1Kahimanawari'y mapagtiisan ninyo ako sa kaunting kamangmangan: nguni't tunay na ako'y inyong pinagtitiisan.
1提防詭詐的假使徒請你們容忍我這一點點的愚昧,其實你們本來就是容忍我的。
2Sapagka't ako'y naninibugho tungkol sa inyo ng panibughong ukol sa Dios: sapagka't kayo'y aking pinapagasawa sa isa, upang kayo'y maiharap ko kay Cristo na tulad sa dalagang malinis.
2我以 神的熱愛愛你們,因為我把你們獻給基督,好像把貞潔的童女許配給一個丈夫。
3Nguni't ako'y natatakot, baka sa anomang paraan, kung paanong si Eva ay nadaya ng ahas sa kaniyang katusuhan, ang inyong walang malay at malinis na mga pagiisip na kay Cristo ay pasamain.
3我只怕你們的心受到引誘,失去對基督的單純和貞潔,好像蛇用詭計騙了夏娃一樣。
4Sapagka't kung yaong paririto ay mangaral ng ibang Jesus, na hindi namin ipinangaral, o kung kayo'y nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap, o ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap, ay mabuting pagtiisan ninyo.
4如果有人來傳講另一位耶穌,不是我們傳過的,或者你們接受另一個不同的靈,不是你們領受過的,又或者接受另一個不同的福音,不是你們接受過的,你們倒可以容忍得下!
5Sapagka't inaakala kong sa anoman ay hindi ako huli sa lubhang mga dakilang apostol.
5但我認為自己沒有一點比不上那些“超等使徒”;
6Datapuwa't bagaman ako ay magaspang sa pananalita, gayon ma'y hindi ako sa kaalaman; hindi, kundi sa lahat ng paraan ay ipinahayag namin ito sa inyo.
6雖然我不善於辭令,卻是有學問的,我們在各方面,已經向你們清楚顯明了。
7Ako nga baga'y nagkasala sa pagpapakababa ko sa aking sarili, upang kayo'y mangataas dahil sa ipinangaral ko sa inyo na walang bayad ang evangelio ng Dios?
7我貶低自己,使你們高升,把 神的福音白白地傳給你們,我這樣是犯罪嗎?
8Aking sinamsaman ang ibang mga iglesia, sa pagtanggap ko ng upa sa kanila, upang ipangasiwa ko sa inyo;
8我為了服事你們,就接受了別的教會的供應,也可以說是剝削了他們。
9At pagka ako'y kaharap ninyo at ako'y nagkukulang ng ikabubuhay, ako'y hindi naging pasan sa kanino man; sapagka't mga kapatid nang sila'y manggaling sa Macedonia ay tumakip ng aming pangangailangan; at sa lahat ng mga bagay ay pinagingatan kong huwag maging pasanin ninyo, at magiingat nga ako.
9我在你們那裡有缺乏的時候,並沒有連累任何人,因為從馬其頓來的弟兄們,補足了我的缺乏。我在各方面都不讓自己成為你們的重擔,將來也是一樣。
10Kung paanong nasa akin ang katotohanan ni Cristo, sinoman ay hindi makapipigil sa akin sa pagmamapuring ito sa mga dako ng Acaya.
10我有基督的真理在我裡面,在亞該亞一帶沒有人能阻止我這樣誇口。
11Bakit? sapagka't hindi ko baga kayo iniibig? Nalalaman ng Dios.
11為甚麼呢?是我不愛你們嗎? 神是知道的。
12Datapuwa't ang aking ginagawa ay siya kong gagawin, upang maputol ko ang kadahilanan sa mga nagnanasa ng kadahilanan; upang sa anomang ipinagmamapuri nila ay mangasumpungan sila na gaya namin.
12我現在所作的,將來還要作,為了要斷絕那些投機分子的機會,不讓他們在所誇的事上,被人認為是跟我們一樣的。
13Sapagka't ang mga gayong tao ay mga bulaang apostol, mga magdarayang manggagawa, na nangagpapakunwaring mga apostol ni Cristo.
13這樣的人是假使徒,是詭詐的工人,裝成基督的使徒。
14At hindi katakataka: sapagka't si Satanas man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan.
14這並不希奇,因為撒但自己也裝作光明的天使,
15Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang mga ministro naman ay magpakunwari na waring ministro ng katuwiran; na ang kanilang wakas ay masasangayon sa kanilang mga gawa.
15所以,撒但的僕役裝成公義的僕役,也不必大驚小怪。他們的結局必按他們所作的而定。
16Muling sinasabi ko, Huwag isipin ng sinoman na ako'y mangmang; nguni't kung gayon, gayon ma'y tanggapin ninyo akong gaya ng isang mangmang, upang ako naman ay makapagmapuri ng kaunti.
16保羅可誇的受苦經歷我再說,誰也不要以為我是愚昧的;就算這樣,也要接納我這個愚昧的人,使我可以稍微地誇口。
17Ang ipinangungusap ko ay hindi ko ipinangungusap ayon sa Panginoon, kundi gaya ng sa kamangmangan, sa pagkakatiwalang ito sa pagmamapuri.
17我這樣滿有自信地誇口,不是照著主所吩咐的,而是好像愚昧人在說話。
18Yamang maraming nagmamapuri ayon sa laman, ako nama'y magmamapuri.
18既然有許多人按著世俗的標準誇口,我也要誇口。
19Sapagka't pinagtitiisan ninyo na may kasayahan ang mga mangmang, palibhasa'y marurunong kayo.
19你們那麼精明,竟然樂意容忍愚昧的人。
20Sapagka't inyong pinagtitiisan ang sinoman, kung kayo'y inaalipin, kung kayo'y sinasakmal, kung kayo'y binibihag, kung siya'y nagpapalalo, kung kayo'y sinasampal sa mukha.
20如果有人奴役你們,侵吞、榨取你們,向你們趾高氣揚,打你們的臉,你們就容忍吧!
21Sinasalita ko ang tungkol sa kapulaan, na wari ay naging mahina kami. Nguni't kung ang sinoman ay matapang sa anoman (nangungusap ako sa kamangmangan), ako'y matapang din naman.
21說來慚愧,我們太軟弱了。說句愚昧的話,如果有人在甚麼事上是勇敢的,我也是勇敢的。
22Sila baga'y mga Hebreo? ako man. Sila baga'y mga Israelita? ako man. Sila baga'y binhi ni Abraham? ako man.
22他們是希伯來人嗎?我也是。他們是以色列人嗎?我也是。他們是亞伯拉罕的後裔嗎?我也是。
23Sila baga'y mga ministro ni Cristo? (ako'y nangungusap na waring nasisira ang bait) lalo pa ako; sa pagpapagal ako'y lubhang sagana, sa mga bilangguan ay lubhang madalas, sa mga palo ay walang bilang, sa mga ikamamatay ay malimit.
23他們是基督的僕人嗎?說句狂話,我更是。我受更多的勞苦,更多的坐監,受了過量的鞭打,常常有生命的危險。
24Sa mga Judio ay makalimang tumanggap ako ng tigaapat na pung palo, kulang ng isa.
24我被猶太人打過五次,每次四十下減去一下,
25Makaitlong ako'y hinampas ng mga panghampas, minsan ako'y binato, makaitlong ako'y nabagbag, isang araw at isang gabi na ako'y nasa kalaliman ng dagat;
25被棍打過三次,被石頭打過一次,三次遇著船壞,在深海裡飄了一晝一夜;
26Sa mga paglalakbay ay madalas, sa mga kapanganiban sa mga ilog, sa mga kapanganiban sa mga tulisan, sa mga kapanganiban sa aking mga kababayan, sa mga kapanganiban sa mga Gentil, sa mga kapanganiban sa bayan, sa mga kapanganiban sa mga ilang, sa mga kapanganiban sa dagat, sa mga kapanganiban sa gitna ng mga bulaang kapatid;
26多次行遠路,遇著江河的危險、強盜的危險、同族的危險、外族的危險、城中的危險、曠野的危險、海上的危險、假弟兄的危險;
27Sa pagpapagal at sa pagdaramdam, sa mga pagpupuyat ay madalas, sa gutom at uhaw, mga pagaayuno ay madalas, sa ginaw at kahubaran.
27勞碌辛苦,多次不得睡覺,又飢又渴,多次缺糧,赤身挨冷。
28Bukod sa mga bagay na yaon, ay may umiinis sa akin sa araw-araw, ang kabalisahan dahil sa lahat ng mga iglesia.
28除了這些外面的事,還有為各教會掛心的事,天天壓在我的身上。
29Sino ang nanghina, at ako'y hindi nanghina? Sino ang napapatisod, at ako'y di nagdaramdam?
29有誰軟弱,我不軟弱呢?有誰陷在罪裡,我不焦急呢?
30Kung kinakailangang ako'y magmapuri, ako'y magmamapuri sa mga bagay na nauukol sa aking kahinaan.
30如果必須誇口,我就誇自己的弱點。
31Ang Dios at Ama ng Panginoong Jesus, na mapalad magpakailan pa man, ang nakakaalam na ako'y hindi nagsisinungaling.
31主耶穌的父 神是應當永遠受稱頌的,他知道我沒有說謊。
32Sa Damasco ay binantayan ng gobernador na sakop ng haring Aretas ang bayan ng mga taga Damasco, upang ako'y hulihin:
32在大馬士革,亞里達王手下的總督把守著大馬士革城,要拘捕我,
33At sa isang dungawan, ay napahugos ako sa kuta, sa isang balaong, at ako'y nakatanan sa kanilang mga kamay.
33我就被人放在一個大籃子裡,從城牆的窗戶縋下來,逃脫了他的手。