1Oh Panginoon, na Dios ng aking kaligtasan, ako'y dumaing araw at gabi sa harap mo:
1歌一首,可拉子孫的詩,就是以斯拉人希幔的訓誨詩,交給詩班長,調用“麻哈拉利暗俄”。耶和華、拯救我的 神啊!我晝夜都在你面前哀求。
2Masok ang aking dalangin sa iyong harapan: ikiling mo ang iyong pakinig sa aking daing:
2願我的禱告達到你面前,求你留心聽我的呼求。
3Sapagka't ang aking kaluluwa ay lipos ng mga kabagabagan, at ang aking buhay ay nalalapit sa Sheol,
3因為我飽經憂患,我的性命臨近陰間。
4Ako'y nabilang sa kanila na nagsisibaba sa hukay; ako'y parang taong walang lakas:
4我被列在下坑的人中,就像一個沒有氣力的人一樣。
5Nakahagis sa gitna ng mga patay, gaya ng napatay na nakahiga sa libingan, na hindi mo na inaalaala; at sila'y mangahiwalay sa iyong kamay.
5我被棄在死人之中,好像被殺的人躺在墳墓裡;你不再記念他們,他們也和你(“你”原文作“你的手”)隔絕了。
6Iyong inilapag ako sa pinakamalalim na hukay, sa mga madilim na dako, sa mga kalaliman.
6你把我放在最深的坑裡,把我放在黑暗的地方和深淵裡。
7Lubhang idinidiin ako ng iyong poot, at iyong pinighati ako ng lahat mong mga alon. (Selah)
7你的烈怒重重地壓著我,你的波浪從四方八面把我淹蓋。(細拉)
8Iyong inilayo sa akin ang kakilala ko; iyong ginawa akong kasuklamsuklam sa kanila: ako'y nakulong at hindi ako makalabas,
8你使我的知己都遠離我,使我成為他們所厭惡的。我被囚禁,不能外出。
9Ang mata ko'y nangangalumata dahil sa kadalamhatian: ako'y tumawag araw-araw sa iyo, Oh Panginoon, aking iginawad ang mga kamay ko sa iyo.
9我的眼睛因困苦而昏花;耶和華啊,我天天向你呼求,向你舉手禱告。
10Magpapakita ka ba ng mga kababalaghan sa mga patay? Sila bang mga patay ay magsisibangon, at magsisipuri sa iyo? (Selah)
10你要為死人行奇事嗎?陰魂會起來稱謝你嗎?(細拉)
11Ang iyo bang kagandahang-loob ay ipahahayag sa libingan? O ang iyong pagtatapat sa kagibaan?
11在墳墓裡有人述說你的慈愛嗎?在滅亡之地(“滅亡之地”原文作“亞巴頓”)有人述說你的信實嗎?
12Malalaman ba ang mga kababalaghan mo sa dilim? At ang katuwiran mo sa lupain ng pagkalimot?
12你的奇事在黑暗裡有人知道嗎?你的公義在那遺忘之地有人知道嗎?
13Nguni't sa iyo, Oh Panginoon, dumaing ako, at sa kinaumagahan ay darating ang dalangin ko sa harap mo.
13耶和華啊!我卻向你呼求,我的禱告在早晨達到你面前。
14Panginoon, bakit mo itinatakuwil ang kaluluwa ko? Bakit mo ikinukubli ang iyong mukha sa akin?
14耶和華啊!你為甚麼丟棄我?為甚麼掩面不顧我?
15Ako'y nadadalamhati, at handang mamatay mula sa aking kabataan: habang aking tinitiis ang iyong mga kakilakilabot na bagay ay nakakalingat ako.
15我自幼受苦,幾乎死亡;我受了驚嚇,以致困惑不安(“困惑不安”原文意義難確定)。
16Ang iyong mabangis na poot ay dumaan sa akin; inihiwalay ako ng iyong mga kakilakilabot na bagay.
16你的烈怒把我淹沒,你的驚嚇把我除滅。
17Kanilang kinulong ako na parang tubig buong araw; kinubkob ako nilang magkakasama.
17這些終日像水一樣環繞我,一起把我圍困。
18Mangliligaw at kaibigan ay inilayo mo sa akin, at ang aking kakilala ay sa dilim.
18你使我摯愛的和同伴都遠離我,黑暗成了我的知己。