Young`s Literal Translation

Tagalog 1905

Psalms

129

1A Song of the Ascents. Often they distressed me from my youth, Pray, let Israel say:
1Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan, sabihin ngayon ng Israel,
2Often they distressed me from my youth, Yet they have not prevailed over me.
2Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan: gayon ma'y hindi sila nanganaig laban sa akin.
3Over my back have ploughers ploughed, They have made long their furrows.
3Ang mga mangaararo ay nagsiararo sa aking likod; kanilang pinahaba ang kanilang bungkal.
4Jehovah [is] righteous, He hath cut asunder cords of the wicked.
4Ang Panginoon ay matuwid: kaniyang pinutol ang mga panali ng masama.
5Confounded and turn backward do all hating Zion.
5Mapahiya sila at magsitalikod, silang lahat na nangagtatanim ng loob sa Sion.
6They are as grass of the roofs, That before it was drawn out withereth,
6Sila'y maging parang damo sa mga bubungan, na natutuyo bago lumaki:
7That hath not filled the hand of a reaper, And the bosom of a binder of sheaves.
7Na hindi pinupuno ng manggagapas ang kaniyang kamay niyaon, ni siyang nagtatali man ng mga bigkis, ang kaniyang sinapupunan.
8And the passers by have not said, `The blessing of Jehovah [is] on you, We blessed you in the Name of Jehovah!`
8Hindi man sinasabi ng nagsisipagdaan, ang pagpapala ng Panginoon, ay sumainyo nawa; binabasbasan namin kayo sa pangalan ng Panginoon.