1Felele pedig Jób, és monda:
1Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
2Jól hallgassátok meg az én beszédemet, és legyen ez a ti vigasztalástok [helyett.]
2Pakinggan ninyong mainam ang aking pananalita; at ito'y maging inyong mga kaaliwan.
3Szenvedjetek el engem, a míg szólok, azután gúnyoljátok ki beszédemet.
3Pagdalitaan ninyo ako, at ako nama'y magsasalita, at pagkatapos na ako'y makapagsalita, ay manuya kayo.
4Avagy én embernek panaszolkodom-é? Miért ne volna hát keserû a lelkem?
4Tungkol sa akin, ay sa tao ba ang aking daing? At bakit hindi ako maiinip?
5Tekintsetek reám és álmélkodjatok el, és tegyétek kezeteket szátokra.
5Tandaan ninyo ako, at matigilan kayo. At ilagay ninyo ang inyong kamay sa inyong bibig,
6Ha visszaemlékezem, mindjárt felháborodom, és reszketés fogja el testemet.
6Pagka aking naaalaala nga ay nababagabag ako, at kikilabutan ang humahawak sa aking laman.
7Mi az oka, hogy a gonoszok élnek, vénséget érnek, sõt még meg is gyarapodnak?
7Bakit nabubuhay ang masama, nagiging matanda, oo, nagiging malakas ba sa kapangyarihan?
8Az õ magvok elõttök nõ fel õ velök, és az õ sarjadékuk szemeik elõtt.
8Ang kanilang binhi ay natatatag nakasama nila sa kanilang paningin, at ang kanilang mga suwi ay nasa harap ng kanilang mga mata.
9Házok békességes a félelemtõl, és az Isten vesszeje nincsen õ rajtok.
9Ang kanilang mga bahay ay tiwasay na walang takot, kahit ang pamalo man ng Dios ay wala sa kanila.
10Bikája folyat és nem terméketlen, tehene megellik és el nem vetél.
10Ang kanilang baka ay naglilihi, at hindi nababaog; ang kanilang baka ay nanganganak, at hindi napapahamak ang kaniyang guya.
11Kieresztik, mint nyájat, kisdedeiket, és ugrándoznak az õ magzataik.
11Kaniyang inilabas ang kanilang mga bata na gaya ng kawan, at ang kanilang mga anak ay nangagsasayawan,
12Dobot és hárfát ragadnak, és örvendeznek a síp zengésének.
12Sila'y nangagaawitan na katugma ng pandereta at alpa, at nangagkakatuwa sa tunog ng plauta.
13Jóllétben töltik el napjaikat, és egy pillanat alatt szállnak alá a sírba;
13Kanilang ginugugol ang kanilang mga kaarawan sa kaginhawahan, at sa isang sandali ay nagsisilusong sila sa Sheol.
14Noha azt mondják Istennek: Távozzál el tõlünk, mert a te utaidnak tudásában nem gyönyörködünk!
14At sinasabi nila sa Dios: Lumayo ka sa amin; sapagka't hindi namin ninanasa ang pagkaalam ng inyong mga lakad.
15Micsoda a Mindenható, hogy tiszteljük õt, és mit nyerünk vele, ha esedezünk elõtte?
15Ano ang Makapangyarihan sa lahat na siya'y paglilingkuran namin? At anong pakinabang magkakaroon kami, kung kami ay magsidalangin sa kaniya?
16Mindazáltal az õ javok nincsen hatalmukban, azért a gonoszok tanácsa távol legyen tõlem!
16Narito, ang kanilang kaginhawahan ay wala sa kanilang kamay: ang payo ng masama ay malayo sa akin.
17Hányszor aluszik el a gonoszok szövétneke, és jõ rájok az õ veszedelmök! [Hányszor] osztogatja részöket haragjában.
17Gaano kadalas pinapatay ang ilawan ng masama? Na ang kanilang kapahamakan ay dumarating ba sa kanila? Na nagbabahagi ba ang Dios ng mga kapanglawan sa kaniyang galit?
18Olyanok lesznek, mint a pozdorja a szél elõtt, és mint a polyva, a melyet forgószél ragad el.
18Na sila'y gaya ng dayami sa harap ng hangin, at gaya ng ipa na tinatangay ng bagyo?
19Isten az õ fiai számára tartja fenn annak büntetését. Megfizet néki, hogy megérzi majd.
19Inyong sinasabi, Inilalapat ng Dios ang kaniyang parusa sa kaniyang mga anak. Gantihin sa kaniyang sarili upang maalaman niya.
20Maga látja meg a maga veszedelmét, és a Mindenható haragjából iszik.
20Makita ng kaniyang mga mata ang kaniyang pagkagiba, at uminom siya ng poot ng Makapangyarihan sa lahat.
21Mert mi gondja van néki házanépére halála után, ha az õ hónapjainak száma letelt?!
21Sapagka't anong kasayahan magkakaroon siya sa kaniyang bahay pagkamatay niya, pagka ang bilang ng kaniyang mga buwan ay nahiwalay sa gitna?
22Ki taníthatja Istent bölcseségre, hisz õ ítéli meg a magasságban levõket is!
22May makapagtuturo ba ng kaalaman sa Dios? Dangang kaniyang hinahatulan yaong nangasa mataas.
23Ez meghal az õ teljes boldogságában, egészen megelégedetten és nyugodtan;
23Isa'y namamatay sa kaniyang lubos na kalakasan, palibhasa't walang bahala at tahimik:
24Fejõedényei tejjel vannak tele, csontjainak velõje nedvességtõl árad.
24Ang kaniyang mga suso ay puno ng gatas, at ang utak ng kaniyang mga buto ay halumigmig.
25Amaz elkeseredett lélekkel hal meg, mert nem élhetett a jóval.
25At ang iba'y namamatay sa paghihirap ng kaluluwa, at kailan man ay hindi nakakalasa ng mabuti.
26Együtt feküsznek a porban, és féreg lepi õket.
26Sila'y nahihigang magkakasama sa alabok, at tinatakpan sila ng uod.
27Ímé, jól tudom a ti gondolatitokat és a hamisságokat, a melyekkel méltatlankodtok ellenem;
27Narito, aking nalalaman ang inyong pagiisip, at ang mga maling haka ng inyong inaakala laban sa akin.
28Mert ezt mondjátok: Hol van ama fõembernek háza, hol van a gonoszok lakozásának sátora?
28Sapagka't inyong sinasabi, Saan naroon ang bahay ng prinsipe? At saan naroon ang tolda na tinatahanan ng masama?
29Avagy nem kérdeztétek-é meg azokat, a kik [sokat] utaznak és jeleiket nem ismeritek-é?
29Hindi ba ninyo itinanong sa kanilang nangagdadaan? At hindi ba ninyo nalalaman ang kanilang mga pinagkakakilanlan?
30Bizony a veszedelemnek napján elrejtetik a gonosz, a haragnak napján kiszabadul.
30Na ang masamang tao ay natataan sa kaarawan ng kasakunaan? Na sila'y pinapatnubayan sa kaarawan ng kapootan?
31Kicsoda veti szemére az õ útját, és a mit cselekedett, kicsoda fizet meg néki azért?
31Sinong magpapahayag ng kaniyang lakad sa kaniyang mukha? At sinong magbabayad sa kaniya ng kaniyang ginawa?
32Még ha a sírba vitetik is ki, a sírdomb felett is él.
32Gayon ma'y dadalhin siya sa libingan, at magbabantay ang mga tao sa libingan.
33Édesek lesznek néki a sírnak hantjai, és maga után vonsz minden embert, a mint számtalanok [mentek el] elõtte.
33Ang mga bugal ng libis ay mamabutihin niya, at lahat ng tao ay magsisisunod sa kaniya, gaya ng nauna sa kaniya na walang bilang.
34Hogyan vigasztalnátok hát engem hiábavalósággal? Feleselésetek igazságtalanság marad.
34Paano ngang inyong aaliwin ako ng walang kabuluhan, dangang sa inyong mga sagot ang naiiwan lamang ay kabulaanan?