1I have loved, because Jehovah heareth My voice, my supplication,
1Aking iniibig ang Panginoon, sapagka't kaniyang dininig ang aking tinig at aking mga hiling.
2Because He hath inclined His ear to me, And during my days I call.
2Sapagka't kaniyang ikiniling ang kaniyang pakinig sa akin, kaya't ako'y tatawag sa kaniya habang ako'y nabubuhay.
3Compassed me have cords of death, And straits of Sheol have found me, Distress and sorrow I find.
3Ang tali ng kamatayan ay pumulupot sa akin, at ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin: aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan.
4And in the name of Jehovah I call: I pray Thee, O Jehovah, deliver my soul,
4Nang magkagayo'y tumawag ako sa pangalan ng Panginoon; Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, iligtas mo ang aking kaluluwa.
5Gracious [is] Jehovah, and righteous, Yea, our God [is] merciful,
5Mapagbiyaya ang Panginoon, at matuwid; Oo, ang Dios namin ay maawain.
6A preserver of the simple [is] Jehovah, I was low, and to me He giveth salvation.
6Pinalalagi ng Panginoon ang mga tapat na loob: ako'y nababa, at kaniyang iniligtas ako.
7Turn back, O my soul, to thy rest, For Jehovah hath conferred benefits on thee.
7Bumalik ka sa iyong kapahingahan, Oh kaluluwa ko; sapagka't ginawan ka ng mabuti ng Panginoon.
8For Thou hast delivered my soul from death, My eyes from tears, my feet from overthrowing.
8Sapagka't iyong iniligtas ang kaluluwa ko sa kamatayan, at ang mga mata ko sa mga luha, at ang mga paa ko sa pagkabuwal.
9I walk habitually before Jehovah In the lands of the living.
9Ako'y lalakad sa harap ng Panginoon, sa lupain ng mga buhay.
10I have believed, for I speak, I — I have been afflicted greatly.
10Ako'y sumasampalataya, sapagka't ako'y magsasalita: ako'y lubhang nagdalamhati:
11I said in my haste, `Every man [is] a liar.`
11Aking sinabi sa aking pagmamadali, lahat ng tao ay bulaan.
12What do I return to Jehovah? All His benefits [are] upon me.
12Ano ang aking ibabayad sa Panginoon dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin?
13The cup of salvation I lift up, And in the name of Jehovah I call.
13Aking kukunin ang saro ng kaligtasan, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
14My vows to Jehovah let me complete, I pray you, before all His people.
14Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon, Oo, sa harapan ng buo niyang bayan.
15Precious in the eyes of Jehovah [is] the death for His saints.
15Mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kaniyang mga banal.
16Cause [it] to come, O Jehovah, for I [am] Thy servant. I [am] Thy servant, son of Thy handmaid, Thou hast opened my bonds.
16Oh Panginoon, tunay na ako'y iyong lingkod; ako'y iyong lingkod, na anak ng iyong lingkod na babae; iyong kinalag ang aking mga tali.
17To Thee I sacrifice a sacrifice of thanks, And in the name of Jehovah I call.
17Aking ihahandog sa iyo ang hain na pasalamat, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
18My vows to Jehovah let me complete, I pray you, before all His people,
18Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon, Oo, sa harapan ng buo niyang bayan;
19In the courts of the house of Jehovah, In thy midst, O Jerusalem, praise ye Jah!
19Sa mga looban ng bahay ng Panginoon, sa gitna mo, Oh Jerusalem. Purihin ninyo ang Panginoon.