1Ako ngang si Pablo ay namamanhik sa inyo alangalang sa kaamuang-loob at kapakumbabaan ni Cristo, ako na sa harapan ninyo ay mapagpakumbaba sa gitna ninyo, nguni't ako'y lubhang malakas ang loob kung wala sa harapan ninyo:
1保羅闡明他的權柄與工作我保羅與你們見面的時候是謙卑的,不在你們那裡的時候,卻是放膽的。現在我親自以基督的謙遜溫柔勸你們,
2Oo, ako'y namamanhik sa inyo, upang kung ako'y nahaharap ay huwag akong magpakita ng katapangang may pagkakatiwala na ipinasiya kong ipagmatapang laban sa ilang nagiisip sa amin, na waring kami ay nagsisilakad ng ayon sa laman.
2求你們使我在你們那裡的時候,不要滿有自信地放膽對你們,我認為要以這樣的自信,勇敢地對付那些以為我們是照著世俗的標準(“世俗的標準”原文作“肉體”)行事的人。
3Sapagka't bagaman kami ay nagsisilakad sa laman, ay hindi kami nangakikipagbakang ayon sa laman.
3我們雖然在世上行事,卻不是按照世俗的方式作戰,
4(Sapagka't ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman, kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta);
4因為我們作戰所用的兵器,不是屬於這世界的,而是在 神面前有能力的,可以攻陷堅固的堡壘,
5Na siyang gumigiba ng mga maling haka, at ng bawa't bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios, at bumibihag sa lahat ng pagiisip sa pagtalima kay Cristo;
5攻破詭辯,和做來阻擋人認識 神的一切高牆,並且把一切心意奪回來,順服基督。
6At nangahahanda upang maghiganti sa lahat ng pagsuway, kung maganap na ang inyong pagtalima.
6我們已經準備好了,等你們完全順服的時候,就懲罰所有不順從的人。
7Minamasdan ninyo ang mga bagay na nahaharap sa inyong mukha. Kung ang sinoman ay mayroong pagkakatiwala sa kaniyang sarili na siya'y kay Cristo, ay muling dilidilihin ito sa kaniyang sarili na, kung paanong siya'y kay Cristo, kami naman ay gayon din.
7你們看事情,只看表面。如果有人自信是屬於基督的,他就應該再想一想:他是屬於基督的,同樣,我們也是屬於基督的。
8Sapagka't bagaman ako ay magmapuri ng marami tungkol sa aming kapamahalaan (na ibinigay ng Panginoon sa ikapagtitibay sa inyo, at hindi sa ikagigiba ninyo) ay hindi ako mapapahiya.
8主把權柄賜給我們,是為了要造就你們,不是要破壞你們,就算我為這權柄誇口過分了一點,也不會覺得慚愧。
9Upang huwag akong wari'y ibig ko kayong pangilabutin sa takot sa aking mga sulat.
9不要以為我寫信是用來嚇你們。
10Sapagka't, sinasabi nila, Ang kaniyang mga sulat, ay malaman at mabisa; datapuwa't ang anyo ng kaniyang katawan ay mahina, at ang kaniyang pananalita ay walang kabuluhan.
10因為有人說:“他的信又嚴厲又強硬,他本人卻氣貌不揚,言語粗俗。”
11Bayaang isipin ng isang gayon ito, na, kung ano kami sa pananalita sa mga sulat pagka kami ay wala sa harapan, ay gayon din kami naman sa gawa pagka kami ay nahaharap.
11說這話的人要想一想,我們不在你們那裡的時候,信上怎樣寫,我們來到的時候也會怎樣作。
12Sapagka't hindi kami nangagmamatapang na makibilang o makitulad sa mga ilan doon sa mga nagmamapuri sa kanilang sarili: nguni't sila na sinusukat ang kanilang sarili sa kanila rin, at kanilang itinutulad ang sarili sa kanila rin ay mga walang unawa.
12我們不敢和那些自我推薦的人相提並論;他們拿自己來量自己,拿自己來比自己,實在不大聰明。
13Datapuwa't hindi naman ipinagmamapuri ang labis sa aming sukat, kundi ayon sa sukat ng hangganang sa amin ay ipinamamahagi ng Dios, na gaya ng sukat, upang umabot hanggang sa inyo.
13我們所誇的,並沒有越過範圍,而是在 神量給我們的界限之內;這界限一直延伸到你們那裡。
14Sapagka't hindi kami nagsisilagpas ng higit, na waring hindi na namin kayo aabutin: sapagka't hanggang sa inyo naman ay nagsirating kami sa evangelio ni Cristo:
14如果我們沒有到過你們那裡,現在就自誇得過分了;但事實上,我們早就把基督的福音傳到你們那裡了。
15Na hindi namin ipinagmamapuri ang labis sa aming sukat, sa makatuwid baga'y ang mga gawa ng ibang mga tao; kundi yamang may pagasa, na ayon sa paglago ng inyong pananampalataya, kami'y pupurihin sa inyo ayon sa aming hangganan sa lalong kasaganaan,
15我們並沒有越過範圍,拿別人的勞苦來誇口。我們盼望隨著你們信心的增長,我們的界限就因你們而大大擴展,
16Upang ipangaral ang evangelio sa mga dako pa roon ng lupain ninyo, at huwag kaming mangagmapuri sa hangganan ng iba tungkol sa mga bagay na nangahahanda na sa amin.
16使我們可以把福音傳到你們以外的地方。別人在他的界限以內所完成的工作,我們不會拿來誇口的。
17Datapuwa't ang nagmamapuri ay magmapuri sa Panginoon.
17誇口的應當靠著主誇口,
18Sapagka't hindi subok ang nagtatagubilin sa kaniyang sarili, kundi ang ipinagtatagubilin ng Panginoon.
18因為蒙悅納的,不是自我推薦的人,而是主所推薦的人。