1ויען איוב ויאמר׃
1Nang magkagayo'y sumagot si Job; at nagsabi,
2אמנם כי אתם עם ועמכם תמות חכמה׃
2Walang pagaalinlangan na kayo ang bayan, At ang karunungan ay mamamatay na kasama ninyo.
3גם לי לבב כמוכם לא נפל אנכי מכם ואת מי אין כמו אלה׃
3Nguni't ako'y may pagkaunawang gaya ninyo: Hindi ako huli sa inyo: Oo, sinong hindi nakaalam ng mga bagay na gaya nito?
4שחק לרעהו אהיה קרא לאלוה ויענהו שחוק צדיק תמים׃
4Ako'y gaya ng tinatawanan ng kaniyang kapuwa, ako na tumawag sa Dios, at sinagot niya: Ang ganap, ang taong sakdal ay tinatawanan.
5לפיד בוז לעשתות שאנן נכון למועדי רגל׃
5Sa pagiisip niyaong nasa katiwasayan ay may pagkakutya sa ikasasawi; nahahanda sa mga iyan yaong nangadudulas ang paa.
6ישליו אהלים לשדדים ובטחות למרגיזי אל לאשר הביא אלוה בידו׃
6Ang mga tolda ng mga tulisan ay gumiginhawa, at silang nangagmumungkahi sa Dios ay tiwasay; na ang kamay ay pinadadalhan ng Dios ng sagana.
7ואולם שאל נא בהמות ותרך ועוף השמים ויגד לך׃
7Nguni't tanungin mo ngayon ang mga hayop, at tuturuan ka nila: at ang mga ibon sa himpapawid, at kanilang sasaysayin sa iyo:
8או שיח לארץ ותרך ויספרו לך דגי הים׃
8O magsalita ka sa lupa, at magtuturo sa iyo; at ang mga isda sa dagat ay magsasaysay sa iyo.
9מי לא ידע בכל אלה כי יד יהוה עשתה זאת׃
9Sinong hindi nakakaalam sa lahat ng mga ito, na ang kamay ng Panginoon ang siyang gumawa nito?
10אשר בידו נפש כל חי ורוח כל בשר איש׃
10Nasa kamay niya ang kaluluwa ng bawa't bagay na may buhay, at ang hininga ng lahat ng mga tao.
11הלא אזן מלין תבחן וחך אכל יטעם לו׃
11Hindi ba lumilitis ng mga salita ang pakinig; gaya ng ngalangala na lumalasa ng pagkain niya?
12בישישים חכמה וארך ימים תבונה׃
12Nasa mga matanda ang karunungan, at sa kagulangan ang unawa.
13עמו חכמה וגבורה לו עצה ותבונה׃
13Nasa Dios ang karunungan at kakayahan; kaniya ang payo at pagkaunawa.
14הן יהרוס ולא יבנה יסגר על איש ולא יפתח׃
14Narito, siya'y nagbabagsak at hindi maitayo uli; siya'y kumulong ng tao at hindi mapagbubuksan.
15הן יעצר במים ויבשו וישלחם ויהפכו ארץ׃
15Narito, kaniyang pinipigil ang tubig at nangatutuyo; muli, kaniyang binibitawan sila at ginugulo nila ang lupa.
16עמו עז ותושיה לו שגג ומשגה׃
16Nasa kaniya ang kalakasan at ang karunungan, ang nadadaya at ang magdaraya ay kaniya.
17מוליך יועצים שולל ושפטים יהולל׃
17Kaniyang pinalalakad ang mga kasangguni na hubad sa bait, at ginagawa niyang mga mangmang ang mga hukom.
18מוסר מלכים פתח ויאסר אזור במתניהם׃
18Kaniyang kinakalag ang panali ng mga hari, at binibigkisan ang kanilang mga baywang ng pamigkis.
19מוליך כהנים שולל ואתנים יסלף׃
19Kaniyang pinalalakad na hubad sa bait ang mga saserdote.
20מסיר שפה לנאמנים וטעם זקנים יקח׃
20Kaniyang pinapagbabago ang pananalita ng napagtitiwalaan. At inaalis ang pagkaunawa ng mga matanda.
21שופך בוז על נדיבים ומזיח אפיקים רפה׃
21Siya'y nagbubuhos ng kutya sa mga pangulo, at kinakalag ang pamigkis ng malakas.
22מגלה עמקות מני חשך ויצא לאור צלמות׃
22Siya'y naglilitaw ng mga malalim na bagay mula sa kadiliman, at inilalabas sa liwanag ang lihim ng kamatayan.
23משגיא לגוים ויאבדם שטח לגוים וינחם׃
23Kaniyang pinararami ang mga bansa at mga nililipol niya: kaniyang pinalaki ang mga bansa, at mga dinala sa pagkabihag.
24מסיר לב ראשי עם הארץ ויתעם בתהו לא דרך׃
24Kaniyang inaalis ang pangunawa mula sa mga pinuno ng bayan sa lupa, at kaniyang pinagagala sila sa ilang na doo'y walang lansangan.
25ימששו חשך ולא אור ויתעם כשכור׃
25Sila'y nagsisikapa sa dilim na walang liwanag, at kaniyang pinagigiraygiray sila na gaya ng lango.