King James Version

Tagalog 1905

Matthew

14

1At that time Herod the tetrarch heard of the fame of Jesus,
1Nang panahong yao'y narinig ni Herodes na tetrarka ang balita tungkol kay Jesus,
2And said unto his servants, This is John the Baptist; he is risen from the dead; and therefore mighty works do shew forth themselves in him.
2At sinabi sa kaniyang mga tagapaglingkod, Ito'y si Juan Bautista; siya'y muling nagbangon sa mga patay; kaya't ang mga kapangyarihang ito ay nagsisigawa sa kaniya.
3For Herod had laid hold on John, and bound him, and put him in prison for Herodias' sake, his brother Philip's wife.
3Sapagka't hinuli ni Herodes si Juan, at siya'y iginapos, at inilagay sa bilangguan dahil kay Herodias, na asawa ni Felipe na kaniyang kapatid.
4For John said unto him, It is not lawful for thee to have her.
4Sapagka't sinabi ni Juan sa kaniya, Hindi matuwid sa iyo na aariin mo siya.
5And when he would have put him to death, he feared the multitude, because they counted him as a prophet.
5At nang ibig niyang ipapatay siya, ay natakot siya sa karamihan, sapagka't siya'y kanilang ibinibilang na propeta.
6But when Herod's birthday was kept, the daughter of Herodias danced before them, and pleased Herod.
6Datapuwa't nang dumating ang araw na kapanganakan kay Herodes, ay sumayaw sa gitna ang anak na babae ni Herodias, at kinalugdan ni Herodes.
7Whereupon he promised with an oath to give her whatsoever she would ask.
7Dahil dito'y kaniyang ipinangakong may sumpa na sa kaniya'y ibibigay ang anomang hingin niya.
8And she, being before instructed of her mother, said, Give me here John Baptist's head in a charger.
8At siya, na inudyukan ng kaniyang ina, ay nagsabi, Ibigay mo sa akin dito na nasa isang pinggan ang ulo ni Juan Bautista.
9And the king was sorry: nevertheless for the oath's sake, and them which sat with him at meat, he commanded it to be given her.
9At namanglaw ang hari; datapuwa't dahil sa kaniyang mga sumpa, at sa nangakaupong kasalo niya sa dulang, ay ipinagutos niyang ibigay na sa kaniya;
10And he sent, and beheaded John in the prison.
10At nagutos siya at pinugutan ng ulo si Juan sa bilangguan.
11And his head was brought in a charger, and given to the damsel: and she brought it to her mother.
11At dinala ang kaniyang ulo na nasa isang pinggan, at ibinigay sa dalaga: at dinala nito sa kaniyang ina.
12And his disciples came, and took up the body, and buried it, and went and told Jesus.
12At ang kaniyang mga alagad ay nagsiparoon, at kanilang binuhat ang bangkay, at kanilang inilibing; at sila'y nagsialis at isinaysay kay Jesus.
13When Jesus heard of it, he departed thence by ship into a desert place apart: and when the people had heard thereof, they followed him on foot out of the cities.
13Nang marinig nga ito ni Jesus, ay lumigpit sila mula roon, sa isang daong na nasa isang dakong ilang na bukod: at nang mabalitaan ito ng mga karamihan, ay nangaglakad sila na sumunod sa kaniya mula sa mga bayan.
14And Jesus went forth, and saw a great multitude, and was moved with compassion toward them, and he healed their sick.
14At siya'y lumabas, at nakita ang isang malaking karamihan, at nahabag siya sa kanila, at pinagaling niya ang sa kanila'y mga may sakit.
15And when it was evening, his disciples came to him, saying, This is a desert place, and the time is now past; send the multitude away, that they may go into the villages, and buy themselves victuals.
15At nang nagtatakipsilim na, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Ilang ang dakong ito, at lampas na sa panahon; paalisin mo na ang mga karamihan, upang sila'y magsiparoon sa mga nayon, at sila'y mangakabili ng kanilang makakain.
16But Jesus said unto them, They need not depart; give ye them to eat.
16Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi kailangang sila'y magsialis; bigyan ninyo sila ng makakain.
17And they say unto him, We have here but five loaves, and two fishes.
17At sinasabi nila sa kaniya, Wala tayo rito kundi limang tinapay at dalawang isda.
18He said, Bring them hither to me.
18At sinabi niya, Dalhin ninyo rito sa akin.
19And he commanded the multitude to sit down on the grass, and took the five loaves, and the two fishes, and looking up to heaven, he blessed, and brake, and gave the loaves to his disciples, and the disciples to the multitude.
19At ipinagutos niya sa mga karamihan na sila'y magsiupo sa damuhan; at kinuha niya ang limang tinapay at ang dalawang isda, at pagtingala sa langit, ay kaniyang pinagpala, at pinagputolputol at ibinigay ang mga tinapay sa mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad sa mga karamihan.
20And they did all eat, and were filled: and they took up of the fragments that remained twelve baskets full.
20At nagsikain silang lahat, at nangabusog: at kanilang pinulot ang lumabis na pinagputolputol, na labingdalawang bakol na puno.
21And they that had eaten were about five thousand men, beside women and children.
21At ang mga nagsikain ay may limang libong lalake, bukod pa ang mga babae at ang mga bata.
22And straightway Jesus constrained his disciples to get into a ship, and to go before him unto the other side, while he sent the multitudes away.
22At pagdaka'y pinapagmadali niya ang kaniyang mga alagad na magsilulan sa daong, at magsiuna sa kaniya sa kabilang ibayo, hanggang pinayayaon niya ang mga karamihan.
23And when he had sent the multitudes away, he went up into a mountain apart to pray: and when the evening was come, he was there alone.
23At pagkatapos na mapayaon niya ang mga karamihan, ay umahon siyang bukod sa bundok upang manalangin: at nang gumabi na, ay siya'y nagiisa doon.
24But the ship was now in the midst of the sea, tossed with waves: for the wind was contrary.
24Datapuwa't ang daong ay nasa gitna na ng dagat, na hinahampas ng mga alon; sapagka't pasalungat sa hangin.
25And in the fourth watch of the night Jesus went unto them, walking on the sea.
25At sa ikaapat na pagpupuyat ng gabi ay naparoon siya sa kanila, na lumalakad sa ibabaw ng dagat.
26And when the disciples saw him walking on the sea, they were troubled, saying, It is a spirit; and they cried out for fear.
26At nang makita siya ng mga alagad na lumalakad sa ibabaw ng dagat, ay nangagulumihanan sila, na nangagsasabi, Multo! at sila'y nagsisigaw dahil sa takot.
27But straightway Jesus spake unto them, saying, Be of good cheer; it is I; be not afraid.
27Datapuwa't pagdaka'y nagsalita sa kanila si Jesus, na nagsasabi, Laksan ninyo ang inyong loob; ako nga: huwag kayong mangatakot.
28And Peter answered him and said, Lord, if it be thou, bid me come unto thee on the water.
28At sumagot sa kaniya si Pedro, at nagsabi, Panginoon, kung ikaw nga, ay papariyanin mo ako sa iyo sa ibabaw ng tubig.
29And he said, Come. And when Peter was come down out of the ship, he walked on the water, to go to Jesus.
29At sinabi niya, Halika. At lumunsad si Pedro sa daong, at lumakad sa ibabaw ng tubig upang pumaroon kay Jesus.
30But when he saw the wind boisterous, he was afraid; and beginning to sink, he cried, saying, Lord, save me.
30Datapuwa't pagkakita niyang malakas ang hangin, ay natakot siya, at nang siya'y malulubog, ay sumigaw, na nagsasabi, Panginoon, iligtas mo ako.
31And immediately Jesus stretched forth his hand, and caught him, and said unto him, O thou of little faith, wherefore didst thou doubt?
31At pagdaka'y iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya, at sa kaniya'y sinabi, Oh ikaw na kakaunti ang pananampalataya, bakit ka nagalinglangan?
32And when they were come into the ship, the wind ceased.
32At pagkalulan nila sa daong, ay humimpil ang hangin.
33Then they that were in the ship came and worshipped him, saying, Of a truth thou art the Son of God.
33At ang mga nasa daong ay nagsisamba sa kaniya, na nangagsasabi, Tunay na ikaw ang Anak ng Dios.
34And when they were gone over, they came into the land of Gennesaret.
34At nang makatawid na sila, ay narating nila ang lupa ng Genezaret.
35And when the men of that place had knowledge of him, they sent out into all that country round about, and brought unto him all that were diseased;
35At nang siya'y makilala ng mga tao sa dakong yaon, ay nangagpabalita sila sa palibotlibot ng buong lupaing yaon, at sa kaniya'y dinala ang lahat ng mga may sakit;
36And besought him that they might only touch the hem of his garment: and as many as touched were made perfectly whole.
36At ipinamamanhik nila sa kaniya na ipahipo man lamang sa kanila ang laylayan ng kaniyang damit: at ang lahat ng nangagsihipo ay pawang nagsigaling.