1Nguni't ngayo'y ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, Oh Jacob, at naganyo sa iyo, Oh Israel, Ikaw ay huwag matakot, sapagka't tinubos kita; tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin.
1And now, thus said Jehovah, Thy Creator, O Jacob, and thy Fashioner, O Israel, Be not afraid, for I have redeemed thee, I have called on thy name — thou [art] Mine.
2Pagka ikaw ay dumaraan sa tubig, ako'y sasaiyo; at sa mga ilog ay hindi ka tatakpan niyaon: pagka ikaw ay lumalakad sa apoy, hindi ka masusunog; o magniningas man ang alab sa iyo.
2When thou passest into waters, I [am] with thee, And into floods, they do not overflow thee, When thou goest into fire, thou art not burnt, And a flame doth not burn against thee.
3Sapagka't ako ang Panginoon mong Dios, ang Banal ng Israel, ang Tagapagligtas sa iyo; aking ibinigay na pinakatubos sa iyo ang Egipto, ang Etiopia at ang Seba.
3For I — Jehovah thy God, The Holy One of Israel, thy Saviour, I have appointed Egypt thine atonement, Cush and Seba in thy stead.
4Yamang ikaw ay naging mahalaga sa aking paningin, at kagalanggalang, at aking inibig ka; kaya't magbibigay ako ng mga tao na pinakatubos sa iyo, at ng mga bayan na pinakatubos sa iyong buhay.
4Since thou wast precious in Mine eyes, Thou wast honoured, and I have loved thee, And I appoint men in thy stead, And peoples instead of thy life.
5Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran;
5Be not afraid, for I [am] with thee, From the east I bring in thy seed, And from the west I gather thee.
6Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa;
6I am saying to the north, `Give up,` And to the south, `Restrain not.` Bring in My sons from afar, And My daughters from the end of the earth.
7Bawa't tinatawag sa aking pangalan, at yaong aking nilikha ay sa aking kaluwalhatian, yaong aking inanyuan oo, yaong aking ginawa.
7Every one who is called by My name, Even for My honour I have created him, I have formed him, yea, I have made him.
8Iyong ilabas ang bulag na bayan na may mga mata, at ang bingi may mga tainga.
8He brought out a blind people who have eyes, And deaf ones who have ears.
9Mapisan ang lahat na bansa, at magpulong ang mga bayan: sino sa gitna nila ang makapagpapahayag nito, at makapagpapakita sa amin ng mga dating bagay? dalhin nila ang kanilang mga saksi, upang sila'y mapatotohanan: o dinggin nila, at magsabi, Katotohanan nga.
9All the nations have been gathered together, And the peoples are assembled, Who among them declareth this, And former things causeth us to hear? They give their witnesses, And they are declared righteous, And they hear and say, `Truth.`
10Kayo'y aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at aking lingkod na aking pinili: upang inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa akin, at inyong matalastas na ako nga; walang Dios na inanyuan na una sa akin, o magkakaroon man pagkatapos ko.
10Ye [are] My witnesses, an affirmation of Jehovah, And My servant whom I have chosen, So that ye know and give credence to Me, And understand that I [am] He, Before Me there was no God formed, And after Me there is none.
11Ako, sa makatuwid baga'y ako, ang Panginoon; at liban sa akin ay walang tagapagligtas.
11I — I [am] Jehovah, And besides Me there is no saviour.
12Ako'y nagpahayag, at ako'y nagligtas, at ako'y nagpakilala, at walang ibang dios sa gitna ninyo: kaya't kayo ang aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at ako ang Dios.
12I — I declared, and saved, and proclaimed, And there is no stranger with you, And ye [are] My witnesses, an affirmation of Jehovah, And I [am] God.
13Oo, mula nang magkaroon ng araw ay ako nga; at walang sinomang makapagliligtas sa aking kamay: ako'y gagawa, at sinong pipigil?
13Even from the day I [am] He, And there is no deliverer from My hand, I work, and who doth turn it back?
14Ganito ang sabi ng Panginoon, na inyong Manunubos, na Banal ng Israel, Dahil sa inyo ay nagsugo ako sa Babilonia, at aking ibababa silang lahat na parang mga palaboy, sa makatuwid baga'y ang mga Caldeo, sa mga sasakyang dagat ng kaniyang kagalakan.
14Thus said Jehovah, your Redeemer, The Holy One of Israel: `For your sake I have sent to Babylon, And caused bars to descend — all of them, And the Chaldeans, whose song [is] in the ships.
15Ako ang Panginoon, na inyong Banal, ang Maylalang ng Israel, na inyong Hari.
15I [am] Jehovah, your Holy One, Creator of Israel, your King.`
16Ganito ang sabi ng Panginoon, na gumagawa ng daan sa dagat, ng landas sa mga malawak na tubig;
16Thus said Jehovah, Who is giving in the sea a way, And in the strong waters a path.
17Na pinalabas ang karo at kabayo, ang hukbo at ang kapangyarihan (sila'y nangahihigang magkakasama, sila'y hindi na magsisibangon; sila'y nangamamatay na parang timsim):
17Who is bringing forth chariot and horse, A force, even a strong one: `Together they lie down — they rise not, They have been extinguished, As flax they have been quenched.`
18Huwag ninyong alalahanin ang mga dating bagay, o bulayin man ang mga bagay ng una.
18Remember not former things, And ancient things consider not.
19Narito, ako'y gagawa ng bagong bagay; ngayon yao'y lalabas; hindi baga ninyo malalaman yaon? gagawa rin ako ng daan sa lupang masukal, at mga ilog sa ilang.
19Lo, I am doing a new thing, now it springeth up, Do ye not know it? Yea, I put in a wilderness a way, In a desolate place — floods.
20Pararangalan ako ng mga hayop sa parang, ng mga chakal at ng mga avestruz: sapagka't ako'y nagbibigay ng tubig sa lupaing masukal, at ng mga ilog sa ilang, upang painumin ang aking bayan, na aking pinili,
20Honour me doth the beast of the field, Dragons and daughters of an ostrich, For I have given in a wilderness waters, Floods in a desolate place, To give drink to My people — My chosen.
21Ang bayan, na aking inanyuan para sa aking sarili, upang kanilang maihayag ang aking kapurihan.
21This people I have formed for Myself, My praise they recount.
22Gayon ma'y hindi ka tumawag sa akin, Oh Jacob; kundi ikaw ay nayamot sa akin, Oh Israel.
22And Me thou hast not called, O Jacob, For thou hast been wearied of me, O Israel,
23Hindi mo dinala sa akin ang mga tupa't kambing na iyong mga pinakahandog na susunugin; o pinarangalan mo man ako ng iyong mga hain. Hindi kita pinapaglingkod ng mga handog, o niyamot man kita ng kamangyan.
23Thou hast not brought in to Me, The lamb of thy burnt-offerings, And [with] thy sacrifices thou hast not honoured Me, I have not caused thee to serve with a present, Nor wearied thee with frankincense.
24Hindi mo ako ibinili ng mabangong kalamo sa halaga ng salapi, o binusog mo man ako ng taba ng iyong mga hain: kundi pinapaglingkod mo ako ng iyong mga kasalanan, iyong niyamot ako ng iyong mga kasamaan.
24Thou hast not bought for Me with money sweet cane, And [with] the fat of thy sacrifices hast not filled Me, Only — thou hast caused Me to serve with thy sins, Thou hast wearied Me with thine iniquities.
25Ako, ako nga ay siyang pumapawi ng iyong mga pagsalangsang alang-alang sa akin; at hindi ko aalalahanin ang iyong mga kasalanan.
25I — I [am] He who is blotting out Thy transgressions for Mine own sake, And thy sins I do not remember.
26Ipaalaala mo ako; tayo'y kapuwa magkatuwiranan: ilabas mo ang iyong usap, upang ikaw ay mapatotohanan.
26Cause me to remember — we are judged together, Declare thou that thou mayest be justified.
27Ang iyong pangunang ama ay nagkasala, at ang iyong mga tagapagpaaninaw ay nagsisalangsang laban sa akin.
27Thy first father sinned, And thine interpreters transgressed against me,
28Kaya't aking dudumhan ang mga pangulo ng santuario, at gagawin kong sumpa ang Jacob, at isang kadustaan ang Israel.
28And I pollute princes of the sanctuary, And I give Jacob to destruction, and Israel to revilings!