1ויען אליפז התימני ויאמר׃
1Nang magkagayo'y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi,
2החכם יענה דעת רוח וימלא קדים בטנו׃
2Sasagot ba ang isang pantas ng walang kabuluhang kaalaman, at pupunuin ang kaniyang tiyan ng hanging silanganan?
3הוכח בדבר לא יסכון ומלים לא יועיל בם׃
3Makikipagmatuwiranan ba siya ng walang kapakinabangang pangungusap, o ng mga salita na hindi niya ikagagawa ng mabuti?
4אף אתה תפר יראה ותגרע שיחה לפני אל׃
4Oo, ikaw ay nagaalis ng katakutan, at iyong pinipigil ang dalangin sa harap ng Dios.
5כי יאלף עונך פיך ותבחר לשון ערומים׃
5Sapagka't ang iyong kasamaan ang nagtuturo sa iyong bibig, at iyong pinipili ang dila ng mapagkatha.
6ירשיעך פיך ולא אני ושפתיך יענו בך׃
6Ang iyong sariling bibig ang humahatol laban sa iyo, at hindi ako; Oo, ang iyong sariling mga labi ay nagpapatotoo laban sa iyo.
7הראישון אדם תולד ולפני גבעות חוללת׃
7Ikaw ba ang unang tao na ipinanganak? O nalabas ka bang una kay sa mga burol?
8הבסוד אלוה תשמע ותגרע אליך חכמה׃
8Iyo bang narinig ang lihim na payo ng Dios? At ikaw ba'y nagpigil ng karunungan sa iyong sarili?
9מה ידעת ולא נדע תבין ולא עמנו הוא׃
9Anong nalalaman mo na di namin nalalaman? Anong nauunawa mo na wala sa amin?
10גם שב גם ישיש בנו כביר מאביך ימים׃
10Kasama namin ay mga ulong may uban, at mga totoong napakatandang tao, matandang makapupo kay sa iyong ama.
11המעט ממך תנחמות אל ודבר לאט עמך׃
11Ang mga pagaliw ba ng Dios ay totoong kaunti pa sa ganang iyo, sa makatuwid baga'y ang salitang napakabuti sa iyo?
12מה יקחך לבך ומה ירזמון עיניך׃
12Bakit ka napadadala sa iyong puso? At bakit kumikindat ang iyong mga mata?
13כי תשיב אל אל רוחך והצאת מפיך מלין׃
13Na tinatalikdan mo ng iyong diwa ang Dios, at binibigkas mo ang ganyang mga salita sa iyong bibig.
14מה אנוש כי יזכה וכי יצדק ילוד אשה׃
14Ano ang tao upang maging malinis? At siyang ipinanganak ng babae, upang siya'y maging matuwid?
15הן בקדשו לא יאמין ושמים לא זכו בעיניו׃
15Narito, siya'y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga banal; Oo, ang langit ay hindi malinis sa kaniyang paningin.
16אף כי נתעב ונאלח איש שתה כמים עולה׃
16Gaano pa nga kaliit ang karumaldumal at hamak, ang taong umiinom ng kasamaan na parang tubig!
17אחוך שמע לי וזה חזיתי ואספרה׃
17Ipakikilala ko sa iyo, dinggin mo ako; at ang aking nakita ay aking ipahahayag:
18אשר חכמים יגידו ולא כחדו מאבותם׃
18(Ang isinaysay ng mga pantas na mula sa kanilang mga magulang, at hindi inilingid;
19להם לבדם נתנה הארץ ולא עבר זר בתוכם׃
19Sa mga yaon lamang ibinigay ang lupain, at walang taga ibang lupa na dumaan sa gitna nila:)
20כל ימי רשע הוא מתחולל ומספר שנים נצפנו לעריץ׃
20Ang masamang tao ay nagdaramdam ng sakit lahat ng kaniyang araw, sa makatuwid baga'y ang bilang ng mga taon na itinakda sa mamimighati.
21קול פחדים באזניו בשלום שודד יבואנו׃
21Ang hugong ng kakilabutan ay nasa kaniyang mga pakinig; sa kaginhawahan ay daratnan siya ng mga mananamsam:
22לא יאמין שוב מני חשך וצפו הוא אלי חרב׃
22Siya'y hindi naniniwala na babalik siya na mula sa kadiliman, at siya'y hinihintay ng tabak:
23נדד הוא ללחם איה ידע כי נכון בידו יום חשך׃
23Siya'y gumagala dahil sa tinapay, na nagsasabi: Nasaan? Kaniyang nalalaman na ang araw ng kadiliman ay handa sa kaniyang kamay:
24יבעתהו צר ומצוקה תתקפהו כמלך עתיד לכידור׃
24Kapanglawan at kadalamhatian ay tumatakot sa kaniya: nangananaig laban sa kaniya, na gaya ng isang hari na handa sa pakikipagbaka;
25כי נטה אל אל ידו ואל שדי יתגבר׃
25Sapagka't iniuunat niya ang kaniyang kamay laban sa Dios. At nagpapalalo laban sa Makapangyarihan sa lahat;
26ירוץ אליו בצואר בעבי גבי מגניו׃
26Tinatakbo niya siya na may mapagmatigas na leeg, sa kakapalan ng kaniyang mga kalasag;
27כי כסה פניו בחלבו ויעש פימה עלי כסל׃
27Sapagka't tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang katabaan at nagpangulubot ng kaniyang mga pigi;
28וישכון ערים נכחדות בתים לא ישבו למו אשר התעתדו לגלים׃
28At siya'y tumahan sa mga sirang bayan, sa mga bahay na walang taong tumatahan, na madaling magiging mga bunton.
29לא יעשר ולא יקום חילו ולא יטה לארץ מנלם׃
29Hindi siya yayaman, o mamamalagi man ang kaniyang pag-aari. Ni di lalawak sa lupa ang kaniyang mga tinatangkilik.
30לא יסור מני חשך ינקתו תיבש שלהבת ויסור ברוח פיו׃
30Siya'y hindi hihiwalay sa kadiliman; tutuyuin ng liyab ang kaniyang mga sanga, at sa pamamagitan ng hininga ng bibig ng Dios ay papanaw siya.
31אל יאמן בשו נתעה כי שוא תהיה תמורתו׃
31Huwag siyang tumiwala sa kalayawan na dayain ang sarili: sapagka't kalayawan ang magiging kagantihan sa kaniya.
32בלא יומו תמלא וכפתו לא רעננה׃
32Magaganap ito bago dumating ang kaniyang kapanahunan, at ang kaniyang sanga ay hindi mananariwa.
33יחמס כגפן בסרו וישלך כזית נצתו׃
33Lalagasin niya ang kaniyang mga hilaw na ubas na gaya ng puno ng ubas, at lalagasin ang kaniyang bulaklak na gaya ng olibo.
34כי עדת חנף גלמוד ואש אכלה אהלי שחד׃
34Sapagka't ang pulutong ng mga di banal ay hindi lalago, at susupukin ng apoy ang mga toldang suhulan.
35הרה עמל וילד און ובטנם תכין מרמה׃
35Sila'y nag-iisip ng pagapi at naglalabas ng kasamaan, at ang kanilang kalooban ay naghahanda ng pagdaraya.