Tagalog 1905

Young`s Literal Translation

Isaiah

44

1Gayon ma'y dinggin mo ngayon, Oh Jacob na aking lingkod, at Israel, na aking pinili:
1And now, hear, O Jacob, My servant, And Israel, whom I have fixed on:
2Ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, at nagbigay anyo sa iyo mula sa bahay-bata, na siyang tutulong sa iyo; Ikaw ay huwag matakot, Oh Jacob na aking lingkod; at ikaw Jeshurun, na aking pinili.
2Thus said Jehovah, thy Maker, and thy Former, From the womb He doth help thee; Fear not, my servant Jacob, And Jeshurun, whom I have fixed on.
3Sapagka't ipagbubuhos ko ng tubig siya na uhaw, at ng mga bukal ang tuyong lupa; aking ibubuhos ang aking Espiritu sa iyong lahi, at ang aking pagpapala sa iyong suwi:
3For I pour waters on a thirsty one, And floods on a dry land, I pour My Spirit on thy seed, And My blessing on thine offspring.
4At sila'y sisibol sa gitna ng damo, gaya ng mga sauce sa tabi ng mga batis.
4And they have sprung up as among grass, As willows by streams of water.
5Sasabihin ng isa, Ako'y sa Panginoon; at magpapangalan ang iba ng pangalang Jacob; at magsusulat ang iba ng kaniyang kamay ng sa Panginoon, at magpapamagat ng pangalan ng Israel.
5This [one] saith, For Jehovah I [am], And this calleth [himself] by the name of Jacob, And this [one] writeth [with] his hand, `For Jehovah,` and by the name of Israel surnameth himself.
6Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, na Panginoon ng mga hukbo, Ako ang una, at ako ang huli; at liban sa akin ay walang Dios.
6Thus said Jehovah, king of Israel, And his Redeemer, Jehovah of Hosts: `I [am] the first, and I the last, And besides Me there is no God.
7At sino, na gaya ko, tatawag, at magpapahayag, at magaayos sa ganang akin, mula nang aking itatag ang matandang bayan? at ang mga bagay na dumarating, at ang mangyayari, ay ipahahayag nila.
7And who as I, doth call and declare it, And arrange it for Me, Since My placing the people of antiquity, And things that are coming, And those that do come, declare they to them?
8Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba.
8Fear not, nor be afraid, Have I not from that time caused thee to hear, and declared? And ye [are] My witnesses, Is there a God besides Me? yea, there is none, A Rock I have not known.
9Silang nangagbibigay anyo sa larawang inanyuan ay walang kabuluhan silang lahat; at ang kanilang mga bagay na kinaluluguran ay hindi mapapakinabangan: at ang kanilang sariling mga saksi ay hindi nangakakakita, o nangakakaalam man: upang sila'y mangapahiya.
9Framers of a graven image [are] all of them emptiness, And their desirable things do not profit, And their own witnesses they [are], They see not, nor know, that they may be ashamed.
10Sino ang naganyo sa isang dios, o bumubo ng larawang inanyuan na di pakikinabangan sa anoman?
10Who hath formed a god, And a molten image poured out — not profitable?
11Narito, lahat niyang kasama ay mangapapahiya; at ang mga manggagawa ay sa mga tao: mapisan sila, magsitayo sila; sila'y mangatatakot, sila'y mangahihiyang magkakasama.
11Lo, all his companions are ashamed, As to artizans — they [are] of men, All of them gather together, they stand up, They fear, they are ashamed together.
12Ang panday bakal ay gumagawa ng palakol, at gumagawa sa mga baga, at inaanyuan yaon sa pamamagitan ng mga pamukpok, at ginagawa yaon ng kaniyang malakas na bisig: oo, siya'y gutom, at ang kaniyang lakas ay nawawala; siya'y hindi umiinom ng tubig, at pata.
12He hath wrought iron [with] an axe, And hath wrought with coals, And with hammers doth form it, And doth work it by his powerful arm, Yea, he is hungry, and there is no power, He doth not drink water, and he is wearied.
13Naguunat ang anluwagi ng isang pising panukat; kaniyang tinatandaan ng lapis; kaniyang inaanyuan sa pamamagitan ng mga katam, at kaniyang tinatandaan ng mga kompas, at inaanyuan ng ayon sa anyo ng tao, ayon sa kagandahan ng tao, upang tumahan sa bahay.
13He hath wrought [with] wood, He hath stretched out a rule, He doth mark it out with a line, He maketh it with carving tools, And with a compass he marketh it out, And maketh it according to the form of a man, According to the beauty of a man, To remain in the house.
14Pumuputol siya sa ganang kaniya ng mga cedro, at kumukuha ng puno ng roble at ng encina, at pinatitibay sa ganang kaniyang sarili ang isa sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat: siya'y nagtatanim ng puno ng abeto, at yao'y kinakandili ng ulan.
14Cutting down to himself cedars, He taketh also a cypress, and an oak, And he strengtheneth [it] for himself Among the trees of a forest, He hath planted an ash, and the shower doth nourish [it].
15Kung magkagayo'y ilalaan sa tao upang ipanggatong; at kumukuha siya niyaon, at nagpapainit; oo, kaniyang pinaliliyaban yaon, at ipinagluluto ng tinapay: oo, kaniyang ginagawang isang dios, at sinasamba; ginagawa niyang larawang inanyuan, at pinagpapatirapaan.
15And it hath been for man to burn, And he taketh of them, and becometh warm, Yea, he kindleth [it], and hath baked bread, Yea, he maketh a god, and boweth himself, He hath made it a graven image, And he falleth down to it.
16Kaniyang iginagatong ang bahagi niyaon sa apoy; ang bahagi niyaon ay ikinakain niya ng karne; siya'y nagiihaw ng iihawin, at nabubusog: oo, siya'y nagpapainit, at nagsasabi, Aha, ako'y naiinitan, aking nakita ang apoy:
16Half of it he hath burnt in the fire, By [this] half of it he eateth flesh, He roasteth a roasting, and is satisfied, Yea, he is warm, and saith: `Aha, I have become warm, I have enjoyed the light.
17At ang labis niyaon ay ginagawa niyang dios, sa makatuwid baga'y kaniyang larawang inanyuan: kaniyang pinagpapatirapaan at sinasamba, at dinadalanginan, at nagsasabi, Iligtas mo ako; sapagka't ikaw ay aking dios.
17And its remnant for a god he hath made — For his graven image, He falleth down to it, and worshippeth, And prayeth unto it, and he saith, `Deliver me, for my god thou [art].`
18Hindi sila mangakakaalam, o nagsisigunita man: sapagka't ipinikit niya ang kanilang mga mata, upang sila'y huwag mangakakita; at ang kanilang mga puso, upang huwag silang mangakaunawa.
18They have not known, nor do they understand, For He hath daubed their eyes from seeing, Their heart from acting wisely.
19At walang nagpapaalaala o mayroon mang kaalaman, o unawa upang magsabi, Aking iginatong ang bahagi niyaon sa apoy; oo, ako naman ay nagluto ng tinapay sa mga baga niyaon; ako'y nagihaw ng karne at kinain ko: at gagawin ko baga ang nalabi niyaon na pinaka kasuklamsuklam? magpapatirapa baga ako sa puno ng isang punong kahoy?
19And none doth turn [it] back unto his heart, Nor hath knowledge nor understanding to say, `Half of it I have burned in the fire, Yea, also, I have baked bread over its coals, I roast flesh and I eat, And its remnant for an abomination I make, To the stock of a tree I fall down.`
20Siya'y kumain ng abo: iniligaw siya ng nadayang puso, at hindi niya mailigtas ang kaniyang kaluluwa, o makapagsabi, Wala bagang kabulaanan sa aking kanang kamay?
20Feeding on ashes, the heart is deceived, It hath turned him aside, And he delivereth not his soul, nor saith: `Is there not a lie in my right hand?`
21Iyong alalahanin ang mga bagay na ito, Oh Jacob, at Israel; sapagka't ikaw ay aking lingkod: aking inanyuan ka; ikaw ay aking lingkod: Oh Israel, ikaw ay hindi ko malilimutan.
21Remember these, O Jacob, and Israel, For My servant thou [art], I formed thee, a servant to Me thou [art], O Israel, thou dost not forget Me.
22Aking pinawi na parang masinsing ulap ang iyong mga pagsalangsang, at, parang alapaap, ang iyong mga kasalanan: manumbalik ka sa akin; sapagka't tinubos kita.
22I have blotted out, as [by] a thick cloud, Thy transgressions, And as [by] a cloud thy sins, Return unto Me, for I have redeemed thee.
23Magsiawit, Oh kayong mga langit, sapagka't nilikha ng Panginoon; kayo'y magsihiyaw, mga lalong mababang bahagi ng lupa: kayo'y magbiglang magsiawit, kayong mga bundok, Oh gubat, at bawa't punong kahoy na nandiyan: sapagka't tinubos ng Panginoon ang Jacob, at magpapakaluwalhati sa Israel.
23Sing, O heavens, for Jehovah hath wrought, Shout, O lower parts of earth, Break forth, O mountains, with singing, Forest, and every tree in it, For Jehovah hath redeemed Jacob, And in Israel He doth beautify Himself.
24Ganito ang sabi ng Panginoon, ng iyong Manunubos, at niyang naganyo sa iyo mula sa bahay-bata, Ako ang Panginoon na gumagawa ng lahat na bagay; na naglaladlad, na magisa ng langit; na naglalatag ng lupa;
24Thus said Jehovah, thy redeemer, And thy framer from the womb: `I [am] Jehovah, doing all things, Stretching out the heavens by Myself, Spreading out the earth — who [is] with Me?
25Na sumisira ng mga tanda ng mga sinungaling, at nagpapaging ulol sa mga manghuhula; na nagpapaurong sa mga pantas, at nagpapaging kamangmangan ng kanilang kaalaman;
25Making void the tokens of devisers, And diviners it maketh mad, Turning the wise backward, And their knowledge it maketh foolish.
26Na nagpapatatag ng salita ng kaniyang lingkod, at nagsasagawa ng payo ng kaniyang mga sugo; na nagsasabi ng tungkol sa Jerusalem, Siya'y tatahan; at tungkol sa mga bayan ng Juda, Mangatatayo, at aking ibabangon ang mga sirang dako niyaon:
26Confirming the word of His servant, The counsel of His messengers it perfecteth, Who is saying of Jerusalem, She is inhabited, And of cities of Judah, They shall be built, and her wastes I raise up,
27Na nagsasabi sa kalaliman, Ikaw ay matuyo, at aking tutuyuin ang iyong mga ilog;
27Who is saying to the deep, Be dry, and thy rivers I cause to dry up,
28Na nagsasabi tungkol kay Ciro, Siya'y aking pastor, at isasagawa ang lahat kong kaligayahan: na nagsasabi nga rin tungkol sa Jerusalem, Siya'y matatayo; at sa templo, Ang iyong patibayan ay malalagay.
28Who is saying of Cyrus, My shepherd, And all my delight He doth perfect, So as to say of Jerusalem, Thou art built, And of the temple, Thou art founded.