1ויען איוב ויאמר׃
1Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
2אמנם ידעתי כי כן ומה יצדק אנוש עם אל׃
2Sa katotohanan ay nalalaman kong ito'y gayon: nguni't paanong makapaggaganap ang tao sa Dios?
3אם יחפץ לריב עמו לא יעננו אחת מני אלף׃
3Kung kalugdan niyang makipagtalo sa kaniya, siya'y hindi makasasagot sa kaniya ng isa sa isang libo.
4חכם לבב ואמיץ כח מי הקשה אליו וישלם׃
4Siya ay pantas sa puso, at may kaya sa kalakasan: sinong nagmatigas laban sa kaniya at guminhawa?
5המעתיק הרים ולא ידעו אשר הפכם באפו׃
5Na siyang naglilipat ng mga bundok, at hindi nila nalalaman, pagka nililiglig niya sa kaniyang pagkagalit.
6המרגיז ארץ ממקומה ועמודיה יתפלצון׃
6Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan, at ang mga haligi nito ay nangayayanig.
7האמר לחרס ולא יזרח ובעד כוכבים יחתם׃
7Na siyang naguutos sa araw, at hindi sumisikat; at nagtatakda sa mga bituin.
8נטה שמים לבדו ודורך על במתי ים׃
8Na nagiisang inuunat ang langit, at tumutungtong sa mga alon ng dagat.
9עשה עש כסיל וכימה וחדרי תמן׃
9Na lumikha sa Oso, sa Orion, at sa mga Pleyade, at sa mga silid ng timugan.
10עשה גדלות עד אין חקר ונפלאות עד אין מספר׃
10Na gumagawa ng mga dakilang bagay na di masayod; Oo, mga kamanghamanghang bagay na walang bilang.
11הן יעבר עלי ולא אראה ויחלף ולא אבין לו׃
11Narito, siya'y dumaraan sa siping ko, at hindi ko siya nakikita: siya'y nagpapatuloy rin naman, nguni't hindi ko siya namamataan.
12הן יחתף מי ישיבנו מי יאמר אליו מה תעשה׃
12Narito, siya'y nangangagaw sinong makasasansala sa kaniya? Sinong magsasabi sa kaniya: Anong ginagawa mo?
13אלוה לא ישיב אפו תחתו שחחו עזרי רהב׃
13Hindi iuurong ng Dios ang kaniyang galit; ang mga manunulong sa Rahab ay nagsisiyukod sa ilalim niya.
14אף כי אנכי אעננו אבחרה דברי עמו׃
14Gaano pa nga kaya kaliit ang maisasagot ko sa kaniya, at mapipiling aking mga salita na maimamatuwid ko sa kaniya?
15אשר אם צדקתי לא אענה למשפטי אתחנן׃
15Na kahiman ako'y matuwid, gayon may hindi ako sasagot sa kaniya; ako'y mamamanhik sa aking hukom.
16אם קראתי ויענני לא אאמין כי יאזין קולי׃
16Kung ako'y tumawag, at siya'y sumagot sa akin; gayon ma'y hindi ako maniniwala na kaniyang dininig ang aking tinig.
17אשר בשערה ישופני והרבה פצעי חנם׃
17Sapagka't ako'y ginigiba niya sa pamamagitan ng isang bagyo, at pinararami ang aking mga sugat ng walang kadahilanan.
18לא יתנני השב רוחי כי ישבעני ממררים׃
18Hindi niya ako tutulutang ako'y huminga, nguni't nililipos niya ako ng hirap.
19אם לכח אמיץ הנה ואם למשפט מי יועידני׃
19Kung kami ay magsalita tungkol sa kalakasan, narito, siya'y may kapangyarihan! At kung sa kahatulan, sino, sinasabi niya ay magtatakda sa akin ng panahon?
20אם אצדק פי ירשיעני תם אני ויעקשני׃
20Kahiman ako'y matuwid, ang aking sariling bibig ay hahatol sa akin: kahiman ako'y sakdal patototohanan niya akong masama.
21תם אני לא אדע נפשי אמאס חיי׃
21Ako'y sakdal; hindi ko talos ang aking sarili; aking niwalang kabuluhan ang aking buhay.
22אחת היא על כן אמרתי תם ורשע הוא מכלה׃
22Lahat ay isa; kaya't aking sinasabi: kaniyang ginigiba ang sakdal at ang masama.
23אם שוט ימית פתאם למסת נקים ילעג׃
23Kung ang panghampas ay pumapatay na bigla, tatawanan niya ang paglilitis sa mga walang sala.
24ארץ נתנה ביד רשע פני שפטיה יכסה אם לא אפוא מי הוא׃
24Ang lupa ay nabigay sa kamay ng masama: kaniyang tinatakpan ang mga mukha ng mga hukom nito; kung hindi siya, sino nga?
25וימי קלו מני רץ ברחו לא ראו טובה׃
25Ngayo'y ang mga kaarawan ko ay matulin kay sa isang sugo: dumadaang matulin, walang nakikitang mabuti.
26חלפו עם אניות אבה כנשר יטוש עלי אכל׃
26Sila'y nagsisidaang parang mga matuling sasakyan: parang agila na dumadagit ng huli.
27אם אמרי אשכחה שיחי אעזבה פני ואבליגה׃
27Kung aking sabihin: Aking kalilimutan ang aking daing, aking papawiin ang aking malungkot na mukha, at magpapakasaya ako:
28יגרתי כל עצבתי ידעתי כי לא תנקני׃
28Ako'y natatakot sa lahat kong kapanglawan, talastas ko na hindi mo aariin akong walang sala.
29אנכי ארשע למה זה הבל איגע׃
29Ako'y mahahatulan; bakit nga ako gagawa ng walang kabuluhan?
30אם התרחצתי במו שלג והזכותי בבר כפי׃
30Kung ako'y maligo ng nieveng tubig, at gawin ko ang aking mga kamay na napakalinis;
31אז בשחת תטבלני ותעבוני שלמותי׃
31Gayon ma'y itutulak mo ako sa hukay, at kayayamutan ako ng aking mga sariling kasuutan.
32כי לא איש כמני אעננו נבוא יחדו במשפט׃
32Sapagka't siya'y hindi tao, na gaya ko, na sasagot ako sa kaniya, na tayo'y pumasok kapuwa sa kahatulan,
33לא יש בינינו מוכיח ישת ידו על שנינו׃
33Walang hukom sa pagitan natin, na makapaglagay ng kaniyang kamay sa ating dalawa.
34יסר מעלי שבטו ואמתו אל תבעתני׃
34Ihiwalay niya sa akin ang kaniyang tungkod, at huwag akong takutin ng kaniyang pangilabot:
35אדברה ולא איראנו כי לא כן אנכי עמדי׃
35Kung magkagayo'y magsasalita ako, at hindi matatakot sa kaniya; sapagka't hindi gayon ako sa aking sarili.