American Standard Version

Tagalog 1905

Job

31

1I made a covenant with mine eyes; How then should I look upon a virgin?
1Ako'y nakipagtipan sa aking mga mata; paano nga akong titingin sa isang dalaga?
2For what is the portion from God above, And the heritage from the Almighty on high?
2Sapagka't ano ang bahagi sa ganang akin sa Dios mula sa itaas, at ang mana sa Makapangyarihan sa lahat mula sa kaitaasan?
3Is it not calamity to the unrighteous, And disaster to the workers of iniquity?
3Hindi ba kasakunaan sa liko, at kasawiang palad sa mga manggagawa ng kasamaan?
4Doth not he see my ways, And number all my steps?
4Hindi ba niya nakikita ang aking mga lakad, at binibilang ang lahat ng aking mga hakbang?
5If I have walked with falsehood, And my foot hath hasted to deceit
5Kung ako'y lumakad na walang kabuluhan, at ang aking paa ay nagmadali sa pagdaraya;
6(Let me be weighed in an even balance, That God may know mine integrity);
6(Timbangin ako sa matuwid na timbangan, upang mabatid ng Dios ang aking pagtatapat;)
7If my step hath turned out of the way, And my heart walked after mine eyes, And if any spot hath cleaved to my hands:
7Kung ang aking hakbang ay lumiko sa daan, at ang aking puso ay lumakad ayon sa aking mga mata, at kung ang anomang dungis ay kumapit sa aking mga kamay:
8Then let me sow, and let another eat; Yea, let the produce of my field be rooted out.
8Kung gayo'y papaghasikin mo ako, at bayaang kanin ng iba; Oo, bunutin ang bunga ng aking bukid.
9If my heart hath been enticed unto a woman, And I have laid wait at my neighbor's door;
9Kung ang aking puso ay napadaya sa babae, at ako'y bumakay sa pintuan ng aking kapuwa:
10Then let my wife grind unto another, And let others bow down upon her.
10Kung magkagayo'y iba ang ipaggiling ng aking asawa, at iba ang yumuko sa kaniya.
11For that were a heinous crime; Yea, it were an iniquity to be punished by the judges:
11Sapagka't iya'y isang mabigat na sala; Oo, isang kasamaan na parurusahan ng mga hukom:
12For it is a fire that consumeth unto Destruction, And would root out all mine increase.
12Sapagka't isang apoy na namumugnaw hanggang sa pagkapahamak, at bubunutin ang lahat ng aking bunga.
13If I have despised the cause of my man-servant or of my maid-servant, When they contended with me;
13Kung hinamak ko ang katuwiran ng aking aliping lalake o aliping babae, nang sila'y makipagtalo sa akin:
14What then shall I do when God riseth up? And when he visiteth, what shall I answer him?
14Ano nga ang aking gagawin pagka bumabangon ang Dios? At pagka kaniyang dinadalaw, anong isasagot ko sa kaniya?
15Did not he that made me in the womb make him? And did not one fashion us in the womb?
15Hindi ba siyang lumalang sa akin sa bahay-bata ang lumalang sa kaniya; at hindi ba iisa ang humugis sa atin sa bahay-bata?
16If I have withheld the poor from [their] desire, Or have caused the eyes of the widow to fail,
16Kung pinagkaitan ko ang dukha sa kanilang nasa, o pinangalumata ko ang mga mata ng babaing bao:
17Or have eaten my morsel alone, And the fatherless hath not eaten thereof
17O kumain akong magisa ng aking subo, at ang ulila ay hindi kumain niyaon;
18(Nay, from my youth he grew up with me as with a father, And her have I guided from my mother's womb);
18(Hindi, mula sa aking kabataan ay lumaki siyang kasama ko, na gaya ng may isang ama, at aking pinatnubayan siya mula sa bahay-bata ng aking ina;)
19If I have seen any perish for want of clothing, Or that the needy had no covering;
19Kung ako'y nakakita ng sinomang nangangailangan ng kasuutan, o ng mapagkailangan ng walang kumot;
20If his loins have not blessed me, And if he hath not been warmed with the fleece of my sheep;
20Kung hindi ako pinagpala ng kaniyang mga balakang, at kung siya'y hindi nainitan ng balahibo ng aking mga tupa:
21If I have lifted up my hand against the fatherless, Because I saw my help in the gate:
21Kung binuhat ko ang aking kamay laban sa ulila, sapagka't nakita ko ang tulong sa akin sa pintuang-bayan:
22Then let my shoulder fall from the shoulder-blade, And mine arm be broken from the bone.
22Kung nagkagayo'y malaglag ang aking balikat sa abot-agawin, at ang aking kamay ay mabali sa buto.
23For calamity from God is a terror to me, And by reason of his majesty I can do nothing.
23Sapagka't ang kasakunaang mula sa Dios ay kakilabutan sa akin, at dahil sa kaniyang karilagan ay wala akong magawa.
24If I have made gold my hope, And have said to the fine gold, [Thou art] my confidence;
24Kung aking pinapaging ginto ang aking pagasa, at sinabi ko sa dalisay na ginto, ikaw ay aking tiwala;
25If I have rejoiced because my wealth was great, And because my hand had gotten much;
25Kung ako'y nagalak sapagka't ang aking kayamanan ay malaki, at sapagka't ang aking kamay ay nagtamo ng marami;
26If I have beheld the sun when it shined, Or the moon walking in brightness,
26Kung ako'y tumingin sa araw pagka sumisikat, o sa buwan na lumalakad sa kakinangan;
27And my heart hath been secretly enticed, And my mouth hath kissed my hand:
27At ang aking puso ay napadayang lihim, at hinagkan ng aking bibig ang aking kamay:
28This also were an iniquity to be punished by the judges; For I should have denied the God that is above.
28Ito may isang kasamaang marapat parusahan ng mga hukom: sapagka't itinakuwil ko ang Dios na nasa itaas.
29If I have rejoiced at the destruction of him that hated me, Or lifted up myself when evil found him;
29Kung ako'y nagalak sa kasakunaan niyaong nagtatanim ng loob sa akin, o nagmataas ako ng datnan siya ng kasamaan;
30(Yea, I have not suffered by mouth to sin By asking his life with a curse);
30(Oo, hindi ko tiniis ang aking bibig sa kasalanan sa paghingi ng kaniyang buhay na may sumpa;)
31If the men of my tent have not said, Who can find one that hath not been filled with his meat?
31Kung ang mga tao sa aking tolda ay hindi nagsabi, sinong makakasumpong ng isa na hindi nabusog sa kaniyang pagkain?
32(The sojourner hath not lodged in the street; But I have opened my doors to the traveller);
32Ang taga ibang lupa ay hindi tumigil sa lansangan; kundi aking ibinukas ang aking mga pinto sa manglalakbay,
33If like Adam I have covered my transgressions, By hiding mine iniquity in my bosom,
33Kung aking tinakpan na gaya ni Adan ang aking mga pagsalangsang, sa pagkukubli ng aking kasamaan sa aking sinapupunan;
34Because I feared the great multitude, And the contempt of families terrified me, So that I kept silence, and went not out of the door-
34Sapagka't aking kinatakutan ang lubhang karamihan, at pinangilabot ako ng paghamak ng mga angkan. Na anopa't ako'y tumahimik, at hindi lumabas sa pintuan?
35Oh that I had one to hear me! (Lo, here is my signature, let the Almighty answer me); And [that I had] the indictment which mine adversary hath written!
35O mano nawang may duminig sa akin! (Narito ang aking tala, sagutin ako ng Makapangyarihan sa lahat;) At mano nawang magkaroon ako ng sumbong na isinulat ng aking kaaway!
36Surely I would carry it upon my shoulder; I would bind it unto me as a crown:
36Tunay na aking papasanin ito sa aking balikat; aking itatali sa akin na gaya ng isang putong.
37I would declare unto him the number of my steps; As a prince would I go near unto him.
37Aking ipahahayag sa kaniya ang bilang ng aking mga hakbang, gaya ng isang pangulo na lalapitan ko siya.
38If my land crieth out against me, And the furrows thereof weep together;
38Kung ang aking lupa ay humiyaw laban sa akin, at ang mga bungkal niyaon ay umiyak na magkakasama;
39If I have eaten the fruits thereof without money, Or have caused the owners thereof to lose their life:
39Kung kumain ako ng bunga niyaon na walang bayad, o ipinahamak ko ang buhay ng mga may-ari niyaon:
40Let thistles grow instead of wheat, And cockle instead of barley. The words of Job are ended.
40Tubuan ng dawag sa halip ng trigo, at ng mga masamang damo sa halip ng cebada. Ang mga salita ni Job ay natapos.