Tagalog 1905

聖經新譯本

Romans

14

1Datapuwa't ang mahina sa pananampalataya ay tanggapin ninyo, hindi upang pagtalunan ang kaniyang pagaalinlangan.
1不可論斷弟兄或輕看弟兄你們要接納信心軟弱的人,不要論斷引起爭論的事。
2May tao na may pananampalataya na makakain ang lahat ng mga bagay: nguni't ang mahina'y kumakain ng mga gulay.
2有人相信所有的食物都可以吃,信心軟弱的人卻只吃蔬菜。
3Ang kumakain ay huwag magwalang halaga sa hindi kumakain; at ang hindi kumakain ay huwag humatol sa kumakain: sapagka't siya'y tinanggap ng Dios.
3吃的人不要輕看不吃的人,不吃的人也不要批評吃的人,因為 神已經接納他了。
4Sino kang humahatol sa alila ng iba? Sa kaniyang sariling panginoon ay natatayo siya o nabubuwal. Oo, patatayuin siya; sapagka't makapangyarihan ang Panginoon na siya'y maitayo.
4你是誰,竟然批評別人的家僕呢?他或站穩或跌倒,只和自己的主人有關;但他必定站穩,因為主能夠使他站穩。
5May nagmamahal sa isang araw ng higit kay sa iba: may ibang nagmamahal sa bawa't araw. Bawa't isa'y magtibay sa kaniyang sariling pagiisip.
5有人認為這日比那日好,也有人認為日日都是一樣;只要各人自己心意堅定就可以了。
6Ang nagmamahal sa araw, ay minamahal ito sa Panginoon; at ang kumakain, ay kumakain sa Panginoon, sapagka't siya'y nagpapasalamat sa Dios; at ang hindi kumakain, ay hindi kumakain sa Panginoon, at nagpapasalamat sa Dios.
6守日的人是為主守的,吃的人是為主吃的,因為他感謝 神;不吃的人是為主不吃,他也感謝 神。
7Sapagka't ang sinoman sa atin ay hindi nabubuhay sa kaniyang sarili, at sinoman ay hindi namamatay sa kaniyang sarili.
7我們沒有一個人為自己活,也沒有一個人為自己死。我們若活著,是為主而活;
8Sapagka't kung nangabubuhay tayo, sa Panginoon tayo'y nangabubuhay; o kung nangamamatay tayo, sa Panginoon tayo'y nangamamatay: kaya't sa mabuhay tayo, o sa mamatay man, tayo'y sa Panginoon.
8我們若死了,是為主而死。所以,我們無論活著或是死了,總是屬於主的人。
9Sapagka't dahil dito ay namatay si Cristo at nabuhay na maguli, upang siya'y maging Panginoon ng mga patay at gayon din ng mga buhay.
9為了這緣故,基督死了,又活過來,就是要作死人和活人的主。
10Datapuwa't ikaw, bakit humahatol ka sa iyong kapatid? at ikaw naman, bakit pinawalaang halaga mo ang iyong kapatid? sapagka't tayong lahat ay tatayo sa harapan ng hukuman ng Dios.
10這樣,你為甚麼批評你的弟兄呢?為甚麼又輕看你的弟兄呢?我們都要站在 神的審判臺前;
11Sapagka't nasusulat, Buhay ako, sabi ng Panginoon, sa akin ang bawa't tuhod ay luluhod, At ang bawa't dila ay magpapahayag sa Dios.
11因為經上記著:“主說,我指著我的永生起誓:萬膝必向我跪拜,萬口必稱頌 神。”
12Kaya nga ang bawa't isa sa atin ay magbibigay sulit sa Dios ng kaniyang sarili.
12這樣看來,我們各人都要把自己的事向 神交代。
13Huwag na nga tayong mangaghatulan pa sa isa't isa: kundi bagkus ihatol ninyo ito, na ang sinoman ay huwag maglagay ng katitisuran sa daan ng kaniyang kapatid o kadahilanan ng ikararapa.
13不可使弟兄跌倒所以,我們不要再彼此批評了;倒要立定主意,決不作絆倒弟兄或使他跌倒的事。
14Nalalaman ko, at naniniwala akong lubos kay Jesus na Panginoon, na walang anomang bagay na marumi sa kaniyang sarili: maliban na doon sa nagaakala na ang anomang bagay ay marumi, sa kaniya'y marumi ito.
14我知道,並且在主耶穌裡深信,沒有一樣東西的本身是不潔的,但如果有人認為是不潔的,對他來說那東西就成為不潔了。
15Sapagka't kung dahil sa pagkain ang iyong kapatid ay naghinanakit ay hindi ka na lumalakad sa pagibig. Huwag mong ipamahamak sa iyong pagkain yaong pinagkamatayan ni Cristo.
15如果你為了食物使你的弟兄憂愁,你就不再是憑著愛心行事了。你不可因著你的食物,使基督已經替他死了的人滅亡。
16Huwag nga ninyong pabayaan na pagsalitaan ng masama ang inyong kabutihan:
16所以,不可使你們看為好的被人毀謗;
17Sapagka't ang kaharian ng Dios ay hindi ang pagkain at paginom, kundi ang katuwiran at ang kapayapaan at ang kagalakan sa Espiritu Santo.
17因為 神的國不在於吃喝,而在於公義、和睦,以及聖靈裡的喜樂。
18Sapagka't ang sa ganito ay naglilingkod kay Cristo ay kalugodlugod sa Dios, at pinatutunayan ng mga tao.
18這樣服事基督的人,必蒙 神喜悅,又得眾人嘉許。
19Kaya nga sundin ang mga bagay na makapapayapa, at ang mga bagay na makapagpapatibay sa isa't isa.
19所以,我們總要追求和睦的事,與彼此造就的事。
20Huwag mong sirain ang gawa ng Dios dahil sa pagkain. Tunay na ang lahat ng mga bagay ay malilinis; gayon man ay masama sa tao ang kumakain ng laban sa kaniyang budhi.
20不可因食物的緣故拆毀 神的工作。一切都是潔淨的,但人若因食物絆倒弟兄,對他來說,這就是惡事了。
21Mabuti ang huwag kumain ng lamangkati, ni uminom ng alak, ni gumawa ng anoman na katitisuran ng iyong kapatid.
21無論是吃肉,是喝酒,或是甚麼使你的弟兄跌倒的事,一律不要作才好。
22Ang pananampalataya mo na nasa iyo ay ingatan mo sa iyong sarili sa harap ng Dios. Mapalad ang hindi humahatol sa kaniyang sarili sa bagay na kaniyang sinasangayunan.
22你所信的,你自己要在 神面前持守。人在經自己考驗後認可的事上能夠不自責,他就有福了。
23Nguni't ang nagaalinlangan ay hinahatulan kung kumakain, sapagka't hindi siya kumakain sa pananampalataya; at ang anomang hindi sa pananampalataya ay kasalanan.
23但如果有人存著疑惑的心去吃,他就被定罪了,因為他不是出於信心。凡不是出於信心的,都是罪。