Tagalog 1905

聖經新譯本 (Simplified)

Psalms

38

1Oh Panginoon, huwag mo akong sawayin sa iyong pag-iinit: ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob.
1大卫的记念诗。耶和华啊!求你不要在忿怒中责备我,也不要在烈怒中管教我。
2Sapagka't ang iyong mga pana ay nagsitimo sa akin, at pinipisil akong mainam ng iyong kamay.
2因为你的箭射入我身,你的手压住我。
3Walang kagalingan sa aking laman dahil sa iyong pagkagalit; ni may kaginhawahan man sa aking mga buto dahil sa aking kasalanan.
3因你的忿怒,我体无完肤;因我的罪恶,我的骨头都不安妥。
4Sapagka't ang aking mga kasamaan ay nagsidaan sa ibabaw ng aking ulo: gaya ng isang pasang mabigat ay napakabigat sa akin.
4我的罪孽高过我的头,如同重担,使我担当不起。
5Ang aking mga sugat ay mabaho, at putokputok, dahil sa aking kamangmangan.
5因为我的愚昧,我的伤口发臭流脓。
6Ako'y nahirapan at ako'y nahukot; ako'y tumatangis buong araw.
6我屈身弯腰,弯到极低,整天哀痛,到处行走。
7Sapagka't ang aking mga balakang ay lipos ng hirap; at walang kagalingan sa aking laman.
7我的两腰灼痛,我体无完肤。
8Ako'y nanglalata, at bugbog na mainam: ako'y umangal dahil sa kaba ng aking loob.
8我已经疲乏无力,被压得粉碎了;我因心里痛苦而唉哼。
9Panginoon, lahat ng aking nais ay nasa harap mo; at ang aking hibik ay hindi lingid sa iyo.
9主啊!我的心愿都在你面前,我不向你隐瞒我的叹息。
10Ang aking loob ay kakabakaba, ang aking kalakasan ay nanglalata: tungkol sa liwanag ng aking mga mata, ay napawi rin ito sa akin.
10我的心剧烈跳动,我的力量衰退;连我眼中的光彩也消逝了。
11Ang mga mangliligaw at mga kaibigan ko ay nangatayong malayo sa aking paghihirap; at ang aking mga kamaganak ay nakalayo.
11我的良朋密友因我的灾祸,都站到一旁去;我的亲人也都站得远远的。
12Sila namang nangaguusig ng aking buhay ay nangaglagay ng mga silo na ukol sa akin; at silang nagsisihanap ng aking ikapapahamak ay nangagsasalita ng mga masasamang bagay, at nangagiisip ng pagdaraya buong araw.
12那些寻索我命的,设下网罗;那些想要害我的,口说威吓的话,他们整天思想诡计。
13Nguni't ako'y gaya ng binging tao, na hindi nakakarinig; at ako'y gaya ng piping tao, na hindi ibinubuka ang kaniyang bibig.
13至于我,像个聋子,不能听见;像个哑巴,不能开口。
14Oo, ako'y gaya ng tao na hindi nakakarinig, at sa kaniyang bibig ay walang mga kasawayan.
14我竟变成了一个像是不能听见的人,变成了一个口中不能反驳的人。
15Sapagka't sa iyo, Oh Panginoon ay umaasa ako: ikaw ay sasagot, Oh Panginoon kong Dios.
15耶和华啊!我等候你;主我的 神啊!你必应允我。
16Sapagka't aking sinabi: Baka ako'y kagalakan nila: pagka ang aking paa ay nadudulas, ay nagsisipagmataas sila laban sa akin.
16因为我曾说:“你要让他们向我夸耀;我的脚滑跌的时候,不要让他们向我夸口。”
17Sapagka't ako'y madali ng mahulog, at ang aking kapanglawan ay laging nasa harap ko.
17我随时会跌倒,我的痛苦常在我面前。
18Sapagka't aking ipahahayag ang aking kasamaan; aking ikamamanglaw ang aking kasalanan.
18我要承认我的罪孽,我要因我的罪忧伤。
19Nguni't ang aking mga kaaway ay buhay at malalakas: at silang nangagtatanim sa akin na may kamalian ay dumami.
19但我强悍的仇敌众多,无理憎恨我的不断增加。
20Sila namang nangagbabayad ng kasamaan sa mabuti ay mga kaaway ko, sapagka't aking sinunod ang bagay na mabuti.
20那些以恶报善的都与我作对,因为我追求良善。
21Huwag mo akong pabayaan, Oh Panginoon: Oh Dios ko, huwag kang lumayo sa akin.
21耶和华啊!求你不要离弃我;我的 神啊,求你不要远离我。
22Magmadali kang tulungan mo ako, Oh Panginoon na aking kaligtasan.
22拯救我的主啊!求你快来帮助我。