Tagalog 1905

聖經新譯本

Romans

15

1Tayo ngang malalakas ay nararapat mangagbata ng kahinaan ng mahihina, at huwag tayong mangagbigay lugod sa ating sarili.
1不求自己的喜悅我們堅強的人,應該擔當不堅強的人的軟弱,不應該求自己的喜悅。
2Bawa't isa sa atin ay magbigay lugod sa kaniyang kapuwa, sa kaniyang ikabubuti sa ikatitibay.
2我們各人務要叫鄰舍喜悅,好讓他得到益處、得到造就。
3Sapagka't si Cristo man ay hindi nagbigay lugod sa kaniyang sarili; kundi gaya ng nasusulat, Ang mga pagalipusta ng mga nagsisialipusta sa iyo, ay nangahulog sa akin.
3因為連基督也不求自己的喜悅;反而像經上所記的:“辱罵你的人的辱罵,都落在我的身上。”
4Sapagka't ang anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at pagaliw ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pagasa.
4從前經上所寫的,都是為教訓我們而寫的,好使我們藉著忍耐和聖經中的安慰得著盼望。
5Loobin nawa ng Dios ng pagtitiis at paggiliw, na kayo ay magkaisa ng pagiisip sa isa't isa ayon kay Cristo Jesus:
5願賜忍耐和安慰的 神,使你們彼此同心,效法基督耶穌,
6Upang kayo na may isang pagiisip sa pamamagitan ng isang bibig ay luwalhatiin ninyo ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo.
6同心一致地榮耀我們主耶穌基督的父 神。
7Sa ganito'y mangagtanggapan kayo, gaya naman ni Cristo na tinanggap kayo sa kaluwalhatian ng Dios.
7外族人蒙恩頌讚 神因此,你們應當彼此接納,就像基督接納了你們一樣,使榮耀歸於 神。
8Sapagka't sinasabi ko na si Cristo ay ginawang ministro ng pagtutuli dahil sa katotohanan ng Dios, upang kaniyang mapagtibay ang mga pangakong ibinigay sa mga magulang,
8我說,基督為了 神的真理,成了受割禮的人的僕人,為的是要證實對祖先的應許,
9At upang ang mga Gentil ay makaluwalhati sa Dios dahil sa kaniyang kahabagan; gaya ng nasusulat, Kaya nga't ikaw ay aking pupurihin sa gitna ng mga Gentil. At aawit ako sa iyong pangalan.
9使外族人因著所蒙的憐憫榮耀 神;如經上所記:“因此我要在列邦中稱讚你,歌頌你的名。”
10At muling sinasabi niya, Makigalak kayo, kayong mga Gentil, sa kaniyang bayan.
10又說:“列邦啊,當與他的子民一同快樂。”
11At muli, Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat ng mga Gentil; At purihin siya ng lahat ng mga bayan.
11又說:“萬國啊,你們當讚美主;願萬民都頌讚他。”
12At muli, sinasabi ni Isaias, Magkakaroon ng ugat kay Jesse, At siya'y lilitaw upang maghari sa mga Gentil; Ay sa kaniya magsisiasa ang mga Gentil.
12以賽亞也說:“將來必有耶西的根,就是那興起來治理列邦的;列邦都寄望於他。”
13Puspusin nga kayo ng Dios ng pagasa ng buong kagalakan at kapayapaan sa pananampalataya, upang kayo'y managana sa pagasa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
13願那賜盼望的 神,因著你們的信,把一切喜樂平安充滿你們,使你們靠著聖靈的大能滿有盼望。
14At ako naman sa aking sarili ay naniniwalang lubos tungkol sa inyo mga kapatid ko, na kayo naman ay mangapuspos ng kabutihan, pinuspos ng lahat ng kaalaman, na ano pa't makapagpapaalaala naman kayo sa isa't isa.
14不在傳過基督的地方傳福音我的弟兄們,我個人深信你們自己也滿有良善,充滿豐富的知識,也能夠彼此勸導。
15Nguni't sinulatan ko kayo na may dakilang kalayaan na bilang pagpapaalaala sa inyo, dahil sa biyaya na sa akin ay ibinigay ng Dios,
15但有些地方,我寫得稍為大膽一點,是要提醒你們;我因著 神賜給我的恩典,
16Upang ako'y maging ministro ni Cristo Jesus sa mga Gentil, na nangangasiwa sa evangelio ng Dios, upang ang mga Gentil ay maging kalugodlugod na handog, palibhasa'y pinapaging banal ng Espiritu Santo.
16為外族人作了基督耶穌的僕役,作了 神福音的祭司,使所獻上的外族人得蒙悅納,靠著聖靈成為聖潔。
17Mayroon nga akong ipinagmamapuri kay Cristo Jesus sa mga bagay na nauukol sa Dios.
17所以,在 神的事上,我在基督耶穌裡倒有可以引以為榮的。
18Sapagka't hindi ako nangangahas magsalita ng anomang mga bagay, maliban na sa mga ginawa ni Cristo sa pamamagitan ko, sa pagtalima ng mga Gentil, sa salita at sa gawa,
18別的我不敢說,我只說基督藉著我所作的事,就是用言語行為,藉著神蹟和奇事的大能,以及聖靈的大能,使外族人順服;這樣,我從耶路撒冷直到以利里古,把基督的福音都傳開了。
19Sa bisa ng mga tanda at ng mga kababalaghan, sa kapangyarihan ng Espiritu ng Dios; ano pa't buhat sa Jerusalem, at sa palibotlibot hanggang sa Ilirico, ay aking ipinangaral na lubos ang evangelio ni Cristo;
19
20Aking nilayon na maipangaral ang evangelio, hindi doon sa napagbalitaan na kay Cristo, upang huwag akong magtayo sa ibabaw ng pinagsaligan ng iba;
20我立定主意,不在宣揚過基督的地方傳福音,免得建立在別人的根基上,
21Kundi, gaya ng nasusulat, Makakakita silang mga hindi dinatnan ng mga balita tungkol sa kaniya, At silang hindi nangakapakinig, ay mangakakatalastas.
21反而照經上所記:“那對他一無所聞的,將要看見;那沒有聽過的,將要明白。”
22Kaya't madalas namang napigil ako ng pagpariyan sa inyo:
22保羅計劃到羅馬去因此,我多次受到攔阻,不能到你們那裡去。
23Datapuwa't ngayon, na wala nang dako sa mga lupaing ito, at malaon nang panahong ako'y may nasang pumariyan sa inyo,
23但現在這一帶再沒有可傳的地方,而我多年來又很想去見你們,
24Pagparoon ko sa Espana ay paririyan ako (sapagka't inaasahan kong makikita ko kayo sa aking paglalakbay, at ako'y sasamahan ninyo patungo doon, pagkatapos na magkamit ng kaunting kasiyahan sa pakikisama sa inyo).
24所以,無論我甚麼時候到西班牙去,都希望趁我路過時和你們見面,先稍微滿足我的心願,然後由你們給我送行到那裡去。
25Nguni't ngayon, sinasabi ko, ako'y pasasa-Jerusalem, upang mamahagi sa mga banal.
25不過,我現在為了供應聖徒的事要往耶路撒冷去;
26Sapagka't minagaling ng Macedonia at ng Acaya na gumawa ng isang ambagang laan sa mga dukha sa mga banal na nasa Jerusalem.
26因為馬其頓和亞該亞人樂意捐了一些錢,給耶路撒冷聖徒中的窮人。
27Oo, ito'y kalugodlugod sa kanila; at sila'y may utang na loob sa kanila. Sapagka't kung ang mga Gentil ay naging mga kabahagi sa kanilang mga bagay na ayon sa Espiritu, nararapat naman nilang paglingkuran ang mga yaon sa mga bagay na ayon sa laman.
27他們是樂意的,而且那也是他們的本分(“本分”原文作“債”),因為外族人既然分享了猶太人屬靈的好處,就應該供應他們肉身的需要。
28Kung maganap ko nga ito, at aking matatakan na sa kanila ang bungang ito, ay magdaraan ako sa inyong patungo sa Espana.
28等我辦好這件事,把這筆款項安全地交了給他們,我就要路過你們那裡到西班牙去。
29At nalalaman ko na, pagpariyan ko sa inyo, ay darating akong puspos ng pagpapala ng evangelio ni Cristo.
29我知道我到你們那裡去的時候,一定會帶著基督豐盛的福分。
30Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, alangalang sa Panginoon nating Jesucristo, at sa pagibig ng Espiritu, na kayo'y makipagsikap na kasama ko sa inyong mga pananalangin sa Dios patungkol sa akin;
30弟兄們,我靠著我們的主耶穌基督,憑著聖靈的慈愛,勸你們和我一同竭力為我向 神祈禱,
31Upang ako'y maligtas sa mga hindi nagsisisampalataya na nangasa Judea, at nang ang aking pamamahagi sa Jerusalem ay maging kalugodlugod sa mga banal;
31求 神救我脫離猶太地不信從的人,使我帶到耶路撒冷的捐款,可以得到聖徒的悅納;
32Upang sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, ako'y makarating sa inyo na may kagalakan, at ako'y makipamahinga sa inyo.
32也使我照著 神的旨意,高高興興地到你們那裡去,好和你們一同得到安息。
33Ngayon ang Dios ng kapayapaan ay sumainyo nawang lahat. Siya nawa.
33願賜平安的 神與你們眾人同在。阿們。