1דברי אגור בן יקה המשא נאם הגבר לאיתיאל לאיתיאל ואכל׃
1Ang mga salita ni Agur na anak ni Jache; ang sanggunian. Sinabi ng lalake kay Ithiel, kay Ithiel, at kay Ucal:
2כי בער אנכי מאיש ולא בינת אדם לי׃
2Tunay na ako'y hangal kay sa kaninoman, at walang kaunawaan ng isang tao:
3ולא למדתי חכמה ודעת קדשים אדע׃
3At hindi ako natuto ng karunungan, ni mayroon man ako ng kaalaman ng Banal.
4מי עלה שמים וירד מי אסף רוח בחפניו מי צרר מים בשמלה מי הקים כל אפסי ארץ מה שמו ומה שם בנו כי תדע׃
4Sino ang sumampa sa langit, at bumaba? Sino ang pumisan ng hangin sa kaniyang mga dakot? Sinong nagtali ng tubig sa kaniyang kasuutan? Sinong nagtatag ng lahat ng mga wakas ng lupa? Ano ang kaniyang pangalan, at ano ang pangalan ng kaniyang anak kung iyong nalalaman?
5כל אמרת אלוה צרופה מגן הוא לחסים בו׃
5Bawa't salita ng Dios ay subok: siya'y kalasag sa kanila, na nanganganlong sa kaniya.
6אל תוסף על דבריו פן יוכיח בך ונכזבת׃
6Huwag kang magdagdag sa kaniyang mga salita, baka kaniyang sawayin ka, at masunduan kang sinungaling.
7שתים שאלתי מאתך אל תמנע ממני בטרם אמות׃
7Dalawang bagay ang hiniling ko sa iyo; huwag mong ipagkait sa akin bago ako mamatay.
8שוא ודבר כזב הרחק ממני ראש ועשר אל תתן לי הטריפני לחם חקי׃
8Ilayo mo sa akin ang walang kabuluhan at ang mga kasinungalingan: huwag mo akong bigyan ng kahit karalitaan o kayamanan man; pakanin mo ako ng pagkain na kailangan ko:
9פן אשבע וכחשתי ואמרתי מי יהוה ופן אורש וגנבתי ותפשתי שם אלהי׃
9Baka ako'y mabusog, at magkaila sa iyo, at magsabi, sino ang Panginoon? O baka ako'y maging dukha, at magnakaw ako, at gumamit ng paglapastangan sa pangalan ng aking Dios.
10אל תלשן עבד אל אדנו פן יקללך ואשמת׃
10Huwag mong pawikaan ang alipin sa kaniyang panginoon, baka ka tungayawin niya, at ikaw ay maging salarin.
11דור אביו יקלל ואת אמו לא יברך׃
11May lahi na tumutungayaw sa kanilang ama. At hindi pinagpapala ang kanilang ina.
12דור טהור בעיניו ומצאתו לא רחץ׃
12May lahi na malinis sa harap ng kanilang sariling mga mata, at gayon man ay hindi hugas sa kanilang karumihan.
13דור מה רמו עיניו ועפעפיו ינשאו׃
13May lahi, Oh pagka mapagmataas ng kanilang mga mata! At ang kanilang mga talukap-mata ay nangakataas.
14דור חרבות שניו ומאכלות מתלעתיו לאכל עניים מארץ ואביונים מאדם׃
14May lahi na ang mga ngipin ay parang mga tabak, at ang kanilang mga bagang ay parang mga sundang, upang lamunin ang dukha mula sa lupa, at ang mapagkailangan sa gitna ng mga tao.
15לעלוקה שתי בנות הב הב שלוש הנה לא תשבענה ארבע לא אמרו הון׃
15Ang linga ay may dalawang anak, na sumisigaw, bigyan mo, bigyan mo. May tatlong bagay na kailan man ay hindi nasisiyahan, Oo, apat na hindi nagsasabi, siya na:
16שאול ועצר רחם ארץ לא שבעה מים ואש לא אמרה הון׃
16Ang Sheol; at ang baog na bahay-bata; ang lupa na hindi napapatiranguhaw ng tubig; at ang apoy na hindi nagsasabi, siya na.
17עין תלעג לאב ותבוז ליקהת אם יקרוה ערבי נחל ויאכלוה בני נשר׃
17Ang mata na tumutuya sa kaniyang ama, at humahamak ng pagsunod sa kaniyang ina, tutukain ito ng mga uwak sa libis, at kakanin ito ng mga inakay na aguila.
18שלשה המה נפלאו ממני וארבע לא ידעתים׃
18May tatlong bagay na totoong kagilagilalas sa akin, Oo, apat na hindi ko nalalaman:
19דרך הנשר בשמים דרך נחש עלי צור דרך אניה בלב ים ודרך גבר בעלמה׃
19Ang lipad ng aguila sa hangin; ang usad ng ahas sa ibabaw ng mga bato; ang lutang ng sasakyan sa gitna ng dagat; at ang lakad ng lalake na kasama ng isang dalaga.
20כן דרך אשה מנאפת אכלה ומחתה פיה ואמרה לא פעלתי און׃
20Gayon ang lakad ng mangangalunyang babae; siya'y kumakain, at nagpapahid ng kaniyang bibig, at nagsasabi, hindi ako gumawa ng kasamaan.
21תחת שלוש רגזה ארץ ותחת ארבע לא תוכל שאת׃
21Sa tatlong bagay ay nanginginig ang lupa, at sa apat na hindi niya madala:
22תחת עבד כי ימלוך ונבל כי ישבע לחם׃
22Sa isang alipin, pagka naghahari; at sa isang mangmang, pagka nabubusog ng pagkain;
23תחת שנואה כי תבעל ושפחה כי תירש גברתה׃
23Sa isang babaing nakayayamot, pagka nagaasawa; at sa isang aliping babae, na nagmamana sa kaniyang panginoong babae.
24ארבעה הם קטני ארץ והמה חכמים מחכמים׃
24May apat na bagay na maliit sa lupa, nguni't lubhang mga pantas:
25הנמלים עם לא עז ויכינו בקיץ לחמם׃
25Ang mga langgam ay bayang hindi matibay, gayon ma'y nagiimbak ng kanilang pagkain sa taginit;
26שפנים עם לא עצום וישימו בסלע ביתם׃
26Ang mga koneho ay hayop na mahina, gayon ma'y nagsisigawa sila ng kanilang mga bahay sa malalaking bato;
27מלך אין לארבה ויצא חצץ כלו׃
27Ang mga balang ay walang hari, gayon ma'y lumalabas silang lahat na pulupulutong;
28שממית בידים תתפש והיא בהיכלי מלך׃
28Ang butiki ay tumatangan ng kaniyang mga kamay, gayon ma'y nasa mga bahay ng mga hari siya.
29שלשה המה מיטיבי צעד וארבעה מיטבי לכת׃
29May tatlong bagay na maganda sa kanilang lakad, Oo, apat na mainam sa lakad:
30ליש גבור בבהמה ולא ישוב מפני כל׃
30Ang leon na pinaka matapang sa mga hayop, at hindi humihiwalay ng dahil sa kanino man;
31זרזיר מתנים או תיש ומלך אלקום עמו׃
31Ang asong matulin; ang kambing na lalake rin naman: at ang hari na hindi malalabanan.
32אם נבלת בהתנשא ואם זמות יד לפה׃
32Kung ikaw ay gumagawa ng kamangmangan sa pagmamataas, o kung ikaw ay umisip ng kasamaan, ilagay mo ang iyong kamay sa iyong bibig.
33כי מיץ חלב יוציא חמאה ומיץ אף יוציא דם ומיץ אפים יוציא ריב׃
33Sapagka't sa pagbati sa gatas ay naglalabas ng mantekilya, at sa pagsungalngal sa ilong ay lumalabas ang dugo: Gayon ang pamumungkahi sa poot ay naglalabas ng kaalitan.