1Nang magkagayo'y sumagot si Zophar na Naamathita, at nagsabi,
1And Zophar the Naamathite answereth and saith: —
2Kaya't nagbibigay sagot sa akin ang aking mga pagiisip, dahil nga sa aking pagmamadali na taglay ko.
2Therefore my thoughts cause me to answer, And because of my sensations in me.
3Aking narinig ang saway na inilalagay ako sa kahihiyan, at ang diwa ng aking pagkaunawa ay sumasagot sa akin.
3The chastisement of my shame I hear, And the spirit of mine understanding Doth cause me to answer:
4Hindi mo ba nalalaman ito ng una, mula nang ang tao'y malagay sa lupa,
4This hast thou known from antiquity? Since the placing of man on earth?
5Na ang pagtatagumpay ng masama ay maikli, at ang kagalakan ng di banal ay sandali lamang?
5That the singing of the wicked [is] short, And the joy of the profane for a moment,
6Bagaman ang kaniyang karilagan ay napaiilanglang hanggang sa langit, at ang kaniyang ulo ay umaabot hanggang sa mga alapaap;
6Though his excellency go up to the heavens, And his head against a cloud he strike —
7Gayon may matutunaw siya magpakailan man, na gaya ng kaniyang sariling dumi: silang nangakakita sa kaniya ay mangagsasabi: Nasaan siya?
7As his own dung for ever he doth perish, His beholders say: `Where [is] he?`
8Siya'y mawawala na gaya ng panaginip, at hindi masusumpungan. Oo, siya'y mawawala na parang pangitain sa gabi.
8As a dream he fleeth, and they find him not, And he is driven away as a vision of the night,
9Ang mata na nakakita sa kaniya ay hindi na siya makikita pa; ni mamamalas pa man siya sa kaniyang pook.
9The eye hath not seen him, and addeth not. And not again doth his place behold him.
10Hahanapin ng kaniyang mga anak ang lingap ng dukha, at ang kaniyang mga kamay ay magsasauli ng kaniyang kayamanan.
10His sons do the poor oppress, And his hands give back his wealth.
11Ang kaniyang mga buto ay puspos ng kaniyang kabataan, nguni't hihiga na kasama niya sa alabok.
11His bones have been full of his youth, And with him on the dust it lieth down.
12Bagaman ang kasamaan ay masarap sa kaniyang bibig, bagaman kaniyang itago sa ilalim ng kaniyang dila;
12Though he doth sweeten evil in his mouth, Doth hide it under his tongue,
13Bagaman kaniyang patawarin, at hindi niya ito babayaan, kundi ingatan pa sa loob ng kaniyang bibig;
13Hath pity on it, and doth not forsake it, And keep it back in the midst of his palate,
14Gayon ma'y ang kaniyang pagkain ay nabago na sa kaniyang tiyan, siyang kamandag ng mga ahas sa loob niya.
14His food in his bowels is turned, The bitterness of asps [is] in his heart.
15Siya'y sumakmal ng mga kayamanan, at kaniyang mga isusuka uli: mga aalisin uli ng Dios sa kaniyang tiyan.
15Wealth he hath swallowed, and doth vomit it. From his belly God driveth it out.
16Kaniyang hihititin ang kamandag ng mga ahas; papatayin siya ng dila ng ulupong.
16Gall of asps he sucketh, Slay him doth the tongue of a viper.
17Hindi niya matitingnan ang mga ilog, ang umaagos na mga bukal ng pulot at mantekilya.
17He looketh not on rivulets, Flowing of brooks of honey and butter.
18Na kaniyang isasauli ang kaniyang pinagpagalan, at hindi lalamunin; ayon sa pag-aari na kaniyang tinangkilik, hindi siya magagalak.
18He is giving back [what] he laboured for, And doth not consume [it]; As a bulwark [is] his exchange, and he exults not.
19Sapagka't kaniyang pinighati at pinabayaan ang dukha; kaniyang kinuhang marahas ang isang bahay; at hindi niya itatayo.
19For he oppressed — he forsook the poor, A house he hath taken violently away, And he doth not build it.
20Sapagka't hindi siya nakakilala ng katiwasayan sa loob niya, hindi siya makapagliligtas ng anoman sa kaniyang kinaluluguran.
20For he hath not known ease in his belly. With his desirable thing he delivereth not himself.
21Walang bagay na naiwan na hindi niya sinakmal; kaya't ang kaniyang kaginhawahan ay hindi mananatili.
21There is not a remnant to his food, Therefore his good doth not stay.
22Sa lubos niyang kasaganaan ay magigipit siya; ang kamay ng bawa't nasa karalitaan ay darating sa kaniya.
22In the fulness of his sufficiency he is straitened. Every perverse hand doth meet him.
23Pagka kaniyang bubusugin ang kaniyang tiyan, ihuhulog ng Dios ang kaniyang mabangis na poot sa kaniya. At ibubugso sa kaniya samantalang siya'y kumakain.
23It cometh to pass, at the filling of his belly, He sendeth forth against him The fierceness of His anger, Yea, He raineth on him in his eating.
24Kaniyang tatakasan ang sandatang bakal, at ang busog na tanso ay hihilagpos sa kaniya.
24He fleeth from an iron weapon, Pass through him doth a bow of brass.
25Binubunot niya ang pana, at lumalabas sa kaniyang katawan: Oo, ang makintab na talim ay lumalabas mula sa kaniyang apdo; mga kakilabutan ang sumasa kaniya.
25One hath drawn, And it cometh out from the body, And a glittering weapon from his gall proceedeth. On him [are] terrors.
26Lahat na kadiliman ay nalalagay na mga pinakakayamanan niya; isang apoy na hindi hinipan ng tao ay susupok sa kaniya: susupukin niyaon ang naiwan sa kaniyang tolda.
26All darkness is hid for his treasures, Consume him doth a fire not blown, Broken is the remnant in his tent.
27Ihahayag ng mga langit ang kaniyang kasamaan, at ang lupa ay babangon laban sa kaniya.
27Reveal do the heavens his iniquity, And earth is raising itself against him.
28Ang pakinabang ng kaniyang bahay ay yayaon, ang kaniyang mga pag-aari ay huhuho sa kaarawan ng kaniyang kapootan.
28Remove doth the increase of his house, Poured forth in a day of His anger.
29Ito ang bahagi ng masamang tao mula sa Dios, at ang manang takda sa kaniya ng Dios.
29This [is] the portion of a wicked man from God. And an inheritance appointed him by God.