1At kaniyang iniutos sa katiwala ng kaniyang bahay, na sinasabi, Punuin mo ng mga pagkain ang mga bayong ng mga lalaking ito, kung gaano ang kanilang madadala: at ilagay mo ang salapi ng bawa't isa sa labi ng kanikaniyang bayong.
1銀杯藏在便雅憫的布袋裡約瑟吩咐管家說:“把糧食裝滿這些人的布袋,要盡他們所能攜帶的,又把各人的銀子放在他們的袋口;
2At ilagay mo ang aking saro, ang sarong pilak, sa labi ng bayong ng bunso, at ang salapi ng kaniyang trigo. At ginawa niya ang ayon sa salita na sinalita ni Jose.
2把我的銀杯,放在最小的袋口,連同他買糧食的銀子放進去。”管家就照著約瑟吩咐的話去作。
3At pagliliwanag ng kinaumagahan, ay pinapagpaalam ang mga lalake, sila at ang kanilang mga asno.
3早晨天一亮,那些人和他們的驢子都被打發走了。
4Nang sila'y mangakalabas na sa bayan, at hindi pa sila nalalayo, ay sinabi ni Jose sa katiwala ng kaniyang bahay, Bumangon ka habulin mo ang mga lalake; at pagka sila'y iyong inabutan, ay sabihin mo sa kanila, Bakit iginanti ninyo ay kasamaan sa kabutihan?
4他們出了城,走了不遠,約瑟就對管家說:“起來,追趕那些人;追上了,就對他們說:‘你為甚麼以惡報善呢?
5Hindi ba ang sarong ito ang iniinuman ng aking panginoon, at tunay na kaniyang ipinanghuhula? Kayo'y gumawa ng masama sa paggawa ng ganiyan.
5這不是我主人喝酒和占卜用的杯嗎?你們所作的,實在不對。’”
6At kaniyang inabutan sila, at kaniyang sinalita sa kanila ang mga ito.
6管家追上了他們,就對他們說了這些話。
7At kanilang sinabi sa kaniya, Bakit sinalita ng aking panginoon ang mga salitang ito? Huwag itulot ng Dios na gumawa ang iyong mga lingkod ng ganiyang bagay.
7他們對管家說:“我主為甚麼說這樣的話呢?你的僕人絕不會作這樣的事。
8Narito, ang salapi na aming nasumpungan sa labi ng aming mga bayong ay aming isinauli sa iyo mula sa lupain ng Canaan: paano ngang kami ay magnanakaw sa bahay ng iyong panginoon ng pilak o ginto?
8你看,我們從前在袋口發現的銀子,尚且從迦南地帶來還給你,我們又怎會從你主人的家裡偷取金銀呢?
9Yaong kasumpungan sa iyong mga lingkod, ay mamatay, at pati kami ay magiging alipin ng aming panginoon.
9在你僕人當中,無論在誰那裡搜出來,誰就要死,我們也要作我主的奴僕。”
10At kaniyang sinabi, Mangyari nga ang ayon sa inyong mga salita; yaong kasumpungan ay magiging aking alipin; at kayo'y mawawalan ng sala.
10管家說:“現在就照你們的話作吧,只是在誰那裡搜出來,誰就要作我的奴僕,其餘的人都沒有罪。”
11Nang magkagayo'y nagmadali sila, at ibinaba ng bawa't isa ang kaniyang bayong sa lupa, at binuksan ng bawa't isa ang kaniyang bayong.
11於是,他們急忙把自己的布袋卸在地上,各人打開自己的布袋。
12At kaniyang sinaliksik, na pinasimulan sa panganay at niwakasan sa bunso; at nasumpungan ang saro sa bayong ni Benjamin.
12管家就搜查,從最大的開始,查到最小的。那杯竟在便雅憫的布袋裡搜出來了。
13Nang magkagayo'y kanilang hinapak ang kanilang mga suot, at pinasanan ng bawa't isa ang kaniyang asno, at nagsibalik sa bayan.
13他們就撕裂自己的衣服,各人又把擔子馱在驢上,回城去了。
14At si Juda at ang kaniyang mga kapatid ay dumating sa bahay ni Jose at siya'y nandoon pa, at sila'y nangagpatirapa sa lupa sa harap niya.
14猶大和他的兄弟來到約瑟的家裡,那時約瑟還在那裡;他們就在他面前俯伏在地。
15At sinabi sa kanila ni Jose, Anong gawa itong inyong ginawa? Hindi ba ninyo nalalaman na ang isang tao na gaya ko ay tunay na makahuhula?
15約瑟對他們說:“你們所作的是甚麼事呢?你們不知道像我這樣的人必能占卜嗎?”
16At sinabi ni Juda: Anong aming sasabihin sa aming panginoon? anong aming sasalitain? o paanong kami ay magpapatotoo? Inilitaw ng Dios ang kasamaan ng iyong mga lingkod: narito, kami ay alipin ng aming panginoon, kami sampu niyaong kinasumpungan ng saro.
16猶大說:“我們對我主可以說甚麼呢?我們還有甚麼可說的呢?我們怎能證明自己是清白的呢? 神已經查出你僕人們的罪孽了。看哪,我們和那在他手裡搜出杯來的,都是我主的奴僕了。”
17At kaniyang sinabi, Huwag nawang itulot ng Dios na ako'y gumawa ng ganiyan; ang taong kinasumpungan ng saro, ay siyang magiging aking alipin; datapuwa't tungkol sa inyo ay pumaroon kayong payapa sa inyong ama.
17約瑟說:“我絕不能這樣作。在誰的手裡搜出杯來,誰就要作我的奴僕;你們其餘的人,可以平平安安地上你們父親那裡去。”
18Nang magkagayo'y lumapit si Juda sa kaniya, at nagsabi, Oh panginoon ko, ipinamamanhik ko sa iyo na papagsalitain ang iyong lingkod, ng isang salita sa mga pakinig ng aking panginoon, at huwag nawang magalab ang iyong loob laban sa iyong lingkod; sapagka't ikaw ay parang si Faraon.
18猶大替便雅憫求情猶大走近約瑟身邊,說:“我主啊,求你容許僕人說一句話給我主聽,請不要向僕人發烈怒,因為你好像法老一樣。
19Tinanong ng aking panginoon ang kaniyang mga lingkod, na sinasabi; Kayo ba'y mayroong ama o kapatid?
19我主曾經問僕人們說:‘你們還有父親或其他兄弟沒有?’
20At aming sinabi sa aking panginoon, Kami ay may ama, isang matanda, at isang anak sa kaniyang katandaan, isang munting bata at ang kaniyang kapatid ay namatay, at siya lamang ang naiwan ng kaniyang ina, at minamahal siya ng kaniyang ama.
20我們曾經回答我主:‘我們還有年老的父親和最小的弟弟,是他年老時所生的。他的哥哥死了,他母親只剩下他一個孩子,他父親非常愛他。’
21At sinabi mo sa iyong mga lingkod, Dalhin ninyo rito sa akin, upang mamasdan ko siya ng aking mga mata.
21你就對僕人們說:‘把他帶下來到我這裡,我要親眼看看他。’
22At aming sinabi sa aking panginoon, Hindi maiiwan ng bata ang kaniyang ama: sapagka't kung iiwan niya ang kaniyang ama, ay mamamatay ang ama niya.
22我們對我主說:‘那孩子是不能離開他父親的;如果離開了,他父親必定死。’
23At iyong sinabi sa iyong mga lingkod, Hindi na ninyo makikita ang aking mukha, malibang inyong ipagsamang bumaba ang inyong kapatid na bunso.
23你對僕人們說:‘如果你們最小的弟弟不與你們一同下來,你們就不得見我的面。’
24At nangyari nang panhikin namin ang inyong lingkod na aking ama, ay aming isinaysay sa kaniya ang mga salita ng aking panginoon.
24於是,我們上到你僕人我們的父親那裡,就把我主的話告訴了他。
25At sinabi ng aming ama, Pumaroon kayo uli, ibili ninyo tayo ng kaunting pagkain.
25後來我們的父親說:‘你們再去替我們買些糧食回來吧。’
26At aming sinabi, Hindi kami makabababa: kung ang aming bunsong kapatid ay kasama namin ay bababa nga kami: sapagka't hindi namin makikita ang mukha ng lalaking yaon, malibang ang aming bunsong kapatid ay kasama namin.
26我們就說:‘我們不能下去,如果有我們最小的弟弟與我們同去,我們就下去;因為我們最小的弟弟不與我們同去,我們就不得見那人的面。’
27At sinabi ng iyong lingkod na aming ama sa amin, Inyong talastas na ang aking asawa ay nagkaanak sa akin ng dalawang lalake:
27你僕人我的父親對我們說:‘你們知道我的妻子只給我生了兩個兒子。
28At ang isa'y umalis sa akin, at aking sinabi, Tunay na siya'y nalapa; at hindi ko siya nakita mula noon.
28一個已經離開我去了,我想他必定是被野獸撕碎了;直到現在,我也沒有見過他。
29At kung inyong kunin pa ang isang ito sa akin, at may mangyaring sakuna sa kaniya, ay inyong ibababa ang aking uban sa Sheol na may kapanglawan.
29現在你們又要把這個從我面前帶去,如果他遇到不幸,你們就使我這個白髮老人,悲悲慘慘地下陰間去了。’
30Ngayon nga'y kung ako'y dumating sa iyong lingkod na aking ama, at ang bata ay hindi namin kasama; sapagka't ang kaniyang buhay ay natatali sa buhay ng batang iyan;
30我父親的命與這孩子的命,是相連在一起的。現在我回到你僕人我的父親那裡,如果沒有孩子與我們在一起,
31Ay mangyayari nga na pagka kaniyang nakitang ang bata ay di namin kasama, na mamamatay siya: at ibababa sa Sheol na may kapanglawan ng iyong mga lingkod ang mga uban ng iyong lingkod na aming ama.
31他一見沒有孩子,就必定死;這樣,你僕人們就使你僕人我們的父親,這個白髮老人,愁愁苦苦地下陰間去了。
32Sapagka't ang iyong lingkod ang siyang nanagot sa bata sa aking ama, na nagsasabi: Kung hindi ko siya dalhin sa iyo, ay papasanin ko nga ang kasalanan sa aking ama magpakailan man.
32因為僕人曾經向父親擔保這孩子的安全,說:‘如果我不把他帶回來交還給你,我就在父親面前終生承擔這罪。’
33Ngayon nga, ay ipahintulot mo na ang iyong lingkod, aking isinasamo sa iyo, ay maiwan na kahalili ng bata na pinakaalipin ng aking panginoon; at iyong ipahintulot na ang bata ay umahong kasama ng kaniyang mga kapatid.
33現在求你容許僕人留下,代替這孩子作我主的奴僕,讓這孩子與他的哥哥們一同上去。
34Sapagka't paanong paroroon ako sa aking ama, at ang bata'y di ko kasama? Baka aking makita pa ang sakunang sasapit sa aking ama.
34因為如果孩子沒有與我同去,我怎能上去見我的父親呢?恐怕我會看見災禍臨到我父親身上。”