1Y VOLVIO Job á tomar su propósito, y dijo:
1At muling ipinagbadya ni Job ang kaniyang talinghaga, at nagsabi,
2Quién me tornase como en los meses pasados, Como en los días que Dios me guardaba,
2Oh ako nawa'y napasa mga buwan noong dakong una, gaya noong mga kaarawan ng binabantayan ako ng Dios;
3Cuando hacía resplandecer su candela sobre mi cabeza, A la luz de la cual yo caminaba en la oscuridad;
3Nang ang kaniyang ilawan ay sumisilang sa aking ulo at sa pamamagitan ng kaniyang liwanag ay lumalakad ako sa kadiliman;
4Como fué en los días de mi mocedad, Cuando el secreto de Dios estaba en mi tienda;
4Gaya noong ako'y nasa kabutihan ng aking mga kaarawan, noong ang pagkasi ng Dios ay nasa aking tolda;
5Cuando aún el Omnipotente estaba conmigo, Y mis hijos alrededor de mi;
5Noong ang Makapangyarihan sa lahat ay sumasaakin pa, at ang aking mga anak ay nangasa palibot ko;
6Cuando lavaba yo mis caminos con manteca, Y la piedra me derramaba ríos de aceite!
6Noong ang aking mga hakbang ay naliligo sa gatas, at ang bato ay nagbubuhos para sa akin ng mga ilog ng langis!
7Cuando salía á la puerta á juicio, Y en la plaza hacía preparar mi asiento,
7Noong ako'y lumalabas sa pintuang-bayan hanggang sa bayan, noong aking inihahanda ang aking upuan sa lansangan,
8Los mozos me veían, y se escondían; Y los viejos se levantaban, y estaban en pie;
8Nakikita ako ng mga binata, at nagsisipagkubli, at ang mga matanda ay nagsisitindig at nagsisitayo:
9Los príncipes detenían sus palabras, Ponían la mano sobre su boca;
9Ang mga pangulo ay nagpipigil ng pangungusap, at inilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig;
10La voz de los principales se ocultaba, Y su lengua se pegaba á su paladar:
10Ang tinig ng mga mahal na tao ay tumatahimik, at ang kanilang dila ay dumidikit sa ngalangala ng kanilang bibig.
11Cuando los oídos que me oían, me llamaban bienaventurado, Y los ojos que me veían, me daban testimonio:
11Sapagka't pagka naririnig ako ng pakinig, ay pinagpapala nga ako; at pagka nakikita ako ng mata, ay sumasaksi sa akin:
12Porque libraba al pobre que gritaba, Y al huérfano que carecía de ayudador.
12Sapagka't aking iniligtas ang dukha na dumadaing, ang ulila rin naman na walang tumutulong sa kaniya.
13La bendición del que se iba á perder venía sobre mí; Y al corazón de la viuda daba alegría.
13Ang basbas ng malapit nang mamamatay ay sumaakin: at aking pinaawit sa kagalakan ang puso ng babaing bao.
14Vestíame de justicia, y ella me vestía como un manto; Y mi toca era juicio.
14Ako'y nagbibihis ng katuwiran, at sinusuutan niya ako: ang aking kaganapan ay parang isang balabal at isang diadema.
15Yo era ojos al ciego, Y pies al cojo.
15Ako'y naging mga mata sa bulag, at naging mga paa ako sa pilay.
16A los menesterosos era padre; Y de la causa que no entendía, me informaba con diligencia:
16Ako'y naging ama sa mapagkailangan; at ang usap niyaong hindi ko nakikilala ay aking sinisiyasat.
17Y quebraba los colmillos del inicuo, Y de sus dientes hacía soltar la presa.
17At aking binali ang mga pangil ng liko, at inagaw ko ang huli sa kaniyang mga ngipin.
18Y decía yo: En mi nido moriré, Y como arena multiplicaré días.
18Nang magkagayo'y sinabi ko, mamamatay ako sa aking pugad, at aking pararamihin ang aking mga kaarawan na gaya ng buhangin:
19Mi raíz estaba abierta junto á las aguas, Y en mis ramas permanecía el rocío.
19Ang aking ugat ay nakalat sa tubig, at ang hamog ay lumalapag buong gabi sa aking sanga:
20Mi honra se renovaba en mí, Y mi arco se corroboraba en mi mano.
20Ang aking kaluwalhatian ay sariwa sa akin, at ang aking busog ay nababago sa aking kamay.
21Oíanme, y esperaban; Y callaban á mi consejo.
21Sa akin ay nangakikinig ang mga tao, at nangaghihintay, at nagsisitahimik sa aking payo.
22Tras mi palabra no replicaban, Y mi razón destilaba sobre ellos.
22Pagkatapos ng aking mga salita ay hindi na sila nagsasalita pa uli; at ang aking pananalita ay tumutulo sa kanila.
23Y esperábanme como á la lluvia, Y abrían su boca como á la lluvia tardía.
23At kanilang hinihintay ako, na gaya ng paghihintay sa ulan, at kanilang ibinubuka ang kanilang bibig na maluwang na gaya sa huling ulan.
24Si me reía con ellos, no lo creían: Y no abatían la luz de mi rostro.
24Ako'y ngumingiti sa kanila pagka sila'y hindi nanganiniwala: at ang liwanag ng aking mukha ay hindi nila hinahamak.
25Calificaba yo el camino de ellos, y sentábame en cabecera; Y moraba como rey en el ejército, Como el que consuela llorosos.
25Ako'y namimili sa kanilang daan, at nauupong gaya ng puno, at tumatahang gaya ng hari sa hukbo, gaya ng nangaaliw sa nananangis.