Hebrew: Modern

Tagalog 1905

Proverbs

1

1משלי שלמה בן דוד מלך ישראל׃
1Ang mga kawikaan ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel:
2לדעת חכמה ומוסר להבין אמרי בינה׃
2Upang umalam ng karunungan at turo; upang bulayin ang mga salita ng pagkaunawa;
3לקחת מוסר השכל צדק ומשפט ומישרים׃
3Upang tumanggap ng turo sa pantas na paguugali, sa katuwiran, at kahatulan, at karampatan;
4לתת לפתאים ערמה לנער דעת ומזמה׃
4Upang magbigay ng katalinuhan sa musmos. Kaalaman at pagbubulay sa kabataan:
5ישמע חכם ויוסף לקח ונבון תחבלות יקנה׃
5Upang marinig ng pantas, at lumago sa ikatututo: at upang tamuhin ng taong may unawa ang magagaling na payo:
6להבין משל ומליצה דברי חכמים וחידתם׃
6Upang umunawa ng kawikaan at ng kahulugan; ng mga salita ng pantas, at ng kanilang malalabong sabi.
7יראת יהוה ראשית דעת חכמה ומוסר אוילים בזו׃
7Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo.
8שמע בני מוסר אביך ואל תטש תורת אמך׃
8Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina:
9כי לוית חן הם לראשך וענקים לגרגרתיך׃
9Sapagka't sila'y magiging tali ng biyaya sa iyong ulo, at mga kuwintas sa ligid ng iyong leeg.
10בני אם יפתוך חטאים אל תבא׃
10Anak ko, kung ikaw ay hikayatin ng mga makasalanan, huwag mong tulutan.
11אם יאמרו לכה אתנו נארבה לדם נצפנה לנקי חנם׃
11Kung kanilang sabihin, sumama ka sa amin, tayo'y magsibakay sa pagbububo ng dugo, tayo'y mangagkubli ng silo na walang anomang kadahilanan sa walang sala;
12נבלעם כשאול חיים ותמימים כיורדי בור׃
12Sila'y lamunin nating buhay na gaya ng Sheol. At buo, na gaya ng nagsibaba sa lungaw;
13כל הון יקר נמצא נמלא בתינו שלל׃
13Tayo'y makakasumpong ng lahat na mahalagang pag-aari, ating pupunuin ang ating mga bahay ng samsam;
14גורלך תפיל בתוכנו כיס אחד יהיה לכלנו׃
14Ikaw ay makikipagsapalaran sa gitna namin; magkakaroon tayong lahat ng isang supot:
15בני אל תלך בדרך אתם מנע רגלך מנתיבתם׃
15Anak ko, huwag kang lumakad sa daan na kasama nila; pigilin mo ang iyong paa sa kanilang landas:
16כי רגליהם לרע ירוצו וימהרו לשפך דם׃
16Sapagka't ang kanilang mga paa ay nagsisitakbo sa kasamaan, at sila'y nangagmamadali sa pagbububo ng dugo.
17כי חנם מזרה הרשת בעיני כל בעל כנף׃
17Sapagka't walang kabuluhang naladlad ang silo, sa paningin ng alin mang ibon:
18והם לדמם יארבו יצפנו לנפשתם׃
18At binabakayan ng mga ito ang kanilang sariling dugo, kanilang ipinagkukubli ng silo ang kanilang sariling mga buhay.
19כן ארחות כל בצע בצע את נפש בעליו יקח׃
19Ganyan ang mga lakad ng bawa't sakim sa pakinabang; na nagaalis ng buhay ng mga may-ari niyaon.
20חכמות בחוץ תרנה ברחבות תתן קולה׃
20Karunungan ay humihiyaw na malakas sa lansangan; kaniyang inilalakas ang kaniyang tinig sa mga luwal na dako;
21בראש המיות תקרא בפתחי שערים בעיר אמריה תאמר׃
21Siya'y humihiyaw sa mga pangulong dako na pinaglilipunan; sa pasukan ng mga pintuang-bayan, sa bayan, kaniyang binibigkas ang kaniyang mga salita:
22עד מתי פתים תאהבו פתי ולצים לצון חמדו להם וכסילים ישנאו דעת׃
22Hanggang kailan kayong mga musmos, magsisiibig sa inyong kamusmusan? At ang mga nanunuya ay maliligaya sa panunuya, at ang mga mangmang ay mangagtatanim sa kaalaman?
23תשובו לתוכחתי הנה אביעה לכם רוחי אודיעה דברי אתכם׃
23Magsibalik kayo sa aking saway: narito, aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo.
24יען קראתי ותמאנו נטיתי ידי ואין מקשיב׃
24Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi: aking iniunat ang aking kamay, at walang makinig;
25ותפרעו כל עצתי ותוכחתי לא אביתם׃
25Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo, at hindi ninyo inibig ang aking saway:
26גם אני באידכם אשחק אלעג בבא פחדכם׃
26Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan: ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating;
27בבא כשאוה פחדכם ואידכם כסופה יאתה בבא עליכם צרה וצוקה׃
27Pagka ang iyong takot ay dumarating na parang bagyo. At ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo; pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo.
28אז יקראנני ולא אענה ישחרנני ולא ימצאנני׃
28Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin, nguni't hindi ako sasagot; hahanapin nila akong masikap, nguni't hindi nila ako masusumpungan:
29תחת כי שנאו דעת ויראת יהוה לא בחרו׃
29Sapagka't kanilang ipinagtanim ang kaalaman, at hindi pinili ang takot sa Panginoon.
30לא אבו לעצתי נאצו כל תוכחתי׃
30Ayaw sila ng aking payo; kanilang hinamak ang buo kong pagsaway:
31ויאכלו מפרי דרכם וממעצתיהם ישבעו׃
31Kaya't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad, at mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan.
32כי משובת פתים תהרגם ושלות כסילים תאבדם׃
32Sapagka't papatayin sila ng pagtalikod ng musmos, at ang pagkawalang balisa ng mga mangmang ay ang sisira sa kanila.
33ושמע לי ישכן בטח ושאנן מפחד רעה׃
33Nguni't ang nakikinig sa akin ay tatahang tiwasay. At tatahimik na walang takot sa kasamaan.