1Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng kasamaan, ni managhili ka man sa kanila na nagsisigawa ng kalikuan.
1大卫的诗。不要因作恶的人心怀不平,不要因犯罪的人产生嫉妒。(本节在《马索拉抄本》包括细字标题)
2Sapagka't sila'y madaling puputuling gaya ng damo, at matutuyong gaya ng sariwang damo.
2因为他们好像草快要枯干,像即将凋萎的青草。
3Tumiwala ka sa Panginoon, at gumawa ka ng mabuti; tumahan ka sa lupain, at gawin mong kumain sa kaniyang pagkatapat.
3你要倚靠耶和华,并要行善;你要住在地上,以信实为粮食。
4Magpakaligaya ka naman sa Panginoon; at bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso.
4你要以耶和华为乐,他就把你心里所求的赐给你。
5Ihabilin mo ang iyong lakad sa Panginoon; tumiwala ka rin naman sa kaniya, at kaniyang papangyayarihin.
5你要把你的道路交托耶和华,并倚靠他,他就必成全。
6At kaniyang palalabasing gaya ng liwanag ang iyong katuwiran, at ang iyong kahatulan ay gaya ng katanghaliang tapat.
6他必使你的公义好像光发出,使你的公正如日中天。
7Ikaw ay magpahinga sa Panginoon, at maghintay kang may pagtitiis sa kaniya: huwag kang mabalisa ng dahil sa kaniya na gumiginhawa sa kaniyang lakad, dahil sa lalake na nagpapangyari ng mga masamang katha.
7你要在耶和华面前静默无声,耐心地等候他;不要因那凡事顺利的,和那恶谋得逞的,心怀不平。
8Maglikat ka ng pagkagalit, at bayaan mo ang poot: huwag kang mabalisa, iya'y maghahatid lamang sa paggawa ng kasamaan.
8你要抑制怒气,消除烈怒;不要心怀不平,那只会导致你作恶。
9Sapagka't ang mga manggagawa ng kasamaan ay mangahihiwalay: nguni't yaong nagsipaghintay sa Panginoon, ay mangagmamana sila ng lupain.
9因为作恶的必被剪除,但等候耶和华的必承受地土。
10Sapagka't sangdali na lamang, at ang masama ay mawawala na: Oo, iyong uusisaing mainam ang kaniyang dako, at siya'y mawawala na.
10再过不久,恶人就不存在了;你到他的地方寻找,也找不到。
11Nguni't ang maamo ay magmamana ng lupain, at masasayahan sa kasaganaan ng kapayapaan.
11但谦卑的人必承受地土,可以享受丰盛的平安。
12Ang masama ay kumakatha laban sa ganap, at pinagngangalit sa kaniya ang kaniyang mga ngipin.
12恶人谋害义人,向他咬牙切齿;
13Tatawanan siya ng Panginoon: sapagka't kaniyang nakikita na ang kaniyang kaarawan ay dumarating.
13但主必笑他,因为知道他遭报的日子快要来到。
14Hinugot ng masama ang tabak, at inihanda ang kanilang busog: upang ilugmok ang dukha at mapagkailangan, upang patayin ang matuwid sa paglakad:
14恶人已经拔出刀来,拉开了弓,要打倒困苦和贫穷的人,杀害行为正直的人。
15Ang kanilang tabak ay masasaksak sa kanilang sariling puso, at ang kanilang busog ay mababali.
15他们的刀必刺入自己的心,他们的弓必被折断。
16Mainam ang kaunti na tinatangkilik ng matuwid, kay sa kasaganaan ng maraming masama.
16一个义人拥有的虽少,胜过许多恶人的财富。
17Sapagka't ang mga bisig ng masasama ay mangababali: nguni't inaalalayan ng Panginoon ang matuwid.
17因为恶人的膀臂必被折断,耶和华却扶持义人。
18Nalalaman ng Panginoon ang kaarawan ng sakdal: at ang kanilang mana ay magiging sa magpakailan man.
18耶和华眷顾完全人在世的日子,他们的产业必存到永远。
19Hindi sila mangapapahiya sa panahon ng kasamaan: at sa mga kaarawan ng kagutom ay mangabubusog sila.
19在患难的时候,他们必不蒙羞;在饥荒的日子,他们必得饱足。
20Nguni't ang masama ay mamamatay, at ang mga kaaway ng Panginoon ay magiging gaya ng taba ng mga kordero: sila'y mangapupugnaw: sa usok mangapupugnaw sila.
20恶人却必灭亡;耶和华的仇敌好像草场的华美,他们必要消失,像烟一般消失。
21Ang masama ay humihiram, at hindi nagsasauli: nguni't ang matuwid ay nahahabag, at nagbibigay.
21恶人借贷总不偿还,义人却慷慨施舍。
22Sapagka't ang mga gayong pinagpala ng Panginoon ay mangagmamana ng lupain; at silang sinumpa niya ay mahihiwalay.
22蒙耶和华赐福的,必承受地土;受他咒诅的,必被剪除。
23Ang lakad ng tao ay itinatag ng Panginoon; at siya'y nasasayahan sa kaniyang lakad.
23人的脚步是耶和华立定的,他的道路也是耶和华喜悦的。
24Bagaman siya'y mabuwal, hindi siya lubos na mapapahiga: Sapagka't inaalalayan siya ng Panginoon ng kaniyang kamay.
24他虽然跌跤,却不至仆倒;因为耶和华用手扶持他。
25Ako'y naging bata, at ngayo'y matanda; gayon ma'y hindi ko nakita ang matuwid na pinabayaan, ni ang kaniyang lahi man ay nagpapalimos ng tinapay.
25我从前年幼,现在年老,从未见过义人被弃,也从未见过他的后裔讨饭。
26Lahat ng araw ay nahahabag, at nagpapahiram; at ang kaniyang lahi ay pinagpapala.
26他常常慷慨借给人;他的后裔必定蒙福。
27Ikaw ay humiwalay sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti; at manahan ka magpakailan man.
27应当离恶行善,你就可以永远安居。
28Sapagka't iniibig ng Panginoon ang kahatulan, at hindi pinababayaan ang kaniyang mga banal; sila'y iniingatan magpakailan man: nguni't ang lahi ng masama ay mahihiwalay.
28因为耶和华喜爱公正,也不撇弃他的圣民;他们必永远蒙庇佑,恶人的后裔却必被剪除。
29Mamanahin ng matuwid ang lupain, at tatahan doon magpakailan man.
29义人必承受地土,永远居住在自己的地上。
30Ang bibig ng matuwid ay nangungusap ng karunungan, at ang kaniyang dila ay nagsasalita ng kahatulan.
30义人的口说出智慧,他的舌头讲论正义。
31Ang kautusan ng kaniyang Dios ay nasa kaniyang puso, walang madudulas sa kaniyang mga hakbang.
31 神的律法在他心里,他的脚步必不滑跌。
32Inaabatan ng masama ang matuwid, at pinagsisikapang patayin niya siya.
32恶人窥伺义人,想要杀死他。
33Hindi siya iiwan ng Panginoon sa kaniyang kamay, ni parurusahan man siya pagka siya'y nahatulan.
33耶和华必不把他撇弃在恶人的手中,在审判的时候,也不定他的罪。
34Hintayin mo ang Panginoon, at ingatan mo ang kaniyang daan, at ibubunyi ka upang manahin mo ang lupain: pagka nahiwalay ang masama, iyong makikita.
34你要等候耶和华,谨守他的道;他必高举你,使你承受地土;恶人被剪除的时候,你必看见。
35Aking nakita ang masama sa malaking kapangyarihan, at lumalaganap na gaya ng sariwang punong kahoy sa kaniyang lupang tinubuan.
35我曾看见强暴的恶人兴旺,像树木在本土茂盛。
36Nguni't may dumaan at, narito, wala na siya: Oo, hinanap ko siya, nguni't hindi siya masumpungan.
36但他很快就消逝,不再存在了;我寻找他,却找不到。
37Tandaan mo ang sakdal na tao, at masdan mo ang matuwid: sapagka't may isang maligayang wakas sa taong may kapayapaan.
37你要细察完全人,观看正直人;因为爱和平的必有后代。
38Tungkol sa mga mananalangsang, mangalilipol silang magkakasama: ang huling wakas ng masama ay mahihiwalay.
38犯罪的人必一同灭绝,恶人的后代必被剪除。
39Nguni't ang kaligtasan ng matuwid ay sa Panginoon: siya'y ang kanilang kuta sa panahon ng kabagabagan.
39义人的拯救是由耶和华而来;在患难的时候,他作他们的避难所。
40At sila'y tinutulungan ng Panginoon, at sinasagip sila: sinasagip niya sila sa masama, at inililigtas sila. Sapagka't sila'y nagsipagkanlong sa kaniya.
40耶和华帮助他们,搭救他们;他搭救他们脱离恶人,拯救他们,因为他们投靠他。