1הללו יה כי טוב זמרה אלהינו כי נעים נאוה תהלה׃
1Purihin ninyo ang Panginoon; sapagka't mabuting umawit ng mga pagpuri sa ating Dios; sapagka't maligaya, at ang pagpuri ay nakalulugod.
2בונה ירושלם יהוה נדחי ישראל יכנס׃
2Itinatayo ng Panginoon ang Jerusalem; kaniyang pinipisan ang mga natapon na Israel.
3הרפא לשבורי לב ומחבש לעצבותם׃
3Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso, at tinatalian niya ang kanilang mga sugat.
4מונה מספר לכוכבים לכלם שמות יקרא׃
4Kaniyang sinasaysay ang bilang ng mga bituin; siya ang nagbibigay sa kanila ng lahat nilang pangalan.
5גדול אדונינו ורב כח לתבונתו אין מספר׃
5Dakila ang ating Panginoon, at makapangyarihan sa kapangyarihan; ang kaniyang unawa ay walang hanggan,
6מעודד ענוים יהוה משפיל רשעים עדי ארץ׃
6Inaalalayan ng Panginoon ang maamo: kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama.
7ענו ליהוה בתודה זמרו לאלהינו בכנור׃
7Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat; magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios:
8המכסה שמים בעבים המכין לארץ מטר המצמיח הרים חציר׃
8Na nagtatakip sa mga langit ng mga alapaap. Na siyang naghahanda ng ulan sa lupa, na nagpapatubo ng damo sa mga bundok.
9נותן לבהמה לחמה לבני ערב אשר יקראו׃
9Siya'y nagbibigay sa hayop ng kaniyang pagkain. At sa mga inakay na uwak na nagsisidaing.
10לא בגבורת הסוס יחפץ לא בשוקי האיש ירצה׃
10Siya'y hindi nalulugod sa lakas ng kabayo: siya'y hindi nasasayahan sa mga paa ng tao.
11רוצה יהוה את יראיו את המיחלים לחסדו׃
11Ang Panginoon ay naliligaya sa kanila na nangatatakot sa kaniya, sa nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob.
12שבחי ירושלם את יהוה הללי אלהיך ציון׃
12Purihin mo ang Panginoon, Oh Jerusalem; purihin mo ang iyong Dios, Oh Sion.
13כי חזק בריחי שעריך ברך בניך בקרבך׃
13Sapagka't kaniyang pinatibay ang mga halang ng iyong mga pintuang-bayan; kaniyang pinagpala ang iyong mga anak sa loob mo.
14השם גבולך שלום חלב חטים ישביעך׃
14Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa iyong mga hangganan; kaniyang binubusog ka ng pinakamainam na trigo.
15השלח אמרתו ארץ עד מהרה ירוץ דברו׃
15Kaniyang sinusugo ang kaniyang utos sa lupa; ang kaniyang salita ay tumatakbong maliksi.
16הנתן שלג כצמר כפור כאפר יפזר׃
16Siya'y nagbibigay ng nieve na parang balahibo ng tupa; siya'y nagkakalat ng eskarcha na parang abo.
17משליך קרחו כפתים לפני קרתו מי יעמד׃
17Kaniyang inihahagis na parang putol na maliit ang kaniyang hielo: sinong makatatagal sa harap ng lamig niyaon?
18ישלח דברו וימסם ישב רוחו יזלו מים׃
18Kaniyang pinahahatdan ng salita, at tinutunaw: kaniyang pinahihihip ang kaniyang hangin, at ang tubig ay pinaagos.
19מגיד דברו ליעקב חקיו ומשפטיו לישראל׃
19Kaniyang ipinabatid ang kaniyang salita sa Jacob, ang kaniyang mga palatuntunan at mga kahatulan sa Israel.
20לא עשה כן לכל גוי ומשפטים בל ידעום הללו יה׃
20Siya'y hindi gumawa ng gayon sa alin mang bansa: at tungkol sa kaniyang mga kahatulan, hindi nila nalaman. Purihin ninyo ang Panginoon.