Hebrew: Modern

Tagalog 1905

Proverbs

27

1אל תתהלל ביום מחר כי לא תדע מה ילד יום׃
1Huwag mong ipaghambog ang kinabukasan; Sapagka't hindi mo nalalaman kung ano ang ilalabas ng ibang araw.
2יהללך זר ולא פיך נכרי ואל שפתיך׃
2Purihin ka ng ibang tao at huwag ng iyong sariling bibig; ng iba, at huwag ng iyong sariling mga labi.
3כבד אבן ונטל החול וכעס אויל כבד משניהם׃
3Ang bato ay mabigat, at ang buhangin ay matimbang; nguni't ang galit ng mangmang ay lalong mabigat kay sa mga yaon.
4אכזריות חמה ושטף אף ומי יעמד לפני קנאה׃
4Poot ay mabagsik, at ang galit ay mamumugnaw, nguni't sinong makatatayo sa harap ng paninibugho?
5טובה תוכחת מגלה מאהבה מסתרת׃
5Maigi ang saway na hayag kay sa pagibig na nakukubli.
6נאמנים פצעי אוהב ונעתרות נשיקות שונא׃
6Tapat ang mga sugat ng kaibigan: nguni't ang mga halik ng kaaway ay malabis.
7נפש שבעה תבוס נפת ונפש רעבה כל מר מתוק׃
7Ang busog na tao ay umaayaw sa pulot-pukyutan: nguni't sa gutom na tao ay matamis ang bawa't mapait na bagay.
8כצפור נודדת מן קנה כן איש נודד ממקומו׃
8Kung paano ang ibon na gumagala mula sa kaniyang pugad, gayon ang tao na gumagala mula sa kaniyang dako.
9שמן וקטרת ישמח לב ומתק רעהו מעצת נפש׃
9Ang unguento at pabango ay nagpapagalak ng puso: gayon ang katamisan ng kaibigan ng tao na nagbubuhat sa maiging payo.
10רעך ורעה אביך אל תעזב ובית אחיך אל תבוא ביום אידך טוב שכן קרוב מאח רחוק׃
10Ang iyong sariling kaibigan at ang kaibigan ng iyong ama, ay huwag mong pabayaan; at huwag kang pumaroon sa bahay ng iyong kapatid sa kaarawan ng iyong kasakunaan: maigi ang kapuwa na malapit kay sa kapatid na malayo.
11חכם בני ושמח לבי ואשיבה חרפי דבר׃
11Anak ko, ikaw ay magpakadunong, at iyong pasayahin ang aking puso, upang aking masagot siya na tumutuya sa akin.
12ערום ראה רעה נסתר פתאים עברו נענשו׃
12Ang taong mabait ay nakakakita ng kasamaan, at nagkukubli: nguni't dinadaanan ng musmos, at naghihirap.
13קח בגדו כי ערב זר ובעד נכריה חבלהו׃
13Kunin mo ang kaniyang kasuutan na nananagot sa di kilala; at tanggapan mo siya ng sanla na nananagot sa babaing di kilala.
14מברך רעהו בקול גדול בבקר השכים קללה תחשב לו׃
14Siyang nagpapala sa kaniyang kaibigan ng malakas na tinig, na bumabangong maaga sa kinaumagahan, mabibilang na sumpa sa kaniya.
15דלף טורד ביום סגריר ואשת מדונים נשתוה׃
15Ang laging tulo sa araw na maulan at ang babaing palatalo ay magkahalintulad:
16צפניה צפן רוח ושמן ימינו יקרא׃
16Ang magibig pumigil sa kaniya, ay pumipigil sa hangin, at ang kaniyang kanan ay nakakasumpong ng langis.
17ברזל בברזל יחד ואיש יחד פני רעהו׃
17Ang bakal ay nagpapatalas sa bakal; gayon ang tao ay nagpapatalas sa mukha ng kaniyang kaibigan.
18נצר תאנה יאכל פריה ושמר אדניו יכבד׃
18Ang nagiingat ng puno ng higos ay kakain ng bunga niyaon; at ang naghihintay sa kaniyang panginoon ay pararangalin.
19כמים הפנים לפנים כן לב האדם לאדם׃
19Kung paanong sa tubig ang mukha ay sumasagot sa mukha, gayon ang puso ng tao sa tao.
20שאול ואבדה לא תשבענה ועיני האדם לא תשבענה׃
20Ang Sheol at ang kapahamakan ay hindi nasisiyahan kailan man; at ang mga mata ng tao ay hindi nasisiyahan kailan man.
21מצרף לכסף וכור לזהב ואיש לפי מהללו׃
21Ang sangagan ay sa pilak, at ang hurno ay sa ginto, at ang tao ay nasusubok sa pamamagitan ng kaniyang pagpuri.
22אם תכתוש את האויל במכתש בתוך הריפות בעלי לא תסור מעליו אולתו׃
22Bagaman iyong piitin ang mangmang sa isang piitan na kasama ng pangbayo sa mga bayong trigo, gayon ma'y hindi hihiwalay ang kaniyang kamangmangan sa kaniya.
23ידע תדע פני צאנך שית לבך לעדרים׃
23Magmasipag ka na alamin mo ang kalagayan ng iyong mga kawan, at tingnan mong mabuti ang iyong mga bakahan:
24כי לא לעולם חסן ואם נזר לדור דור׃
24Sapagka't ang mga kayamanan ay hindi magpakailan man: at namamalagi ba ang putong sa lahat ng sali't saling lahi?
25גלה חציר ונראה דשא ונאספו עשבות הרים׃
25Ang tuyong damo ay pinupulot, at ang sariwang damo ay lumilitaw, at ang mga gugulayin sa mga bundok ay pinipisan.
26כבשים ללבושך ומחיר שדה עתודים׃
26Ang mga kordero ay ukol sa iyong kasuutan, at ang mga kambing ay siyang halaga ng bukid:
27ודי חלב עזים ללחמך ללחם ביתך וחיים לנערותיך׃
27At magkakaroon ng kasiyahang gatas ng kambing sa iyong pagkain, sa pagkain ng iyong sangbahayan; at pagkain sa iyong mga alilang babae.