1Maigi ang dukha na lumalakad sa kaniyang pagtatapat kay sa suwail sa kaniyang mga labi at mangmang.
1敬畏 神必得好处
2Gayon din ang kaluluwa na walang kaalaman ay hindi mabuti; at siyang nagmamadali ng kaniyang mga paa ay nagkakasala.
2一个人没有知识是不好的,脚步匆忙的,难免失足。
3Ang kamangmangan ng tao ay sumisira ng kaniyang lakad; at ang kaniyang puso ay nagagalit laban sa Panginoon.
3人的愚妄毁灭自己的道路;他的心却恼怒耶和华。
4Ang kayamanan ay nagdadagdag ng maraming kaibigan: nguni't ang dukha ay hiwalay sa kaniyang kaibigan.
4财富使朋友增多,但穷人连他的一个朋友也与他分离。
5Ang sinungaling na saksi ay walang pagsalang parurusahan; at ang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay hindi makatatahan.
5作假见证的必难免受惩罚;吐出谎言的必不能逃脱。
6Marami ang mamamanhik ng lingap sa magandang-loob: at bawa't tao ay kaibigan ng nagbibigay ng mga kaloob.
6尊贵的人,很多人求他的情面;慷慨施赠的,人人都作他的朋友。
7Ipinagtatanim siya ng lahat ng kapatid ng dukha: gaano pa nga kaya ang ilalayo sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan! Kaniyang hinahabol sila ng mga salita, nguni't wala na sila.
7贫穷人的兄弟都恨他;他的朋友更疏远他。虽然他多多恳求他们,他们却不理会。
8Siyang nagiimpok ng karunungan ay umiibig sa kaniyang sariling kaluluwa: siyang nagiingat ng pagunawa ay makakasumpong ng mabuti.
8得着智慧的,爱惜自己的性命;保持明达的,必得益处。
9Ang sinungaling na saksi ay walang pagsalang parurusahan; at ang nagbabadya ng mga kasinungalingan ay mamamatay.
9作假见证的必难免受惩罚;吐出谎言的终必灭亡。
10Maayos na pamumuhay ay hindi magaling sa mangmang; lalo na sa alipin na magpuno sa mga pangulo.
10愚昧人生活奢侈是不相称的,何况奴仆管辖领袖呢!
11Ang bait ng tao ay nagpapakupad sa galit. At kaniyang kaluwalhatian na paraanin ang pagsalangsang.
11人的明慧使他不轻易动怒;宽恕别人过失的,是自己的荣耀。
12Ang poot ng hari ay parang ungal ng leon; nguni't ang kaniyang lingap ay parang hamog sa damo.
12王的忿怒,好像狮子的吼叫,他的恩宠,如同草上的朝露。
13Ang mangmang na anak ay kapanglawan ng kaniyang ama: at ang mga pakikipagtalo ng asawa ay walang likat na tulo.
13愚昧的儿子是父亲的祸患,吵闹的妻子好像雨水不停地滴漏。
14Bahay at mga kayamanan ay minamana sa mga magulang: nguni't ang mabait na asawa ay galing sa Panginoon.
14房屋与财富是祖宗遗留的产业;唯有明慧的妻子是耶和华所赐的。
15Katamaran ay nagbabaon sa mahimbing na pagkakatulog; at ang tamad na kaluluwa ay magugutom.
15懒惰使人沉睡,闲懒的人必受饥饿。
16Ang nagiingat ng utos ay nagiingat ng kaniyang kaluluwa: nguni't ang walang babala sa kaniyang mga lakad ay mamamatay.
16谨守诫命的,保全自己的性命;轻忽自己道路的,必致死亡。
17Ang naaawa sa dukha ay nagpapautang sa Panginoon, at ang kaniyang mabuting gawa ay babayaran sa kaniya uli.
17恩待穷人的,等于借钱给耶和华;他所行的,耶和华必偿还。
18Parusahan mo ang iyong anak, dangang may pagasa; at huwag mong ilagak ang iyong puso sa kaniyang ikapapahamak.
18趁着还有指望的时候,要管教你的儿子;不可存心任他死亡。
19Ang taong may malaking poot ay magtataglay ng parusa: sapagka't kung iyong iligtas iyong marapat na gawin uli.
19常发烈怒的人,必须受罚,如果你帮助他,就必须一而再帮助他。
20Makinig ka ng payo, at tumanggap ka ng turo, upang ikaw ay maging pantas sa iyong huling wakas.
20你要听劝告,受管教,好使你将来作个有智慧的人。
21May maraming katha sa puso ng tao; nguni't ang payo ng Panginoon, ay siyang tatayo.
21人心里的谋算很多,唯有耶和华的计划能实现。
22Yaong nakagagawa sa isang tao upang siya'y maging kanaisnais ay ang kaniyang kagandahang-loob: at ang isang dukha ay maigi kay sa isang sinungaling.
22人所渴望的,就是忠诚;作穷人比作撒谎的人还好。
23Ang pagkatakot sa Panginoon ay patungo sa kabuhayan; at ang nagtatangkilik noon ay tatahang may kasiyahan: hindi siya dadalawin ng kasamaan.
23敬畏耶和华的,得着生命;他必安居知足,不会遭受祸患。
24Idinadampot ng tamad ang kaniyang kamay sa pinggan, at hindi na magsusubo pa sa kaniyang bibig uli.
24懒惰人把手放在盘子里,连拿食物送回口边,也不愿意。
25Iyong saktan ang manglilibak, at ang musmos ay magaaral ng kabaitan: at iyong sawayin ang naguunawa, at siya'y makakaunawa ng kaalaman.
25责打好讥笑人的,愚蒙人就会变得精明;责备聪明人,他就会明白知识。
26Ang sumasamsam sa kaniyang ama, at nagpapalayas sa kaniyang ina, ay anak na nakakahiya at nagdadala ng kakutyaan.
26虐待父亲,赶走母亲的,是贻羞可耻的儿子。
27Magtigil ka, anak ko, sa pakikinig ng aral na nagliligaw lamang mula sa mga salita ng kaalaman.
27我儿,你若是停止听受管教,就会偏离知识的言语。
28Ang walang kabuluhang saksi ay lumilibak sa kahatulan: at ang bibig ng masama ay lumalamon ng kasamaan.
28无赖作见证,嘲笑公平,恶人的口,吞吃罪孽。
29Ang mga kahatulan ay nahahanda sa mga manglilibak, at ang mga hampas ay sa mga likod ng mga mangmang.
29刑罚是为好讥笑人的预备的,鞭打是为愚昧人的背预备的。