1Ngayong tungkol sa mga kaloob na ayon sa espiritu, mga kapatid, ay hindi ko ibig na hindi kayo makaalam.
1屬靈的恩賜弟兄們,關於屬靈的恩賜,我不願意你們不明白。
2Nalalaman ninyo na nang kayo'y mga Gentil pa, ay iniligaw kayo sa mga piping diosdiosan, sa alin mang paraang pagkahatid sa inyo.
2你們知道,你們還是教外人的時候,總是受迷惑被引誘,去拜那不能說話的偶像。
3Kaya't ipinatatalastas ko sa inyo, na wala sinomang nagsasalita sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios ay nagsasabi, Si Jesus ay itinakwil; at wala sinoman ay makapagsasabi, Si Jesus ay Panginoon kundi sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
3所以我要你們知道,被 神的靈感動而說話的人,沒有一個會說“耶穌是可咒詛的”;除非是被聖靈感動,也沒有人能說“耶穌是主”。
4Ngayo'y may iba't ibang mga kaloob, datapuwa't iisang Espiritu.
4恩賜有許多種,卻是同一位聖靈所賜的;
5At may iba't ibang mga pangangasiwa, datapuwa't iisang Panginoon.
5服事的職分有許多種,但是同一位主;
6At may iba't ibang paggawa, datapuwa't iisang Dios na gumagawa ng lahat ng mga bagay sa lahat.
6工作的方式也有許多種,但仍是一位 神,是他在眾人裡面作成一切。
7Datapuwa't sa bawa't isa ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu, upang pakinabangan naman.
7聖靈顯現在各人的身上,為的是要使人得著益處。
8Sapagka't sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang salita ng karunungan; at sa iba'y ang salita ng kaalaman ayon din sa Espiritu:
8有人藉著聖靈領受了智慧的言語,又有人靠著同一位聖靈領受了知識的言語,
9Sa iba'y ang pananampalataya, sa gayon ding Espiritu; at sa iba'y ang mga kaloob na pagpapagaling, sa iisang Espiritu.
9又有人因著同一位聖靈領受了信心,還有人因著這位聖靈領受了醫病的恩賜,
10At sa iba'y ang mga paggawa ng mga himala; at sa iba'y hula; at sa iba'y ang pagkilala sa mga espiritu; at sa iba'y ang iba't ibang wika; at sa iba'y ang pagpapaliwanag ng mga wika.
10另有人可以行神蹟,另有人可以講道,另有人可以辨別諸靈,也有人能說各種的方言,也有人能翻譯方言。
11Datapuwa't ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayon ding Espiritu, na binabahagi sa bawa't isa ayon sa kaniyang ibig.
11這一切都是這同一位聖靈所作的,他按照自己的意思個別地分給各人。
12Sapagka't kung paanong ang katawan ay iisa, at mayroong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan, bagama't marami, ay iisang katawan; gayon din naman si Cristo.
12正如身體是一個,卻有許多肢體,而且肢體雖然很多,身體仍是一個;基督也是這樣。
13Sapagka't sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan, maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu.
13我們無論是猶太人,是希臘人,是作奴隸的,是自由的,都在那一位聖靈裡受了洗,成為一個身體,都飲了那一位聖靈。
14Sapagka't ang katawan ay hindi iisang sangkap, kundi marami.
14原來身體有許多肢體,並不是只有一個肢體。
15Kung sasabihin ng paa, Sapagka't hindi ako kamay, ay hindi ako sa katawan; hindi nga dahil dito'y hindi sa katawan.
15假如腳說:“我不是手,所以我不屬於身體。”它不能因此就不屬於身體。
16At kung sasabihin ng tainga, Sapagka't hindi ako mata, ay hindi ako sa katawan; hindi nga dahil dito'y hindi sa katawan.
16假如耳朵說:“我不是眼睛,所以我不屬於身體。”它也不能因此就不屬於身體。
17Kung ang buong katawan ay pawang mata, saan naroroon ang pakinig? Kung ang lahat ay pawang pakinig, saan naroroon ang pangamoy.
17假如整個身體只是眼睛,怎樣聽呢?假如整個身體只是耳朵,怎樣聞味呢?
18Datapuwa't ngayo'y inilagay ng Dios ang bawa't isa sa mga sangkap ng katawan, ayon sa kaniyang minagaling.
18但現在 神按照自己的意思,把肢體一一放在身體上。
19At kung ang lahat nga'y pawang isang sangkap, saan naroroon ang katawan?
19假如所有的只是一個肢體,怎能算是身體呢?
20Datapuwa't maraming mga sangkap nga, nguni't iisa ang katawan.
20但現在肢體雖然很多,身體卻只是一個。
21At hindi makapagsasabi ang mata sa kamay, Hindi kita kinakailangan: at hindi rin ang ulo sa mga paa, Hindi ko kayo kailangan.
21眼睛不能對手說:“我不需要你。”頭也不能對腳說:“我不需要你們。”
22Hindi, kundi lalo pang kailangan yaong mga sangkap ng katawan na wari'y lalong mahihina:
22相反地,身體上那些似乎比較軟弱的肢體,更是不可缺少的。
23At yaong mga sangkap ng katawan, na inaakala nating kakaunti ang kapurihan, sa mga ito ipinagkakaloob natin ang lalong saganang papuri; at ang mga sangkap nating mga pangit ay siyang may lalong saganang kagandahan;
23我們認為身體上不大體面的部分,就更加要把它裝飾得體面;不大美觀的部分,就更加要使它美觀。
24Yamang ang mga sangkap nating magaganda ay walang kailangan: datapuwa't hinusay ng Dios ang katawan na binigyan ng lalong saganang puri yaong sangkap na may kakulangan;
24我們身體上美觀的部分,就不需要這樣了。但 神卻這樣把身體組成了:格外地把體面加給比較有缺欠的肢體,
25Upang huwag magkaroon ng pagkakabahabahagi sa katawan; kundi ang mga sangkap ay mangagkaroon ng magkasing-isang pagiingat sa isa't isa.
25好使肢體能夠互相照顧,免得身體上有了分裂。
26At kung ang isang sangkap ay nagdaramdam, ang lahat ng mga sangkap ay nangagdaramdam na kasama niya; o kung ang isang sangkap ay nagkakapuri, ang lahat ng mga sangkap ay nangagagalak na kasama niya.
26如果一個肢體受苦,所有的肢體就一同受苦;如果一個肢體得榮耀,所有的肢體就一同快樂。
27Kayo nga ang katawan ni Cristo, at bawa't isa'y samasamang mga sangkap niya.
27你們就是基督的身體,並且每一個人都是作肢體的。
28At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una'y mga apostol, ikalawa'y mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba't ibang mga wika.
28 神在教會裡所設立的,第一是使徒,第二是先知,第三是教師,其次是行神蹟的,再其次是有醫病恩賜的,幫助人的,治理事的,說各種方言的。
29Lahat baga'y mga apostol? lahat baga'y mga propeta? lahat baga'y mga guro? lahat baga'y mga manggagawa ng mga himala?
29難道都是使徒嗎?都是先知嗎?都是教師嗎?都是行神蹟的嗎?
30May mga kaloob na pagpapagaling baga ang lahat? nangagsasalita baga ang lahat ng mga wika? lahat baga ay nangagpapaliwanag?
30都是有醫病恩賜的嗎?都是說方言的嗎?都是翻譯方言的嗎?
31Datapuwa't maningas ninyong nasain, ang lalong dakilang mga kaloob. At itinuturo ko sa inyo ang isang daang kagalinggalingan.
31你們卻要熱切地追求那些更大的恩賜。現在我要把更高的道路指示你們。