1כי יש לכסף מוצא ומקום לזהב יזקו׃
1Tunay na may mina na mayroong pilak, at dako na ukol sa ginto na kanilang pinagdadalisayan.
2ברזל מעפר יקח ואבן יצוק נחושה׃
2Bakal ay hinuhukay sa lupa, at tanso ay binububo mula sa bato.
3קץ שם לחשך ולכל תכלית הוא חוקר אבן אפל וצלמות׃
3Ang tao'y naglalagay ng wakas sa kadiliman, at sumisiyasat hanggang sa kalayulayuang hangganan ng mga bato ng kadiliman at salimuot na kadiliman.
4פרץ נחל מעם גר הנשכחים מני רגל דלו מאנוש נעו׃
4Siya'y humuhukay ng malayo sa tinatahanan ng mga tao: nililimot ng paa na dumadaan nagbibitin doong malayo sa mga tao, sila'y umuugoy na paroo't parito.
5ארץ ממנה יצא לחם ותחתיה נהפך כמו אש׃
5Tungkol sa lupa, mula rito'y nanggagaling ang tinapay: at sa ilalim ay wari tinutuklap ng apoy.
6מקום ספיר אבניה ועפרת זהב לו׃
6Ang mga bato nito'y kinaroroonan ng mga zafiro. At ito'y may alabok na ginto.
7נתיב לא ידעו עיט ולא שזפתו עין איה׃
7Yaong landas na walang ibong mangdadagit ay nakakaalam. Ni nakita man ng mata ng falkon:
8לא הדריכהו בני שחץ לא עדה עליו שחל׃
8Hindi natungtungan ng mga palalong hayop, ni naraanan man ng mabangis na leon,
9בחלמיש שלח ידו הפך משרש הרים׃
9Kaniyang inilalabas ang kaniyang kamay sa batong pingkian; binabaligtad ng mga ugat ang mga bundok.
10בצורות יארים בקע וכל יקר ראתה עינו׃
10Siya'y nagbabangbang sa gitna ng mga bato; at ang kaniyang mata ay nakakakita ng bawa't mahalagang bagay.
11מבכי נהרות חבש ותעלמה יצא אור׃
11Kaniyang tinatalian ang mga lagaslas upang huwag umagos; at ang bagay na nakukubli ay inililitaw niya sa liwanag.
12והחכמה מאין תמצא ואי זה מקום בינה׃
12Nguni't saan masusumpungan ang karunungan? At saan naroon ang dako ng pagkaunawa?
13לא ידע אנוש ערכה ולא תמצא בארץ החיים׃
13Hindi nalalaman ng tao ang halaga niyaon; ni nasusumpungan man sa lupain ng may buhay.
14תהום אמר לא בי היא וים אמר אין עמדי׃
14Sinasabi ng kalaliman. Wala sa akin: at sinasabi ng dagat: Hindi sumasaakin.
15לא יתן סגור תחתיה ולא ישקל כסף מחירה׃
15Hindi mabibili ng ginto, ni matitimbangan man ng pilak ang halaga niyaon.
16לא תסלה בכתם אופיר בשהם יקר וספיר׃
16Hindi mahahalagahan ng ginto sa Ophir, ng mahalagang onix, o ng zafiro.
17לא יערכנה זהב וזכוכית ותמורתה כלי פז׃
17Ginto at salamin ay hindi maihahalintulad doon: ni maipagpapalit man sa mga hiyas na dalisay na ginto.
18ראמות וגביש לא יזכר ומשך חכמה מפנינים׃
18Hindi mabibilang ang coral o ang cristal; Oo, ang halaga ng karunungan ay higit sa mga rubi.
19לא יערכנה פטדת כוש בכתם טהור לא תסלה׃
19Ang topacio sa Etiopia ay hindi maipapantay doon, ni mahahalagahan man ng dalisay na ginto.
20והחכמה מאין תבוא ואי זה מקום בינה׃
20Saan nanggagaling nga ang karunungan? At saan naroon ang dako ng pagkaunawa?
21ונעלמה מעיני כל חי ומעוף השמים נסתרה׃
21Palibhasa't nakukubli sa mga mata ng lahat na may buhay, at natatago sa mga ibon sa himpapawid.
22אבדון ומות אמרו באזנינו שמענו שמעה׃
22Ang kapahamakan at ang kamatayan ay nagsasabi, narinig namin ng aming mga pakinig ang bulungbulungan niyaon.
23אלהים הבין דרכה והוא ידע את מקומה׃
23Nauunawa ng Dios ang daan niyaon, at nalalaman niya ang dako niyaon.
24כי הוא לקצות הארץ יביט תחת כל השמים יראה׃
24Sapagka't tumitingin siya hanggang sa mga wakas ng lupa, at nakikita ang silong ng buong langit;
25לעשות לרוח משקל ומים תכן במדה׃
25Upang bigyan ng timbang ang hangin; Oo, kaniyang tinatakal ang tubig sa takalan.
26בעשתו למטר חק ודרך לחזיז קלות׃
26Nang siya'y gumawa ng pasiya sa ulan, at ng daan sa kidlat ng kulog:
27אז ראה ויספרה הכינה וגם חקרה׃
27Nang magkagayo'y nakita niya ito, at inihayag; kaniyang itinatag ito, oo, at siniyasat.
28ויאמר לאדם הן יראת אדני היא חכמה וסור מרע בינה׃
28At sa tao ay sinabi niya, Narito, ang pagkatakot sa Dios ay siyang karunungan; at ang paghiwalay sa kasamaan ay pagkaunawa.