Portuguese: Almeida Atualizada

Tagalog 1905

Proverbs

11

1A balança enganosa é abominação para o Senhor; mas o peso justo é o seu prazer.
1Ang marayang timbangan ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang ganap na timbangan ay kaniyang kaluguran.
2Quando vem a soberba, então vem a desonra; mas com os humildes está a sabedoria.
2Pagka dumarating ang kapalaluan ay dumarating nga ang kahihiyan: nguni't nasa mababa ang karunungan.
3A integridade dos retos os guia; porém a perversidade dos desleais os destrói.
3Ang pagtatapat ng mga matuwid ay papatnubay sa kanila: nguni't ang mga kasuwailan ng mga taksil ay papatay sa kanila.
4De nada aproveitam as riquezas no dia da ira; porém a justiça livra da morte.
4Ang mga kayamanan ay walang kabuluhan sa kaarawan ng poot: nguni't ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan.
5A justiça dos perfeitos endireita o seu caminho; mas o ímpio cai pela sua impiedade.
5Ang katuwiran ng sakdal ay magtuturo ng kaniyang lakad: nguni't mabubuwal ang masama dahil sa kaniyang sariling kasamaan.
6A justiça dos retos os livra; mas os traiçoeiros são apanhados nas, suas próprias cobiças.
6Ang katuwiran ng mga matuwid ay magliligtas sa kanila: nguni't silang gumagawang may karayaan ay madadakip sa kanilang sariling kasamaan.
7Morrendo o ímpio, perece a sua esperança; e a expectativa da iniqüidade.
7Pagka ang masamang tao ay namamatay, ang kaniyang pag-asa ay mapapasa pagkapahamak; at ang pagasa ng masama ay nawawala.
8O justo é libertado da angústia; e o ímpio fica em seu lugar.
8Ang matuwid ay naliligtas sa kabagabagan, at ang masama ay dumarating na kahalili niya.
9O hipócrita com a boca arruína o seu proximo; mas os justos são libertados pelo conhecimento.
9Pinapatay ng masama ng kaniyang bibig ang kaniyang kapuwa: nguni't sa kaalaman ay maliligtas ang matuwid.
10Quando os justos prosperam, exulta a cidade; e quando perecem os ímpios, há júbilo.
10Pagka napapabuti ang mga matuwid ang bayan ay nagagalak: at pagka ang masama ay namamatay, may hiyawan.
11Pela bênção dos retos se exalta a cidade; mas pela boca dos ímpios é derrubada.
11Nabubunyi ang bayan sa pamamagitan ng pagpapala ng matuwid: nguni't napapahamak sa pamamagitan ng bibig ng masama.
12Quem despreza o seu próximo é falto de senso; mas o homem de entendimento se cala.
12Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay walang karunungan: nguni't ang taong naguunawa ay tumatahimik.
13O que anda mexericando revela segredos; mas o fiel de espírito encobre o negócio.
13Siyang yumayaong mapaghatid dumapit ay naghahayag ng mga lihim: nguni't ang may diwang tapat ay nagtatakip ng bagay.
14Quando não há sábia direção, o povo cai; mas na multidão de conselheiros há segurança.
14Kung saan walang pantas na pamamahala, ang bayan ay nababagsak: nguni't sa karamihan ng mga tagapayo ay may kagalingan.
15Decerto sofrerá prejuízo aquele que fica por fiador do estranho; mas o que aborrece a fiança estará seguro.
15Siyang nananagot sa di kilala, ay mapapariwara: nguni't siyang nagtatanim sa pananagot ay tiwasay.
16A mulher aprazível obtém honra, e os homens violentos obtêm riquezas.
16Ang mapagbiyayang babae ay nagiimpok ng karangalan: at ang marahas na lalake ay pumipigil ng kayamanan.
17O homem bondoso faz bem � sua, própria alma; mas o cruel faz mal a si mesmo.
17Ang maawaing tao ay gumagawa ng mabuti sa kaniyang sariling kaluluwa: nguni't ang taksil ay bumabagabag sa kaniyang sariling laman.
18O ímpio recebe um salário ilusório; mas o que semeia justiça recebe galardão seguro.
18Ang masama ay nakikinabang ng mga marayang sahod: nguni't ang naghahasik ng katuwiran ay nagtatamo ng tiwasay na ganting pala.
19Quem é fiel na retidão encaminha, para a vida, e aquele que segue o mal encontra a morte.
19Siyang matatag sa katuwiran ay magtatamo ng buhay: at siyang humahabol ng kasamaan ay sa kaniyang sariling ikamamatay.
20Abominação para o Senhor são os perversos de coração; mas os que são perfeitos em seu caminho são o seu deleite.
20Silang suwail sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang gayong sakdal sa kanilang lakad ay kaniyang kaluguran.
21Decerto o homem mau não ficará sem castigo; porém a descendência dos justos será livre.
21Bagaman ang kamay ay makikikamay, ang masamang tao ay walang pagsalang parurusahan: nguni't ang binhi ng matuwid ay maliligtas.
22Como jóia de ouro em focinho de porca, assim é a mulher formosa que se aparta da discrição.
22Kung paano ang hiyas na ginto sa nguso ng baboy, gayon ang magandang babae na walang bait.
23O desejo dos justos é somente o bem; porém a expectativa dos ímpios é a ira.
23Ang nasa ng matuwid ay buti lamang: nguni't ang hintay ng masama ay poot.
24Um dá liberalmente, e se torna mais rico; outro retém mais do que é justo, e se empobrece.
24May nagsasabog, at tumutubo pa, at may humahawak naman ng higit kay sa karampatan, nguni't nauuwi lamang sa pangangailangan.
25A alma generosa prosperará, e o que regar também será regado.
25Ang kaluluwang mapagbigay ay tataba: at siyang dumidilig ay madidilig din.
26Ao que retém o trigo o povo o amaldiçoa; mas bênção haverá sobre a cabeça do que o vende.
26Siyang humahawak ng trigo ay susumpain siya ng bayan: nguni't kapurihan ay mapapasaulo niya na nagbibili niyaon.
27O que busca diligentemente o bem, busca favor; mas ao que procura o mal, este lhe sobrevirá.
27Siyang humahanap na masikap ng mabuti ay humahanap ng lingap: nguni't siyang kumakatha ng sama ay sa kaniya lalagpak.
28Aquele que confia nas suas riquezas, cairá; mas os justos reverdecerão como a folhagem.
28Siyang tumitiwala sa kaniyang mga kayamanan ay mabubuwal: nguni't ang matuwid ay mamumukadkad na parang sariwang dahon.
29O que perturba a sua casa herdará o vento; e o insensato será servo do entendido de coração.
29Siyang bumabagabag ng kaniyang sariling sangbahayan ay magmamana ng hangin: at ang mangmang ay magiging alipin ng pantas sa puso.
30O fruto do justo é árvore de vida; e o que ganha almas sábio é.
30Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay; at siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa.
31Eis que o justo é castigado na terra; quanto mais o ímpio e o pecador!
31Narito, ang matuwid ay gagantihin sa lupa: gaano pa nga kaya ang masama at makasalanan!