1Kung ako'y magsalita ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel, datapuwa't wala akong pagibig, ay ako'y naging tanso na tumutunog, o batingaw na umaalingawngaw.
1信望愛中最大的是愛我若能說世人和天使的方言,卻沒有愛,我就成了鳴的鑼、響的鈸一樣。
2At kung magkaroon ako ng kaloob na panghuhula, at maalaman ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman; at kung magkaroon ako ng buong pananampalataya, na ano pa't mapalipat ko ang mga bundok, datapuwa't wala akong pagibig, ay wala akong kabuluhan.
2我若有先知講道的恩賜,也明白各樣的奧祕,各樣的知識;並且有全備的信,叫我能夠移山,卻沒有愛,我就算不得甚麼。
3At kung ipagkaloob ko ang lahat ng aking mga tinatangkilik upang ipakain sa mga dukha, at kung ibigay ko ang aking katawan upang sunugin, datapuwa't wala akong pagibig, ay walang pakikinabangin sa akin.
3我若把一切所有的分給人,又捨己身被人焚燒,卻沒有愛,對我仍然毫無益處。
4Ang pagibig ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pagibig ay hindi nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo.
4愛是恆久忍耐,又有恩慈。愛是不嫉妒,不自誇,不張狂;
5Hindi naguugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama;
5不作失禮的事,不求自己的益處,不輕易動怒,不計較人的過犯;
6Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan;
6不喜歡不義,只喜歡真理。
7Lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis.
7愛是凡事包容,凡事相信,凡事盼望,凡事忍耐。
8Ang pagibig ay hindi nagkukulang kailan man: kahit maging mga hula, ay mangatatapos; maging mga wika, ay titigil: maging kaalaman, ay mawawala.
8愛是永存不息的。先知的講道終必過去,方言終必停止,知識終必消失。
9Sapagka't nangakakakilala tayo ng bahagya, at nanganghuhula tayo ng bahagya;
9因為我們現在所知道的,只是一部分;所講的道也只是一部分;
10Datapuwa't kung dumating ang sakdal, ang bahagya ay matatapos.
10等那完全的來到,這部分的就要過去了。
11Nang ako'y bata pa, ay nagsasalita akong gaya ng bata, nagdaramdam akong gaya ng bata, nagiisip akong gaya ng bata: ngayong maganap ang aking pagkatao, ay iniwan ko na ang mga bagay ng pagkabata.
11我作孩子的時候,說話像孩子,心思像孩子,想法像孩子,既然長大了,就把孩子的事都丟棄了。
12Sapagka't ngayo'y malabo tayong nakakikita sa isang salamin; nguni't pagkatapos ay makikita natin sa mukhaan: ngayo'y nakikilala ko ng bahagya, nguni't pagkatapos ay makikilala ko ng gaya naman ng pagkakilala sa akin.
12我們現在是對著鏡子觀看,模糊不清,到那時就要面對面了。我現在所知道的只是一部分,到那時就完全知道了,好像主完全知道我一樣。
13Datapuwa't ngayo'y nanatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; nguni't ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig.
13現在常存的有信、望、愛這三樣,其中最大的是愛。