Tagalog 1905

Young`s Literal Translation

Isaiah

42

1Narito, ang aking lingkod, na aking inaalalayan; ang aking hinirang, na kinalulugdan ng aking kaluluwa; isinakaniya ko ang aking Espiritu; siya'y maglalapat ng kahatulan sa mga bansa.
1Lo, My servant, I take hold on him, My chosen one — My soul hath accepted, I have put My Spirit upon him, Judgment to nations he bringeth forth.
2Siya'y hindi hihiyaw, o maglalakas man ng tinig, o iparirinig man ang kaniyang tinig sa lansangan.
2He doth not cry, nor lift up, Nor cause his voice to be heard, in the street.
3Ang gapok na tambo ay hindi niya babaliin, ni ang timsim na umuusok ay hindi niya papatayin: siya'y maglalapat ng kahatulan sa katotohanan.
3A bruised reed he breaketh not, And dim flax he quencheth not, To truth he bringeth forth judgment.
4Siya'y hindi manglulupaypay o maduduwag man, hanggang sa maitatag niya ang kahatulan sa lupa; at ang mga pulo ay maghihintay sa kaniyang kautusan.
4He doth not become weak nor bruised, Till he setteth judgment in the earth, And for his law isles wait with hope.
5Ganito ang sabi ng Dios na Panginoon, na lumikha ng langit, at nagladlad ng mga yaon; siyang naglatag ng lupa at ng nagsisilitaw rito; siyang nagbibigay ng hinga sa bayang nito, at ng diwa sa kanila na nagsisilakad dito:
5Thus said God, Jehovah, preparing The heavens, and stretching them out, Spreading out the earth and its productions, Giving breath to the people on it, And spirit to those walking in it.
6Ako, ang Panginoon, ay tumawag sa iyo sa katuwiran, at hahawak ng iyong kamay, at magiingat sa iyo, at ibibigay kita na pinakatipan sa bayan, na pinakaliwanag sa mga bansa;
6I, Jehovah, did call thee in righteousness, And I lay hold on thy hand, and keep thee, And I give thee for a covenant of a people, And a light of nations.
7Upang magdilat ng mga bulag na mata, upang maglabas ng mga bilanggo sa bilangguan, at nilang nangauupo sa kadiliman mula sa bilangguan.
7To open the eyes of the blind, To bring forth from prison the bound one, From the house of restraint those sitting in darkness.
8Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.
8I [am] Jehovah, this [is] My name, And Mine honour to another I give not, Nor My praise to graven images.
9Narito, ang mga dating bagay ay nangyayari na, at ang mga bagong bagay ay ipinahahayag ko: bago mangalitaw ay sinasaysay ko sa inyo.
9The former things, lo, have come, And new things I am declaring, Before they spring up I cause you to hear.
10Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit, at ng kapurihan niya na mula sa wakas ng lupa; kayong nagsisibaba sa dagat, at ang buong nariyan, ang mga pulo, at mga nananahan doon,
10Sing to Jehovah a new song, His praise from the end of the earth, Ye who are going down to the sea, and its fulness, Isles, and their inhabitants.
11Mangaglakas ng kanilang tinig ang ilang at ang mga bayan niyaon, ang mga nayon na tinatahanan ng Cedar: magsiawit ang mga nananahan sa Selah, magsihiyaw sila mula sa mga taluktok ng mga bundok.
11The wilderness and its cities do lift up [the voice], The villages Kedar doth inhabit, Sing do the inhabitants of Sela, From the top of mountains they cry.
12Mangagbigay luwalhati sila sa Panginoon, at mangagpahayag ng kaniyang kapurihan sa mga pulo.
12They ascribe to Jehovah honour, And His praise in the isles they declare.
13Ang Panginoon ay lalabas na parang makapangyarihang lalake; siya'y pupukaw ng paninibugho na parang lalaking mangdidigma: siya'y hihiyaw, oo, siya'y hihiyaw ng malakas; siya'y gagawang makapangyarihan laban sa kaniyang mga kaaway.
13Jehovah as a mighty one goeth forth. As a man of war He stirreth up zeal, He crieth, yea, He shrieketh, Against His enemies He showeth Himself mighty.
14Ako'y tumahimik ng malaon; ako'y hindi kumibo, at nagpigil ako: ngayo'y hihiyaw akong parang nagdaramdam na babae; ako'y manggigiba at mananakmal na paminsan.
14I have kept silent from of old, I keep silent, I refrain myself, As a travailing woman I cry out, I desolate and swallow up together.
15Aking gagawing giba ang mga bundok at mga burol, at tutuyuin ko ang lahat nilang mga pananim; at gagawin kong mga pulo ang mga ilog, at aking tutuyuin ang mga lawa.
15I make waste mountains and hills, And all their herbs I dry up, And I have made rivers become isles, And ponds I dry up.
16At aking dadalhin ang bulag sa daan na hindi nila nalalaman; sa mga landas na hindi nila nalalaman ay papatnubayan ko sila; aking gagawing kadiliman ang liwanag sa harap nila, at mga likong daan ang matuwid. Ang mga bagay na ito ay aking gagawin, at hindi ko kalilimutan sila.
16And I have caused the blind to go, In a way they have not known, In paths they have not known I cause them to tread, I make a dark place before them become light, And unlevelled places become a plain, These [are] the things I have done to them, And I have not forsaken them.
17Sila'y mangapapaurong, sila'y mangapapahiyang mainam, na nagsisitiwala sa mga larawang inanyuan, na nangagsasabi sa mga larawang binubo, Kayo'y aming mga dios.
17Removed backward — utterly ashamed, Are those trusting in a graven image, Those saying to a molten image, `Ye [are] our gods.`
18Makinig kayong mga bingi; at tumingin kayong mga bulag, upang kayo'y mangakakita.
18Ye deaf, hear; and ye blind, look to see.
19Sino ang bulag kundi ang aking lingkod? o ang bingi, na gaya ng aking sugo na aking sinusugo? sino ang bulag na gaya niya na nasa kapayapaan sa akin, at bulag na gaya ng lingkod ng Panginoon?
19Who [is] blind but My servant? And deaf as My messenger I send? Who [is] blind as he who is at peace, Yea, blind, as the servant of Jehovah?
20Ikaw ay nakakakita ng maraming bagay, nguni't hindi mo binubulay; ang kaniyang mga tainga ay bukas, nguni't hindi niya dininig.
20Seeing many things, and thou observest not, Opening ears, and he heareth not.
21Kinalulugdan ng Panginoon dahil sa kaniyang katuwiran, na dakilain ang kautusan, at gawing marangal.
21Jehovah hath delight for the sake of His righteousness, He magnifieth law, and maketh honourable.
22Nguni't ito ay isang bayang nanakaw at nasamsam; silang lahat ay nangasilo sa mga hukay, at sila'y nangakubli sa mga bilangguan: sila'y pinaka huli at walang magligtas; pinaka samsam, at walang magsabi, Iyong papanumbalikin.
22And this [is] a people seized and spoiled, Snared in holes — all of them, And in houses of restraint they were hidden, They have been for a prey, And there is no deliverer, A spoil, and none is saying, `Restore.`
23Sino sa gitna ninyo ang makikinig nito? na makikinig at didinig para sa panahong darating?
23Who among you giveth ear [to] this? Attendeth, and heareth afterwards.
24Sino ang nagbigay ng Jacob na pinaka samsam, at ng Israel sa mga magnanakaw? di baga ang Panginoon? na laban sa kaniya ay nangagkasala tayo, at sa mga daan niya ay hindi sila nagsilakad, o naging masunurin man sila sa kaniyang kautusan.
24Who hath given Jacob for a spoil, And Israel to the spoilers? Is it not Jehovah — He against whom we sinned? Yea, they have not been willing in His ways to walk, Nor have they hearkened to His law.
25Kaya't ibinugso niya sa kaniya ang pusok ng kaniyang galit, at ang lakas ng pakikipagbaka; at sinulsulan siya ng apoy sa palibot, gayon ma'y hindi niya naalaman; at sinunog siya, gayon ma'y hindi siya naglagak ng kalooban.
25And He poureth on him fury, His anger, and the strength of battle, And it setteth him on fire round about, And he hath not known, And it burneth against him, and he layeth it not to heart!