Syriac: NT

Tagalog 1905

Matthew

15

1ܗܝܕܝܢ ܩܪܒܘ ܠܘܬ ܝܫܘܥ ܦܪܝܫܐ ܘܤܦܪܐ ܕܡܢ ܐܘܪܫܠܡ ܘܐܡܪܝܢ ܀
1Nang magkagayo'y nagsilapit kay Jesus na mula sa Jerusalem ang mga Fariseo at ang mga eskriba, na nagsisipagsabi,
2ܠܡܢܐ ܬܠܡܝܕܝܟ ܥܒܪܝܢ ܥܠ ܡܫܠܡܢܘܬܐ ܕܩܫܝܫܐ ܘܠܐ ܡܫܝܓܝܢ ܐܝܕܝܗܘܢ ܡܐ ܕܐܟܠܝܢ ܠܚܡܐ ܀
2Bakit ang iyong mga alagad ay nagsisilabag sa sali't-saling sabi ng matatanda? sapagka't hindi sila nangaghuhugas ng kanilang mga kamay pagka nagsisikain sila ng tinapay.
3ܥܢܐ ܝܫܘܥ ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܠܡܢܐ ܐܦ ܐܢܬܘܢ ܥܒܪܝܢ ܐܢܬܘܢ ܥܠ ܦܘܩܕܢܐ ܕܐܠܗܐ ܡܛܠ ܡܫܠܡܢܘܬܟܘܢ ܀
3At siya'y sumagot at sinabi sa kanila, Bakit naman kayo'y nagsisilabag sa utos ng Dios dahil sa inyong sali't-saling sabi?
4ܐܠܗܐ ܓܝܪ ܐܡܪ ܝܩܪ ܠܐܒܘܟ ܘܠܐܡܟ ܘܡܢ ܕܡܨܚܐ ܠܐܒܘܗܝ ܘܠܐܡܗ ܡܡܬ ܢܡܘܬ ܀
4Sapagka't sinabi ng Dios, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: at, Ang manungayaw sa ama at sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala.
5ܐܢܬܘܢ ܕܝܢ ܐܡܪܝܢ ܐܢܬܘܢ ܟܠ ܡܢ ܕܢܐܡܪ ܠܐܒܐ ܐܘ ܠܐܡܐ ܩܘܪܒܢܝ ܡܕܡ ܕܬܬܗܢܐ ܡܢܝ ܘܠܐ ܢܝܩܪ ܠܐܒܘܗܝ ܐܘ ܠܐܡܗ ܀
5Datapuwa't sinasabi ninyo, Sinomang magsabi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, Yaong mangyayaring pakinabangan mo sa akin ay hain ko na sa Dios:
6ܘܒܛܠܬܘܢ ܡܠܬܐ ܕܐܠܗܐ ܡܛܠ ܡܫܠܡܢܘܬܐ ܕܝܠܟܘܢ ܀
6Ay hindi niya igagalang ang kaniyang ama. At niwalan ninyong kabuluhan ang salita ng Dios dahil sa inyong sali't-saling sabi.
7ܢܤܒܝ ܒܐܦܐ ܫܦܝܪ ܐܬܢܒܝ ܥܠܝܟܘܢ ܐܫܥܝܐ ܘܐܡܪ ܀
7Kayong mga mapagpaimbabaw, mabuti ang pagkahula sa inyo ni Isaias, na nagsasabi,
8ܥܡܐ ܗܢܐ ܒܤܦܘܬܗ ܗܘ ܡܝܩܪ ܠܝ ܠܒܗܘܢ ܕܝܢ ܤܓܝ ܪܚܝܩ ܡܢܝ ܀
8Ang bayang ito'y iginagalang ako ng kanilang mga labi; Datapuwa't ang kanilang puso ay malayo sa akin.
9ܘܤܪܝܩܐܝܬ ܕܚܠܝܢ ܠܝ ܟܕ ܡܠܦܝܢ ܝܘܠܦܢܐ ܕܦܘܩܕܢܐ ܕܒܢܝܢܫܐ ܀
9Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao.
10ܘܩܪܐ ܠܟܢܫܐ ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܫܡܥܘ ܘܐܤܬܟܠܘ ܀
10At pinalapit niya sa kaniya ang karamihan, at sa kanila'y sinabi, Pakinggan ninyo, at unawain.
11ܠܐ ܗܘܐ ܡܕܡ ܕܥܐܠ ܠܦܘܡܐ ܡܤܝܒ ܠܒܪܢܫܐ ܐܠܐ ܡܕܡ ܕܢܦܩ ܡܢ ܦܘܡܐ ܗܘ ܗܘ ܡܤܝܒ ܠܒܪܢܫܐ ܀
11Hindi ang pumapasok sa bibig ang siyang nakakahawa sa tao; kundi ang lumalabas sa bibig, ito ang nakakahawa sa tao.
12ܗܝܕܝܢ ܩܪܒܘ ܬܠܡܝܕܘܗܝ ܘܐܡܪܝܢ ܠܗ ܝܕܥ ܐܢܬ ܕܦܪܝܫܐ ܕܫܡܥܘ ܡܠܬܐ ܗܕܐ ܐܬܟܫܠܘ ܀
12Nang magkagayo'y nagsilapit ang mga alagad, at sa kaniya'y sinabi, Nalalaman mo bagang nangagdamdam ang mga Fariseo, pagkarinig nila ng pananalitang ito?
13ܗܘ ܕܝܢ ܥܢܐ ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܟܠ ܢܨܒܬܐ ܐܝܕܐ ܕܠܐ ܢܨܒܗ ܐܒܝ ܕܒܫܡܝܐ ܬܬܥܩܪ ܀
13Datapuwa't sumagot siya at sinabi, Ang bawa't halamang hindi itinanim ng aking Ama na nasa kalangitan, ay bubunutin.
14ܫܒܘܩܘ ܠܗܘܢ ܤܡܝܐ ܐܢܘܢ ܢܓܘܕܐ ܕܤܡܝܐ ܤܡܝܐ ܕܝܢ ܠܤܡܝܐ ܐܢ ܢܕܒܪ ܬܪܝܗܘܢ ܒܓܘܡܨܐ ܢܦܠܝܢ ܀
14Pabayaan ninyo sila: sila'y mga bulag na tagaakay. At kung ang bulag ay umakay sa bulag, ay kapuwa sila mangahuhulog sa hukay.
15ܘܥܢܐ ܫܡܥܘܢ ܟܐܦܐ ܘܐܡܪ ܠܗ ܡܪܝ ܦܫܩ ܠܢ ܡܬܠܐ ܗܢܐ ܀
15At sumagot si Pedro, at sinabi sa kaniya, Ipaliwanag mo sa amin ang talinghaga.
16ܗܘ ܕܝܢ ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܥܕܡܐ ܠܗܫܐ ܐܦ ܐܢܬܘܢ ܠܐ ܡܤܬܟܠܝܢ ܐܢܬܘܢ ܀
16At sinabi niya, Kayo baga nama'y wala pa ring pagiisip?
17ܠܐ ܝܕܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܕܡܕܡ ܕܥܐܠ ܠܦܘܡܐ ܠܟܪܤܐ ܗܘ ܐܙܠ ܘܡܢ ܬܡܢ ܒܬܕܟܝܬܐ ܡܫܬܕܐ ܠܒܪ ܀
17Hindi pa baga ninyo nalalaman, na ang anomang pumapasok sa bibig ay tumutuloy sa tiyan, at inilalabas sa daanan ng dumi?
18ܡܕܡ ܕܝܢ ܕܡܢ ܦܘܡܐ ܢܦܩ ܡܢ ܠܒܐ ܢܦܩ ܘܗܘܝܘ ܡܤܝܒ ܠܗ ܠܒܪܢܫܐ ܀
18Datapuwa't ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay sa puso nanggagaling; at siyang nangakakahawa sa tao.
19ܡܢ ܠܒܐ ܗܘ ܓܝܪ ܢܦܩܢ ܡܚܫܒܬܐ ܒܝܫܬܐ ܓܘܪܐ ܩܛܠܐ ܙܢܝܘܬܐ ܓܢܒܘܬܐ ܤܗܕܘܬ ܫܘܩܪܐ ܓܘܕܦܐ ܀
19Sapagka't sa puso nanggagaling ang masasamang pagiisip, mga pagpatay, mga pangangalunya, pakikiapid, mga pagnanakaw, mga pagsaksi sa di katotohanan, mga pamumusong:
20ܗܠܝܢ ܐܢܝܢ ܕܡܤܝܒܢ ܠܒܪܢܫܐ ܐܢ ܐܢܫ ܕܝܢ ܢܠܥܤ ܟܕ ܠܐ ܡܫܓܢ ܐܝܕܘܗܝ ܠܐ ܡܤܬܝܒ ܀
20Ito ang mga bagay na nangakakahawa sa tao; datapuwa't ang kumaing hindi maghugas ng mga kamay ay hindi makakahawa sa tao.
21ܘܢܦܩ ܡܢ ܬܡܢ ܝܫܘܥ ܘܐܬܐ ܠܬܚܘܡܐ ܕܨܘܪ ܘܕܨܝܕܢ ܀
21At umalis doon si Jesus, at lumigpit sa mga sakop ng Tiro at Sidon.
22ܘܗܐ ܐܢܬܬܐ ܟܢܥܢܝܬܐ ܡܢ ܬܚܘܡܐ ܗܢܘܢ ܢܦܩܬ ܟܕ ܩܥܝܐ ܘܐܡܪܐ ܐܬܪܚܡ ܥܠܝ ܡܪܝ ܒܪܗ ܕܕܘܝܕ ܒܪܬܝ ܒܝܫܐܝܬ ܡܬܕܒܪܐ ܡܢ ܫܐܕܐ ܀
22At narito, ang isang babaing Cananea na lumabas sa mga hangganang yaon, at nagsisigaw, na nagsasabi, Kahabagan mo ako, Oh Panginoon, ikaw na Anak ni David; ang aking anak na babae ay pinahihirapang lubha ng isang demonio.
23ܗܘ ܕܝܢ ܠܐ ܦܢܝܗ ܦܬܓܡܐ ܘܩܪܒܘ ܬܠܡܝܕܘܗܝ ܒܥܘ ܡܢܗ ܘܐܡܪܝܢ ܫܪܝܗ ܕܩܥܝܐ ܒܬܪܢ ܀
23Datapuwa't siya'y hindi sumagot ng anomang salita sa kaniya. At nilapitan siya ng kaniyang mga alagad at siya'y pinamanhikan, na nangagsasabi, Paalisin mo siya; sapagka't nagsisisigaw siya sa ating hulihan.
24ܗܘ ܕܝܢ ܥܢܐ ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܠܐ ܐܫܬܕܪܬ ܐܠܐ ܠܘܬ ܥܪܒܐ ܕܛܥܘ ܡܢ ܒܝܬ ܐܝܤܪܝܠ ܀
24Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi, Hindi ako sinugo kundi sa mga tupang nangaligaw sa bahay ni Israel.
25ܗܝ ܕܝܢ ܐܬܬ ܤܓܕܬ ܠܗ ܘܐܡܪܬ ܡܪܝ ܥܕܪܝܢܝ ܀
25Datapuwa't lumapit siya at siya'y sinamba niya, na nagsasabi, Panginoon, saklolohan mo ako.
26ܐܡܪ ܠܗ ܠܐ ܫܦܝܪ ܠܡܤܒ ܠܚܡܐ ܕܒܢܝܐ ܘܠܡܪܡܝܘ ܠܟܠܒܐ ܀
26At siya'y sumagot at sinabi, Hindi marapat na kunin ang tinapay sa mga anak at itapon sa mga aso.
27ܗܝ ܕܝܢ ܐܡܪܬ ܐܝܢ ܡܪܝ ܐܦ ܟܠܒܐ ܐܟܠܝܢ ܡܢ ܦܪܬܘܬܐ ܕܢܦܠܝܢ ܡܢ ܦܬܘܪܐ ܕܡܪܝܗܘܢ ܘܚܐܝܢ ܀
27Datapuwa't sinabi niya, Oo, Panginoon: sapagka't ang mga aso man ay nagsisikain ng mga mumo na nangalalaglag mula sa dulang ng kanilang mga panginoon.
28ܗܝܕܝܢ ܐܡܪ ܠܗ ܝܫܘܥ ܐܘ ܐܢܬܬܐ ܪܒܐ ܗܝ ܗܝܡܢܘܬܟܝ ܢܗܘܐ ܠܟܝ ܐܝܟ ܕܨܒܝܐ ܐܢܬܝ ܘܐܬܐܤܝܬ ܒܪܬܗ ܡܢ ܗܝ ܫܥܬܐ ܀
28Nang magkagayo'y sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Oh babae, malaki ang pananampalataya mo: mangyari sa iyo ayon sa ibig mo. At gumaling ang kaniyang anak mula sa oras na yaon.
29ܘܫܢܝ ܡܢ ܬܡܢ ܝܫܘܥ ܘܐܬܐ ܥܠ ܓܢܒ ܝܡܐ ܕܓܠܝܠܐ ܘܤܠܩ ܠܛܘܪܐ ܘܝܬܒ ܬܡܢ ܀
29At umalis si Jesus doon, at naparoon sa tabi ng dagat ng Galilea; at umahon sa bundok, at naupo doon.
30ܘܩܪܒܘ ܠܘܬܗ ܟܢܫܐ ܤܓܝܐܐ ܕܐܝܬ ܗܘܘ ܥܡܗܘܢ ܚܓܝܪܐ ܘܤܡܝܐ ܘܚܪܫܐ ܘܦܫܝܓܐ ܘܐܚܪܢܐ ܤܓܝܐܐ ܘܐܪܡܝܘ ܐܢܘܢ ܠܘܬ ܪܓܠܘܗܝ ܕܝܫܘܥ ܘܐܤܝ ܐܢܘܢ ܀
30At lumapit sa kaniya ang lubhang maraming tao, na may mga pilay, mga bulag, mga pipi, mga pingkaw, at iba pang marami, at sila'y kanilang inilagay sa kaniyang mga paanan; at sila'y pinagaling niya:
31ܐܝܟ ܕܢܬܕܡܪܘܢ ܟܢܫܐ ܗܢܘܢ ܕܚܙܝܢ ܚܪܫܐ ܕܡܡܠܠܝܢ ܘܦܫܝܓܐ ܕܡܬܚܠܡܝܢ ܘܚܓܝܪܐ ܕܡܗܠܟܝܢ ܘܤܡܝܐ ܕܚܙܝܢ ܘܫܒܚܘ ܠܐܠܗܐ ܕܝܤܪܝܠ ܀
31Ano pa't nangagtaka ang karamihan, nang mangakita nilang nangagsasalita ang mga pipi, nagsisigaling ang mga pingkaw, at nagsisilakad ang mga pilay, at nangakakakita ang mga bulag: at kanilang niluwalhati ang Dios ng Israel.
32ܗܘ ܕܝܢ ܝܫܘܥ ܩܪܐ ܠܬܠܡܝܕܘܗܝ ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܡܬܪܚܡ ܐܢܐ ܥܠ ܟܢܫܐ ܗܢܐ ܕܗܐ ܬܠܬܐ ܝܘܡܝܢ ܩܘܝܘ ܠܘܬܝ ܘܠܝܬ ܠܗܘܢ ܡܐ ܕܢܐܟܠܘܢ ܘܕܐܫܪܐ ܐܢܘܢ ܟܕ ܨܝܡܝܢ ܠܐ ܨܒܐ ܐܢܐ ܕܠܡܐ ܢܥܘܦܘܢ ܒܐܘܪܚܐ ܀
32At pinalapit ni Jesus sa kaniya ang kaniyang mga alagad, at sinabi, Nahahabag ako sa karamihan, sapagka't tatlong araw nang sila'y nagsisipanatili sa akin at wala silang makain: at di ko ibig na sila'y paalising nangagaayuno, baka sila'y manganglupaypay sa daan.
33ܐܡܪܝܢ ܠܗ ܬܠܡܝܕܘܗܝ ܐܝܡܟܐ ܠܢ ܒܚܘܪܒܐ ܠܚܡܐ ܕܢܤܒܥ ܟܢܫܐ ܗܢܐ ܟܠܗ ܀
33At sa kaniya'y sinabi ng mga alagad, Saan tayo mangakakakuha rito sa ilang ng sapat na daming tinapay na makabubusog sa ganyang lubhang napakaraming tao?
34ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܝܫܘܥ ܟܡܐ ܠܚܡܝܢ ܐܝܬ ܠܟܘܢ ܐܡܪܝܢ ܠܗ ܫܒܥܐ ܘܩܠܝܠ ܢܘܢܐ ܕܩܕܩܐ ܀
34At sinabi ni Jesus sa kanila, Ilang tinapay mayroon kayo? At sinabi nila, Pito, at ilang maliliit na isda.
35ܘܦܩܕ ܠܟܢܫܐ ܕܢܤܬܡܟܘܢ ܥܠ ܐܪܥܐ ܀
35At iniutos niya sa karamihan na magsiupo sa lupa;
36ܘܫܩܠ ܠܗܠܝܢ ܫܒܥܐ ܠܚܡܝܢ ܘܠܢܘܢܐ ܘܫܒܚ ܘܩܨܐ ܘܝܗܒ ܠܬܠܡܝܕܘܗܝ ܘܬܠܡܝܕܐ ܝܗܒܘ ܠܟܢܫܐ ܀
36At kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda; at siya'y nagpasalamat at pinagputolputol, at ibinigay sa mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad sa mga karamihan.
37ܘܐܟܠܘ ܟܠܗܘܢ ܘܤܒܥܘ ܘܫܩܠܘ ܬܘܬܪܐ ܕܩܨܝܐ ܡܠܐ ܫܒܥܐ ܐܤܦܪܝܕܝܢ ܀
37At nagsikain silang lahat, at nangabusog: at pinulot nila ang lumabis sa mga pinagputolputol, na pitong bakol na puno.
38ܗܢܘܢ ܕܝܢ ܕܐܟܠܘ ܗܘܝܢ ܗܘܘ ܐܪܒܥܐ ܐܠܦܝܢ ܓܒܪܐ ܤܛܪ ܡܢ ܢܫܐ ܘܛܠܝܐ ܀ 39 ܘܟܕ ܫܪܐ ܠܟܢܫܐ ܤܠܩ ܠܐܠܦܐ ܘܐܬܐ ܠܬܚܘܡܐ ܕܡܓܕܘ ܀
38At silang nagsikain ay apat na libong lalake, bukod ang mga babae at mga bata.
39
39At pinayaon niya ang mga karamihan at lumulan sa daong, at napasa mga hangganan ng Magdala.