1ברית כרתי לעיני ומה אתבונן על בתולה׃
1Ako'y nakipagtipan sa aking mga mata; paano nga akong titingin sa isang dalaga?
2ומה חלק אלוה ממעל ונחלת שדי ממרמים׃
2Sapagka't ano ang bahagi sa ganang akin sa Dios mula sa itaas, at ang mana sa Makapangyarihan sa lahat mula sa kaitaasan?
3הלא איד לעול ונכר לפעלי און׃
3Hindi ba kasakunaan sa liko, at kasawiang palad sa mga manggagawa ng kasamaan?
4הלא הוא יראה דרכי וכל צעדי יספור׃
4Hindi ba niya nakikita ang aking mga lakad, at binibilang ang lahat ng aking mga hakbang?
5אם הלכתי עם שוא ותחש על מרמה רגלי׃
5Kung ako'y lumakad na walang kabuluhan, at ang aking paa ay nagmadali sa pagdaraya;
6ישקלני במאזני צדק וידע אלוה תמתי׃
6(Timbangin ako sa matuwid na timbangan, upang mabatid ng Dios ang aking pagtatapat;)
7אם תטה אשרי מני הדרך ואחר עיני הלך לבי ובכפי דבק מאום׃
7Kung ang aking hakbang ay lumiko sa daan, at ang aking puso ay lumakad ayon sa aking mga mata, at kung ang anomang dungis ay kumapit sa aking mga kamay:
8אזרעה ואחר יאכל וצאצאי ישרשו׃
8Kung gayo'y papaghasikin mo ako, at bayaang kanin ng iba; Oo, bunutin ang bunga ng aking bukid.
9אם נפתה לבי על אשה ועל פתח רעי ארבתי׃
9Kung ang aking puso ay napadaya sa babae, at ako'y bumakay sa pintuan ng aking kapuwa:
10תטחן לאחר אשתי ועליה יכרעון אחרין׃
10Kung magkagayo'y iba ang ipaggiling ng aking asawa, at iba ang yumuko sa kaniya.
11כי הוא זמה והיא עון פלילים׃
11Sapagka't iya'y isang mabigat na sala; Oo, isang kasamaan na parurusahan ng mga hukom:
12כי אש היא עד אבדון תאכל ובכל תבואתי תשרש׃
12Sapagka't isang apoy na namumugnaw hanggang sa pagkapahamak, at bubunutin ang lahat ng aking bunga.
13אם אמאס משפט עבדי ואמתי ברבם עמדי׃
13Kung hinamak ko ang katuwiran ng aking aliping lalake o aliping babae, nang sila'y makipagtalo sa akin:
14ומה אעשה כי יקום אל וכי יפקד מה אשיבנו׃
14Ano nga ang aking gagawin pagka bumabangon ang Dios? At pagka kaniyang dinadalaw, anong isasagot ko sa kaniya?
15הלא בבטן עשני עשהו ויכננו ברחם אחד׃
15Hindi ba siyang lumalang sa akin sa bahay-bata ang lumalang sa kaniya; at hindi ba iisa ang humugis sa atin sa bahay-bata?
16אם אמנע מחפץ דלים ועיני אלמנה אכלה׃
16Kung pinagkaitan ko ang dukha sa kanilang nasa, o pinangalumata ko ang mga mata ng babaing bao:
17ואכל פתי לבדי ולא אכל יתום ממנה׃
17O kumain akong magisa ng aking subo, at ang ulila ay hindi kumain niyaon;
18כי מנעורי גדלני כאב ומבטן אמי אנחנה׃
18(Hindi, mula sa aking kabataan ay lumaki siyang kasama ko, na gaya ng may isang ama, at aking pinatnubayan siya mula sa bahay-bata ng aking ina;)
19אם אראה אובד מבלי לבוש ואין כסות לאביון׃
19Kung ako'y nakakita ng sinomang nangangailangan ng kasuutan, o ng mapagkailangan ng walang kumot;
20אם לא ברכוני חלצו ומגז כבשי יתחמם׃
20Kung hindi ako pinagpala ng kaniyang mga balakang, at kung siya'y hindi nainitan ng balahibo ng aking mga tupa:
21אם הניפותי על יתום ידי כי אראה בשער עזרתי׃
21Kung binuhat ko ang aking kamay laban sa ulila, sapagka't nakita ko ang tulong sa akin sa pintuang-bayan:
22כתפי משכמה תפול ואזרעי מקנה תשבר׃
22Kung nagkagayo'y malaglag ang aking balikat sa abot-agawin, at ang aking kamay ay mabali sa buto.
23כי פחד אלי איד אל ומשאתו לא אוכל׃
23Sapagka't ang kasakunaang mula sa Dios ay kakilabutan sa akin, at dahil sa kaniyang karilagan ay wala akong magawa.
24אם שמתי זהב כסלי ולכתם אמרתי מבטחי׃
24Kung aking pinapaging ginto ang aking pagasa, at sinabi ko sa dalisay na ginto, ikaw ay aking tiwala;
25אם אשמח כי רב חילי וכי כביר מצאה ידי׃
25Kung ako'y nagalak sapagka't ang aking kayamanan ay malaki, at sapagka't ang aking kamay ay nagtamo ng marami;
26אם אראה אור כי יהל וירח יקר הלך׃
26Kung ako'y tumingin sa araw pagka sumisikat, o sa buwan na lumalakad sa kakinangan;
27ויפת בסתר לבי ותשק ידי לפי׃
27At ang aking puso ay napadayang lihim, at hinagkan ng aking bibig ang aking kamay:
28גם הוא עון פלילי כי כחשתי לאל ממעל׃
28Ito may isang kasamaang marapat parusahan ng mga hukom: sapagka't itinakuwil ko ang Dios na nasa itaas.
29אם אשמח בפיד משנאי והתעררתי כי מצאו רע׃
29Kung ako'y nagalak sa kasakunaan niyaong nagtatanim ng loob sa akin, o nagmataas ako ng datnan siya ng kasamaan;
30ולא נתתי לחטא חכי לשאל באלה נפשו׃
30(Oo, hindi ko tiniis ang aking bibig sa kasalanan sa paghingi ng kaniyang buhay na may sumpa;)
31אם לא אמרו מתי אהלי מי יתן מבשרו לא נשבע׃
31Kung ang mga tao sa aking tolda ay hindi nagsabi, sinong makakasumpong ng isa na hindi nabusog sa kaniyang pagkain?
32בחוץ לא ילין גר דלתי לארח אפתח׃
32Ang taga ibang lupa ay hindi tumigil sa lansangan; kundi aking ibinukas ang aking mga pinto sa manglalakbay,
33אם כסיתי כאדם פשעי לטמון בחבי עוני׃
33Kung aking tinakpan na gaya ni Adan ang aking mga pagsalangsang, sa pagkukubli ng aking kasamaan sa aking sinapupunan;
34כי אערוץ המון רבה ובוז משפחות יחתני ואדם לא אצא פתח׃
34Sapagka't aking kinatakutan ang lubhang karamihan, at pinangilabot ako ng paghamak ng mga angkan. Na anopa't ako'y tumahimik, at hindi lumabas sa pintuan?
35מי יתן לי שמע לי הן תוי שדי יענני וספר כתב איש ריבי׃
35O mano nawang may duminig sa akin! (Narito ang aking tala, sagutin ako ng Makapangyarihan sa lahat;) At mano nawang magkaroon ako ng sumbong na isinulat ng aking kaaway!
36אם לא על שכמי אשאנו אענדנו עטרות לי׃
36Tunay na aking papasanin ito sa aking balikat; aking itatali sa akin na gaya ng isang putong.
37מספר צעדי אגידנו כמו נגיד אקרבנו׃
37Aking ipahahayag sa kaniya ang bilang ng aking mga hakbang, gaya ng isang pangulo na lalapitan ko siya.
38אם עלי אדמתי תזעק ויחד תלמיה יבכיון׃
38Kung ang aking lupa ay humiyaw laban sa akin, at ang mga bungkal niyaon ay umiyak na magkakasama;
39אם כחה אכלתי בלי כסף ונפש בעליה הפחתי׃
39Kung kumain ako ng bunga niyaon na walang bayad, o ipinahamak ko ang buhay ng mga may-ari niyaon:
40תחת חטה יצא חוח ותחת שערה באשה תמו דברי איוב׃
40Tubuan ng dawag sa halip ng trigo, at ng mga masamang damo sa halip ng cebada. Ang mga salita ni Job ay natapos.