1אחרי כן פתח איוב את פיהו ויקלל את יומו׃
1Pagkatapos nito'y ibinuka ni Job ang kaniyang bibig at sinumpa ang kaniyang kaarawan.
2ויען איוב ויאמר׃
2At si Job ay sumagot, at nagsabi,
3יאבד יום אולד בו והלילה אמר הרה גבר׃
3Maparam nawa ang kaarawan ng kapanganakan sa akin, at ang gabi na nagsabi, may lalaking ipinaglihi.
4היום ההוא יהי חשך אל ידרשהו אלוה ממעל ואל תופע עליו נהרה׃
4Magdilim nawa ang kaarawang yaon; huwag nawang pansinin ng Dios mula sa itaas, ni silangan man ng liwanag.
5יגאלהו חשך וצלמות תשכן עליו עננה יבעתהו כמרירי יום׃
5Ang dilim at ang salimuot na kadiliman ang siyang mangagari niyaon; pag-ulapan nawa yaon; Pangilabutin nawa yaon ng lahat na nagpapadilim sa araw.
6הלילה ההוא יקחהו אפל אל יחד בימי שנה במספר ירחים אל יבא׃
6Suma gabing yaon nawa ang pagsasalimuot ng kadiliman: huwag nawang kagalakan sa mga araw ng sangtaon; huwag nawang mapasok sa bilang ng mga buwan.
7הנה הלילה ההוא יהי גלמוד אל תבא רננה בו׃
7Narito, mapagisa ang gabing yaon; huwag nawang datnan yaon ng masayang tinig.
8יקבהו אררי יום העתידים ערר לויתן׃
8Sumpain nawa yaong nanganunumpa sa araw, ng nangamimihasang gumalaw sa buwaya.
9יחשכו כוכבי נשפו יקו לאור ואין ואל יראה בעפעפי שחר׃
9Mangagdilim nawa ang mga bituin ng pagtatakip-silim niyaon: maghintay nawa ng liwanag, nguni't huwag magkaroon: ni huwag mamalas ang mga bukang liwayway ng umaga:
10כי לא סגר דלתי בטני ויסתר עמל מעיני׃
10Sapagka't hindi tinakpan ang mga pinto ng bahay-bata ng aking ina, o ikinubli man ang kabagabagan sa aking mga mata.
11למה לא מרחם אמות מבטן יצאתי ואגוע׃
11Bakit hindi pa ako namatay mula sa bahay-bata? Bakit di pa napatid ang aking hininga nang ipanganak ako ng aking ina?
12מדוע קדמוני ברכים ומה שדים כי אינק׃
12Bakit tinanggap ako ng mga tuhod? O bakit ng mga suso, na aking sususuhin?
13כי עתה שכבתי ואשקוט ישנתי אז ינוח לי׃
13Sapagka't ngayon ay nahihiga sana ako at natatahimik; ako sana'y nakakatulog; na napapahinga ako:
14עם מלכים ויעצי ארץ הבנים חרבות למו׃
14Na kasama ng mga hari at ng mga kasangguni sa lupa, na nagsisigawa ng mga dakong ilang sa ganang kanila;
15או עם שרים זהב להם הממלאים בתיהם כסף׃
15O ng mga pangulo na nangagkaroon ng ginto, na pumuno sa kanilang bahay ng pilak:
16או כנפל טמון לא אהיה כעללים לא ראו אור׃
16O gaya sana ng nalagas na nakatago, na hindi nabuhay; gaya sana ng sanggol na kailan man ay hindi nakakita ng liwanag.
17שם רשעים חדלו רגז ושם ינוחו יגיעי כח׃
17Doo'y naglilikat ang masama sa pagbagabag; at doo'y nagpapahinga ang pagod.
18יחד אסירים שאננו לא שמעו קול נגש׃
18Doo'y ang mga bihag ay nangagpapahingang magkakasama; hindi nila naririnig ang tinig ng nagpapaatag.
19קטן וגדול שם הוא ועבד חפשי מאדניו׃
19Ang mababa at ang mataas ay nangaroon; at ang alipin ay laya sa kaniyang panginoon.
20למה יתן לעמל אור וחיים למרי נפש׃
20Bakit binibigyan ng liwanag ang nasa karalitaan, at ng buhay ang kaluluwang nasa kahirapan;
21המחכים למות ואיננו ויחפרהו ממטמונים׃
21Na naghihintay ng kamatayan, nguni't hindi dumarating; at hinahangad ng higit kaysa mga kayamanang nakatago;
22השמחים אלי גיל ישישו כי ימצאו קבר׃
22Na nagagalak ng di kawasa, at nangasasayahan, pagka nasumpungan ang libingan?
23לגבר אשר דרכו נסתרה ויסך אלוה בעדו׃
23Bakit binibigyan ng liwanag ang tao na kinalilingiran ng lakad, at ang kinulong ng Dios?
24כי לפני לחמי אנחתי תבא ויתכו כמים שאגתי׃
24Sapagka't nagbubuntong hininga ako bago ako kumain, at ang aking mga angal ay bumubugsong parang tubig.
25כי פחד פחדתי ויאתיני ואשר יגרתי יבא לי׃
25Sapagka't ang bagay na aking kinatatakutan ay dumarating sa akin, at ang aking pinangingilabutan ay dumarating sa akin.
26לא שלותי ולא שקטתי ולא נחתי ויבא רגז׃
26Hindi ako tiwasay, ni ako man ay tahimik, ni ako man ay napapahinga; kundi kabagabagan ang dumarating.