1Better [is] the poor walking in his integrity, Than the perverse [in] his lips, who [is] a fool.
1Maigi ang dukha na lumalakad sa kaniyang pagtatapat kay sa suwail sa kaniyang mga labi at mangmang.
2Also, without knowledge the soul [is] not good, And the hasty in feet is sinning.
2Gayon din ang kaluluwa na walang kaalaman ay hindi mabuti; at siyang nagmamadali ng kaniyang mga paa ay nagkakasala.
3The folly of man perverteth his way, And against Jehovah is his heart wroth.
3Ang kamangmangan ng tao ay sumisira ng kaniyang lakad; at ang kaniyang puso ay nagagalit laban sa Panginoon.
4Wealth addeth many friends, And the poor from his neighbour is separated.
4Ang kayamanan ay nagdadagdag ng maraming kaibigan: nguni't ang dukha ay hiwalay sa kaniyang kaibigan.
5A false witness is not acquitted, Whoso breatheth out lies is not delivered.
5Ang sinungaling na saksi ay walang pagsalang parurusahan; at ang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay hindi makatatahan.
6Many entreat the face of the noble, And all have made friendship to a man of gifts.
6Marami ang mamamanhik ng lingap sa magandang-loob: at bawa't tao ay kaibigan ng nagbibigay ng mga kaloob.
7All the brethren of the poor have hated him, Surely also his friends have been far from him, He is pursuing words — they are not!
7Ipinagtatanim siya ng lahat ng kapatid ng dukha: gaano pa nga kaya ang ilalayo sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan! Kaniyang hinahabol sila ng mga salita, nguni't wala na sila.
8Whoso is getting heart is loving his soul, He is keeping understanding to find good.
8Siyang nagiimpok ng karunungan ay umiibig sa kaniyang sariling kaluluwa: siyang nagiingat ng pagunawa ay makakasumpong ng mabuti.
9A false witness is not acquitted, And whoso breatheth out lies perisheth.
9Ang sinungaling na saksi ay walang pagsalang parurusahan; at ang nagbabadya ng mga kasinungalingan ay mamamatay.
10Luxury is not comely for a fool, Much less for a servant to rule among princes.
10Maayos na pamumuhay ay hindi magaling sa mangmang; lalo na sa alipin na magpuno sa mga pangulo.
11The wisdom of a man hath deferred his anger, And his glory [is] to pass over transgression.
11Ang bait ng tao ay nagpapakupad sa galit. At kaniyang kaluwalhatian na paraanin ang pagsalangsang.
12The wrath of a king [is] a growl as of a young lion, And as dew on the herb his good-will.
12Ang poot ng hari ay parang ungal ng leon; nguni't ang kaniyang lingap ay parang hamog sa damo.
13A calamity to his father [is] a foolish son, And the contentions of a wife [are] a continual dropping.
13Ang mangmang na anak ay kapanglawan ng kaniyang ama: at ang mga pakikipagtalo ng asawa ay walang likat na tulo.
14House and wealth [are] the inheritance of fathers, And from Jehovah [is] an understanding wife.
14Bahay at mga kayamanan ay minamana sa mga magulang: nguni't ang mabait na asawa ay galing sa Panginoon.
15Sloth causeth deep sleep to fall, And an indolent soul doth hunger.
15Katamaran ay nagbabaon sa mahimbing na pagkakatulog; at ang tamad na kaluluwa ay magugutom.
16Whoso is keeping the command is keeping his soul, Whoso is despising His ways dieth.
16Ang nagiingat ng utos ay nagiingat ng kaniyang kaluluwa: nguni't ang walang babala sa kaniyang mga lakad ay mamamatay.
17Whoso is lending [to] Jehovah is favouring the poor, And his deed He repayeth to him.
17Ang naaawa sa dukha ay nagpapautang sa Panginoon, at ang kaniyang mabuting gawa ay babayaran sa kaniya uli.
18Chastise thy son, for there is hope, And to put him to death lift not up thy soul.
18Parusahan mo ang iyong anak, dangang may pagasa; at huwag mong ilagak ang iyong puso sa kaniyang ikapapahamak.
19A man of great wrath is bearing punishment, For, if thou dost deliver, yet again thou dost add.
19Ang taong may malaking poot ay magtataglay ng parusa: sapagka't kung iyong iligtas iyong marapat na gawin uli.
20Hear counsel and receive instruction, So that thou art wise in thy latter end.
20Makinig ka ng payo, at tumanggap ka ng turo, upang ikaw ay maging pantas sa iyong huling wakas.
21Many [are] the purposes in a man`s heart, And the counsel of Jehovah it standeth.
21May maraming katha sa puso ng tao; nguni't ang payo ng Panginoon, ay siyang tatayo.
22The desirableness of a man [is] his kindness, And better [is] the poor than a liar.
22Yaong nakagagawa sa isang tao upang siya'y maging kanaisnais ay ang kaniyang kagandahang-loob: at ang isang dukha ay maigi kay sa isang sinungaling.
23The fear of Jehovah [is] to life, And satisfied he remaineth — he is not charged with evil.
23Ang pagkatakot sa Panginoon ay patungo sa kabuhayan; at ang nagtatangkilik noon ay tatahang may kasiyahan: hindi siya dadalawin ng kasamaan.
24The slothful hath hidden his hand in a dish, Even unto his mouth he bringeth it not back.
24Idinadampot ng tamad ang kaniyang kamay sa pinggan, at hindi na magsusubo pa sa kaniyang bibig uli.
25A scorner smite, and the simple acts prudently, And give reproof to the intelligent, He understandeth knowledge.
25Iyong saktan ang manglilibak, at ang musmos ay magaaral ng kabaitan: at iyong sawayin ang naguunawa, at siya'y makakaunawa ng kaalaman.
26Whoso is spoiling a father causeth a mother to flee, A son causing shame, and bringing confusion.
26Ang sumasamsam sa kaniyang ama, at nagpapalayas sa kaniyang ina, ay anak na nakakahiya at nagdadala ng kakutyaan.
27Cease, my son, to hear instruction — To err from sayings of knowledge.
27Magtigil ka, anak ko, sa pakikinig ng aral na nagliligaw lamang mula sa mga salita ng kaalaman.
28A worthless witness scorneth judgment, And the mouth of the wicked swalloweth iniquity.
28Ang walang kabuluhang saksi ay lumilibak sa kahatulan: at ang bibig ng masama ay lumalamon ng kasamaan.
29Judgments have been prepared for scorners, And stripes for the back of fools!
29Ang mga kahatulan ay nahahanda sa mga manglilibak, at ang mga hampas ay sa mga likod ng mga mangmang.