Hebrew: Modern

Tagalog 1905

Psalms

109

1למנצח לדוד מזמור אלהי תהלתי אל תחרש׃
1Huwag kang mapayapa, Oh Dios na aking kapurihan;
2כי פי רשע ופי מרמה עלי פתחו דברו אתי לשון שקר׃
2Sapagka't ang bibig ng masama at ang bibig ng magdaraya ay ibinuka nila laban sa akin: sila'y nangagsalita sa akin na may sinungaling na dila.
3ודברי שנאה סבבוני וילחמוני חנם׃
3Kanilang kinulong ako sa palibot ng mga salitang pagtatanim, at nagsilaban sa akin ng walang kadahilanan.
4תחת אהבתי ישטנוני ואני תפלה׃
4Sa kabayaran ng aking pagibig ay mga kaaway ko sila: nguni't ako'y tumatalaga sa dalangin.
5וישימו עלי רעה תחת טובה ושנאה תחת אהבתי׃
5At iginanti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti, at pagtatanim sa pagibig ko.
6הפקד עליו רשע ושטן יעמד על ימינו׃
6Lagyan mo ng masamang tao siya: at tumayo nawa ang isang kaaway sa kaniyang kanan.
7בהשפטו יצא רשע ותפלתו תהיה לחטאה׃
7Pagka siya'y nahatulan, lumabas nawa siyang salarin; at maging kasalanan nawa ang kaniyang dalangin.
8יהיו ימיו מעטים פקדתו יקח אחר׃
8Maging kaunti nawa ang kaniyang mga kaarawan; at kunin nawa ng iba ang kaniyang katungkulan.
9יהיו בניו יתומים ואשתו אלמנה׃
9Maulila nawa ang kaniyang mga anak, at mabao ang kaniyang asawa.
10ונוע ינועו בניו ושאלו ודרשו מחרבותיהם׃
10Magsilaboy nawa ang kaniyang mga anak, at mangagpalimos; at hanapin nila ang kanilang pagkain sa kanilang mga dakong guho.
11ינקש נושה לכל אשר לו ויבזו זרים יגיעו׃
11Kunin nawa ng manglulupig ang lahat niyang tinatangkilik; at samsamin ng mga taga ibang lupa ang kaniyang mga gawa.
12אל יהי לו משך חסד ואל יהי חונן ליתומיו׃
12Mawalan nawa ng maawa sa kaniya; at mawalan din ng maawa sa kaniyang mga anak na ulila.
13יהי אחריתו להכרית בדור אחר ימח שמם׃
13Mahiwalay nawa ang kaniyang kaapuapuhan; sa lahing darating ay mapawi ang kaniyang pangalan.
14יזכר עון אבתיו אל יהוה וחטאת אמו אל תמח׃
14Maalaala nawa ng Panginoon ang kasamaan ng kaniyang mga magulang; at huwag mapawi ang kasalanan ng kaniyang ina,
15יהיו נגד יהוה תמיד ויכרת מארץ זכרם׃
15Mangalagay nawa silang lagi sa harap ng Panginoon, upang ihiwalay niya ang alaala sa kanila sa lupa.
16יען אשר לא זכר עשות חסד וירדף איש עני ואביון ונכאה לבב למותת׃
16Sapagka't hindi niya naalaalang magpakita ng kaawaan, kundi hinabol ang dukha at mapagkailangan, at ang may bagbag na puso, upang patayin.
17ויאהב קללה ותבואהו ולא חפץ בברכה ותרחק ממנו׃
17Oo, kaniyang inibig ang sumpa, at dumating sa kaniya; at hindi siya nalulugod sa pagpapala, at malayo sa kaniya.
18וילבש קללה כמדו ותבא כמים בקרבו וכשמן בעצמותיו׃
18Nagsusuot naman siya ng sumpa na parang kaniyang damit, at nasok sa kaniyang mga loob na bahagi na parang tubig, at parang langis sa kaniyang mga buto.
19תהי לו כבגד יעטה ולמזח תמיד יחגרה׃
19Sa kaniya'y maging gaya nawa ng balabal na ibinabalabal, at gaya ng bigkis na ibinibigkis na lagi.
20זאת פעלת שטני מאת יהוה והדברים רע על נפשי׃
20Ito ang kagantihan sa aking mga kaaway na mula sa Panginoon, at sa kanilang nangagsasalita ng kasamaan laban sa aking kaluluwa.
21ואתה יהוה אדני עשה אתי למען שמך כי טוב חסדך הצילני׃
21Nguni't gumawa kang kasama ko, Oh Dios na Panginoon, alang-alang sa iyong pangalan: sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti, iligtas mo ako,
22כי עני ואביון אנכי ולבי חלל בקרבי׃
22Sapagka't ako'y dukha at mapagkailangan, at ang aking puso ay nasaktan sa loob ko.
23כצל כנטותו נהלכתי ננערתי כארבה׃
23Ako'y yumayaong gaya ng lilim pagka kumikiling: ako'y itinataas at ibinababa ng hangin na parang balang.
24ברכי כשלו מצום ובשרי כחש משמן׃
24Ang aking mga tuhod ay mahina sa pagaayuno, at ang aking laman ay nagkukulang ng katabaan.
25ואני הייתי חרפה להם יראוני יניעון ראשם׃
25Ako nama'y naging kadustaan sa kanila: pagka kanilang nakikita ako, kanilang pinagagalawgalaw ang kanilang ulo.
26עזרני יהוה אלהי הושיעני כחסדך׃
26Tulungan mo ako, Oh Panginoon kong Dios; Oh iligtas mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob:
27וידעו כי ידך זאת אתה יהוה עשיתה׃
27Upang kanilang maalaman na ito'y iyong kamay; na ikaw, Panginoon, ang may gawa.
28יקללו המה ואתה תברך קמו ויבשו ועבדך ישמח׃
28Sumumpa sila, nguni't magpapala ka: pagka sila'y nagsibangon, sila'y mangapapahiya, nguni't ang iyong lingkod ay magagalak.
29ילבשו שוטני כלמה ויעטו כמעיל בשתם׃
29Manamit ng kasiraang puri ang mga kaaway ko, at matakpan sila ng kanilang sariling kahihiyan na parang balabal.
30אודה יהוה מאד בפי ובתוך רבים אהללנו׃
30Ako'y magpapasalamat ng marami ng aking bibig sa Panginoon; Oo, aking pupurihin siya sa gitna ng karamihan.
31כי יעמד לימין אביון להושיע משפטי נפשו׃
31Sapagka't siya'y tatayo sa kanan ng mapagkailangan, upang iligtas sa kanilang nagsisihatol ng kaniyang kaluluwa.