1ܘܩܪܒܘ ܦܪܝܫܐ ܘܙܕܘܩܝܐ ܡܢܤܝܢ ܠܗ ܘܫܐܠܝܢ ܠܗ ܐܬܐ ܡܢ ܫܡܝܐ ܕܢܚܘܐ ܐܢܘܢ ܀
1At nagsilapit ang mga Fariseo at mga Saduceo, na tinutukso siya na sa kaniya'y nagsisihiling na sila'y pagpakitaan ng isang tanda na mula sa langit.
2ܗܘ ܕܝܢ ܥܢܐ ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܡܐ ܕܗܘܐ ܪܡܫܐ ܐܡܪܝܢ ܐܢܬܘܢ ܨܚܘܐ ܗܘ ܤܡܩܬ ܓܝܪ ܫܡܝܐ ܀
2Datapuwa't siya'y sumagot at sa kanila'y sinabi, Sa kinahapunan, ay sinasabi ninyo, Bubuti ang panahon: sapagka't ang langit ay mapula.
3ܘܒܨܦܪܐ ܐܡܪܝܢ ܐܢܬܘܢ ܝܘܡܢܐ ܤܬܘܐ ܗܘ ܤܡܩܬ ܓܝܪ ܫܡܝܐ ܟܡܝܪܐܝܬ ܢܤܒܝ ܒܐܦܐ ܦܪܨܘܦܐ ܕܫܡܝܐ ܝܕܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܕܬܒܩܘܢ ܐܬܘܬܐ ܕܙܒܢܐ ܗܢܐ ܠܐ ܝܕܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܕܬܦܪܫܘܢ ܀
3At sa umaga, Ngayo'y uunos: sapagka't mapula at makulimlim ang langit. Kayo'y marurunong magsikilala ng anyo ng langit; datapuwa't hindi ninyo mangakilala ang mga tanda ng mga panahon.
4ܫܪܒܬܐ ܒܝܫܬܐ ܘܓܝܪܬܐ ܐܬܐ ܒܥܝܐ ܘܐܬܐ ܠܐ ܡܬܝܗܒܐ ܠܗ ܐܠܐ ܐܬܗ ܕܝܘܢܢ ܢܒܝܐ ܘܫܒܩ ܐܢܘܢ ܘܐܙܠ ܀
4Ang isang lahing masama at mapangalunya ay humahanap ng tanda; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda, kundi ng tanda ni Jonas. At sila'y iniwan niya, at yumaon.
5ܘܟܕ ܐܬܘ ܬܠܡܝܕܘܗܝ ܠܥܒܪܐ ܛܥܘ ܕܢܤܒܘܢ ܥܡܗܘܢ ܠܚܡܐ ܀
5At nagsidating ang mga alagad sa kabilang ibayo at nangakalimot na mangagdala ng tinapay.
6ܗܘ ܕܝܢ ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܚܙܘ ܐܙܕܗܪܘ ܡܢ ܚܡܝܪܐ ܕܦܪܝܫܐ ܘܕܙܕܘܩܝܐ ܀
6At sinabi sa kanila ni Jesus, Kayo'y mangagingat at magsipangilag sa lebadura ng mga Fariseo at mga Saduceo.
7ܗܢܘܢ ܕܝܢ ܡܬܪܥܝܢ ܗܘܘ ܒܢܦܫܗܘܢ ܘܐܡܪܝܢ ܕܠܚܡܐ ܠܐ ܢܤܒܘ ܀
7At sila'y nangagkatuwiranan sa kanilang sarili, na nagsasabi, Hindi tayo nangakapagbaon ng tinapay.
8ܝܫܘܥ ܕܝܢ ܝܕܥ ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܡܢܐ ܡܬܚܫܒܝܢ ܐܢܬܘܢ ܒܢܦܫܟܘܢ ܙܥܘܪܝ ܗܝܡܢܘܬܐ ܕܠܚܡܐ ܠܐ ܫܩܠܬܘܢ ܀
8At nang matalastas ni Jesus ay sinabi, Oh kayong kakaunti ang pananampalataya, bakit kayo'y nangagbubulaybulay sa inyong sarili, sapagka't wala kayong tinapay?
9ܠܐ ܥܕܡܐ ܠܗܫܐ ܐܤܬܟܠܬܘܢ ܠܐ ܥܗܕܝܢ ܐܢܬܘܢ ܠܗܢܘܢ ܚܡܫܐ ܠܚܡܝܢ ܕܚܡܫܐ ܐܠܦܝܢ ܘܟܡܐ ܩܘܦܝܢܝܢ ܫܩܠܬܘܢ ܀
9Hindi pa baga ninyo natatalastas, at hindi ninyo naaalaala ang limang tinapay sa limang libong lalake, at kung ilang bakol ang inyong nailigpit?
10ܘܠܐ ܠܗܢܘܢ ܫܒܥܐ ܠܚܡܝܢ ܕܐܪܒܥܐ ܐܠܦܝܢ ܘܟܡܐ ܐܤܦܪܝܕܝܢ ܫܩܠܬܘܢ ܀
10Ni yaong pitong tinapay sa apat na libong lalake, at kung ilang bakol ang inyong nailigpit?
11ܐܝܟܢ ܠܐ ܐܤܬܟܠܬܘܢ ܕܠܐ ܗܘܐ ܥܠ ܠܚܡܐ ܐܡܪܬ ܠܟܘܢ ܐܠܐ ܕܬܙܕܗܪܘܢ ܡܢ ܚܡܝܪܐ ܕܦܪܝܫܐ ܘܕܙܕܘܩܝܐ ܀
11Ano't hindi ninyo napaguunawa na hindi ang sinabi ko sa inyo'y tungkol sa tinapay? Datapuwa't kayo'y mangagingat sa lebadura ng mga Fariseo at ng mga Saduceo.
12ܗܝܕܝܢ ܐܤܬܟܠܘ ܕܠܐ ܐܡܪ ܕܢܙܕܗܪܘܢ ܡܢ ܚܡܝܪܐ ܕܠܚܡܐ ܐܠܐ ܡܢ ܝܘܠܦܢܐ ܕܦܪܝܫܐ ܘܕܙܕܘܩܝܐ ܀
12Nang magkagayo'y kanilang natalastas na sa kanila'y hindi ipinagutos na sila'y magsipagingat sa lebadura ng tinapay, kundi sa mga aral ng mga Fariseo at ng mga Saduceo.
13ܟܕ ܕܝܢ ܐܬܐ ܝܫܘܥ ܠܐܬܪܐ ܕܩܤܪܝܐ ܕܦܝܠܝܦܘܤ ܡܫܐܠ ܗܘܐ ܠܬܠܡܝܕܘܗܝ ܘܐܡܪ ܡܢܘ ܐܡܪܝܢ ܥܠܝ ܐܢܫܐ ܕܐܝܬܝ ܒܪܗ ܕܐܢܫܐ ܀
13Nang dumating nga si Jesus sa mga sakop ng Cesarea ni Filipo, ay itinanong niya sa kaniyang mga alagad, na sinasabi, Ano baga ang sabi ng mga tao kung sino ang Anak ng tao?
14ܗܢܘܢ ܕܝܢ ܐܡܪܘ ܐܝܬ ܕܐܡܪܝܢ ܝܘܚܢܢ ܡܥܡܕܢܐ ܐܚܪܢܐ ܕܝܢ ܐܠܝܐ ܘܐܚܪܢܐ ܐܪܡܝܐ ܐܘ ܚܕ ܡܢ ܢܒܝܐ ܀
14At kanilang sinabi, Anang ilan, Si Juan Bautista; ang ilan, Si Elias; at ang mga iba, Si Jeremias, o isa sa mga propeta.
15ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܐܢܬܘܢ ܕܝܢ ܡܢܘ ܐܡܪܝܢ ܐܢܬܘܢ ܕܐܝܬܝ ܀
15Kaniyang sinabi sa kanila, Datapuwa't, ano ang sabi ninyo kung sino ako?
16ܥܢܐ ܫܡܥܘܢ ܟܐܦܐ ܘܐܡܪ ܐܢܬ ܗܘ ܡܫܝܚܐ ܒܪܗ ܕܐܠܗܐ ܚܝܐ ܀
16At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay.
17ܥܢܐ ܝܫܘܥ ܘܐܡܪ ܠܗ ܛܘܒܝܟ ܫܡܥܘܢ ܒܪܗ ܕܝܘܢܐ ܕܒܤܪܐ ܘܕܡܐ ܠܐ ܓܠܐ ܠܟ ܐܠܐ ܐܒܝ ܕܒܫܡܝܐ ܀
17At sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Mapalad ka, Simon Bar-Jonas: sapagka't hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng aking Ama na nasa langit.
18ܐܦ ܐܢܐ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟ ܕܐܢܬ ܗܘ ܟܐܦܐ ܘܥܠ ܗܕܐ ܟܐܦܐ ܐܒܢܝܗ ܠܥܕܬܝ ܘܬܪܥܐ ܕܫܝܘܠ ܠܐ ܢܚܤܢܘܢܗ ܀
18At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.
19ܠܟ ܐܬܠ ܩܠܝܕܐ ܕܡܠܟܘܬܐ ܕܫܡܝܐ ܘܟܠ ܡܕܡ ܕܬܐܤܘܪ ܒܐܪܥܐ ܢܗܘܐ ܐܤܝܪ ܒܫܡܝܐ ܘܡܕܡ ܕܬܫܪܐ ܒܐܪܥܐ ܢܗܘܐ ܫܪܐ ܒܫܡܝܐ ܀
19Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.
20ܗܝܕܝܢ ܦܩܕ ܠܬܠܡܝܕܘܗܝ ܕܠܐܢܫ ܠܐ ܢܐܡܪܘܢ ܕܗܘܝܘ ܡܫܝܚܐ ܀
20Nang magkagayo'y ipinagbilin niya sa mga alagad na huwag sabihin kanino man na siya ang Cristo.
21ܘܡܢ ܗܝܕܝܢ ܫܪܝ ܝܫܘܥ ܠܡܚܘܝܘ ܠܬܠܡܝܕܘܗܝ ܕܥܬܝܕ ܗܘ ܕܢܐܙܠ ܠܐܘܪܫܠܡ ܘܤܓܝ ܢܚܫ ܡܢ ܩܫܝܫܐ ܘܡܢ ܪܒܝ ܟܗܢܐ ܘܤܦܪܐ ܘܢܬܩܛܠ ܘܠܝܘܡܐ ܕܬܠܬܐ ܢܩܘܡ ܀
21Mula ng panahong yao'y nagpasimulang ipinakilala ni Jesus sa kaniyang mga alagad, na kinakailangang siya'y pumaroon sa Jerusalem, at magbata ng maraming bagay sa matatanda at sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba, at siya'y patayin, at muling ibangon sa ikatlong araw.
22ܘܕܒܪܗ ܟܐܦܐ ܘܫܪܝ ܠܡܟܐܐ ܒܗ ܘܐܡܪ ܚܤ ܠܟ ܡܪܝ ܕܬܗܘܐ ܠܟ ܗܕܐ ܀
22At isinama siya ni Pedro, at nagpasimulang siya'y pinagwikaan, na nagsasabi, Panginoon, malayo ito sa iyo: kailan man ay hindi mangyayari ito sa iyo.
23ܗܘ ܕܝܢ ܐܬܦܢܝ ܘܐܡܪ ܠܟܐܦܐ ܙܠ ܠܟ ܠܒܤܬܪܝ ܤܛܢܐ ܬܘܩܠܬܐ ܐܢܬ ܠܝ ܕܠܐ ܡܬܪܥܐ ܐܢܬ ܕܐܠܗܐ ܐܠܐ ܕܒܢܝ ܐܢܫܐ ܀
23Datapuwa't lumingon siya, at sinabi kay Pedro, Lumagay ka sa likuran ko, Satanas: ikaw ay tisod sa akin: sapagka't hindi mo pinagiisip ang mga bagay ng Dios, kundi ang mga bagay ng tao.
24ܗܝܕܝܢ ܐܡܪ ܝܫܘܥ ܠܬܠܡܝܕܘܗܝ ܡܢ ܕܨܒܐ ܕܢܐܬܐ ܒܬܪܝ ܢܟܦܘܪ ܒܢܦܫܗ ܘܢܫܩܘܠ ܙܩܝܦܗ ܘܢܐܬܐ ܒܬܪܝ ܀
24Nang magkagayo'y sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, Kung ang sinomang tao'y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin.
25ܡܢ ܕܨܒܐ ܓܝܪ ܕܢܚܐ ܢܦܫܗ ܢܘܒܕܝܗ ܘܡܢ ܕܢܘܒܕ ܢܦܫܗ ܡܛܠܬܝ ܢܫܟܚܝܗ ܀
25Sapagka't ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpong niyaon.
26ܡܢܐ ܓܝܪ ܡܬܗܢܐ ܒܪܢܫܐ ܐܢ ܟܠܗ ܥܠܡܐ ܢܩܢܐ ܘܢܦܫܗ ܢܚܤܪ ܐܘ ܡܢܐ ܢܬܠ ܒܪܢܫܐ ܬܚܠܘܦܐ ܕܢܦܫܗ ܀
26Sapagka't ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?
27ܥܬܝܕ ܗܘ ܓܝܪ ܒܪܗ ܕܐܢܫܐ ܕܢܐܬܐ ܒܬܫܒܘܚܬܐ ܕܐܒܘܗܝ ܥܡ ܡܠܐܟܘܗܝ ܩܕܝܫܐ ܘܗܝܕܝܢ ܢܦܪܘܥ ܠܐܢܫ ܐܢܫ ܐܝܟ ܥܒܕܘܗܝ ܀ 28 ܐܡܝܢ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܕܐܝܬ ܐܢܫܐ ܕܩܝܡܝܢ ܬܢܢ ܕܠܐ ܢܛܥܡܘܢ ܡܘܬܐ ܥܕܡܐ ܕܢܚܙܘܢ ܠܒܪܗ ܕܐܢܫܐ ܕܐܬܐ ܒܡܠܟܘܬܗ ܀
27Sapagka't ang Anak ng tao ay pariritong nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ang kaniyang mga anghel; at kung magkagayo'y bibigyan ang bawa't tao ayon sa kaniyang mga gawa.
28
28Katotohanang sinasabi ko sa inyo, May ilan sa nangakatayo rito, na hindi matitikman sa anomang paraan ang kamatayan, hanggang sa kanilang makita ang Anak ng tao na pumaparito sa kaniyang kaharian.