sapagka't may tao, na ang gawa ay sa pamamagitan ng karunungan, at ng kaalaman, at ng kabihasnan; gayon ma'y sa tao na hindi gumawa niyaon ay iiwan niya na pinakabahagi niyaon. Ito man ay walang kabuluhan at malaking kasamaan.
22人的一切勞碌和操心,就是他在日光之下所勞碌的,對自己有甚麼益處呢?
22Sapagka't ano ang tinatamo ng tao sa lahat niyang gawa, at sa nais ng kaniyang puso na kaniyang iginawa sa ilalim ng araw?
23其實終其一生,他的擔子既痛苦又煩惱,在夜間也不能安心。這也是虛空。
23Sapagka't lahat niyang kaarawan ay mga kapanglawan lamang, at ang kaniyang pagdaramdam ay hapis; oo, pati sa gabi ay hindi nagpapahinga ang kaniyang puso. Ito man ay walang kabuluhan.
24人生享樂皆 神所賜人最好是吃喝,在自己的勞碌中自得其樂;我看這也是出於 神的手。
24Walang maigi sa tao kundi ang kumain at uminom, at pagalaking mabuti ang kaniyang kaluluwa sa kaniyang gawa. Ito man ay aking nakita na mula sa kamay ng Dios.
25離開了他(“他”按照《馬索拉抄本》應作“我”;現參照《七十士譯本》翻譯),誰能有吃的呢?誰能享樂呢?
25Sapagka't sinong makakakain, o sinong makapagtataglay ng kagalakang higit kay sa akin?
26 神把智慧、知識和喜樂賜給他所喜悅的人,卻使罪人作收集和積聚的差事,把所得的歸給 神所喜悅的人。這也是虛空,也是捕風。
26Sapagka't ang tao na kinaluluguran niya, binibigyan ng Dios ng karunungan, at kaalaman, at kagalakan: nguni't ang makasalanan ay binibigyan niya ng damdam, na magpisan at magbunton, upang maibigay sa kaniya na kinaluluguran ng Dios. Ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.