1Ibubunyi kita, Dios ko, Oh Hari; at aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man.
1大卫的赞美诗。我的 神,我的王啊!我要尊崇你,(本节在《马索拉抄本》包括细字标题)我要永永远远称颂你的名。
2Araw-araw ay pupurihin kita; at aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man.
2我要天天称颂你,我要永永远远赞美你的名。
3Dakila ang Panginoon, at marapat na purihin; at ang kaniyang kadakilaan ay hindi masayod.
3耶和华是至大的,配受极大的赞美,他的伟大无法测度。
4Ang isang lahi ay pupuri ng iyong mga gawa sa isa. At ipahahayag ang iyong mga makapangyarihang gawa.
4世世代代的人都要颂赞你的作为,他们要传扬你大能的作为。
5Sa maluwalhating kamahalan ng iyong karangalan, at sa iyong mga kagilagilalas na mga gawa, magbubulay ako.
5他们要讲述你威严的尊荣,我也要默想你奇妙的作为。
6At ang mga tao ay mangagsasalita ng kapangyarihan ng iyong kakilakilabot na mga gawa; at aking ipahahayag ang iyong kadakilaan.
6他们要述说你所行可畏的事的能力,我也要宣扬你的伟大。
7Kanilang sasambitin ang alaala sa iyong dakilang kabutihan, at aawitin nila ang iyong katuwiran.
7他们要传述你可记念、至善的名,也要歌唱你的公义。
8Ang Panginoon ay mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan; banayad sa pagkagalit, at dakila sa kagandahang-loob.
8耶和华有恩典有怜悯,不轻易发怒,大有慈爱。
9Ang Panginoon ay mabuti sa lahat; at ang kaniyang mga malumanay na kaawaan ay nasa lahat niyang mga gawa.
9耶和华善待万有,他的怜悯临到他一切所造的。
10Lahat mong mga gawa ay mangagpapasalamat sa iyo Oh Panginoon; at pupurihin ka ng iyong mga banal.
10耶和华啊!你一切所造的都要称谢你,你的圣民也要称颂你。
11Sila'y mangagsasalita ng kaluwalhatian ng iyong kaharian, at mangungusap ng iyong kapangyarihan;
11他们要讲论你国的荣耀,也要述说你大能的作为。
12Upang ipabatid sa mga anak ng mga tao ang kaniyang mga makapangyarihang gawa, at ang kaluwalhatian ng kamahalan ng kaniyang kaharian.
12好使世人知道你大能的作为,和你国威严的尊荣。
13Ang kaharian mo'y walang hanggang kaharian, at ang kapangyarihan mo'y sa lahat ng sali't saling lahi.
13你的国是永远的国,你的王权存到万代。
14Inaalalayan ng Panginoon ang lahat na nangabubuwal, at itinatayo yaong nangasusubasob.
14跌倒的,耶和华都扶持他们;被压迫的,他都扶他们起来。
15Ang mga mata ng lahat ay nangaghihintay sa iyo; at iyong ibinigay sa kanila ang kanilang pagkain sa ukol na panahon.
15万人的眼睛都仰望你,你按时把粮食赐给他们。
16Iyong binubuksan ang iyong kamay, at sinasapatan mo ang nasa ng bawa't bagay na may buhay.
16你把手张开,使所有生物都随愿得到饱足。
17Ang Panginoon ay matuwid sa lahat niyang daan, at mapagbiyaya sa lahat niyang mga gawa.
17耶和华在他一切所行的事上,都是公义的,他对他一切所造的,都存着慈爱的心。
18Ang Panginoon ay malapit sa lahat na nagsisitawag sa kaniya, sa lahat na nagsisitawag sa kaniya sa katotohanan.
18凡是求告耶和华的,耶和华都和他们接近,就是和所有真诚求告他的人接近。
19Kaniyang tutuparin ang nasa nila na nangatatakot sa kaniya; kaniya ring didinggin ang kanilang daing, at ililigtas sila.
19敬畏他的,他必成就他们的心愿,也必听他们的呼求,拯救他们。
20Iniingatan ng Panginoon ang lahat na nagsisiibig sa kaniya; nguni't lahat ng masama ay lilipulin niya.
20耶和华保护所有爱他的人,却要消灭所有恶人。
21Ang aking bibig ay magsasalita ng kapurihan ng Panginoon; at purihin ng lahat na laman ang kaniyang banal na pangalan magpakailan-kailan pa man.
21我的口要说赞美耶和华的话;愿所有的人都永永远远称颂他的圣名。