1Gayon man, Job, isinasamo ko sa iyo na, dinggin mo ang aking pananalita, at pakinggan mo ang lahat ng aking mga salita.
1And yet, I pray thee, O Job, Hear my speech and [to] all my words give ear.
2Narito, ngayon ay aking ibinuka ang aking bibig; nagsalita ang aking dila sa aking bibig.
2Lo, I pray thee, I have opened my mouth, My tongue hath spoken in the palate.
3Sasaysayin ng aking mga salita ang katuwiran ng aking puso; at ang nalalaman ng aking mga labi ay sasalitaing may pagtatapat.
3Of the uprightness of my heart [are] my sayings, And knowledge have my lips clearly spoken.
4Nilalang ako ng Espiritu ng Dios, at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay.
4The Spirit of God hath made me, And the breath of the Mighty doth quicken me.
5Kung ikaw ay makasasagot ay sumagot ka sa akin; ayusin mo ang iyong mga salita sa harap ko, tumayo ka.
5If thou art able — answer me, Set in array before me — station thyself.
6Narito, ako'y sa Dios na gaya mo: ako ma'y nilalang mula rin sa putik.
6Lo, I [am], according to thy word, for God, From the clay I — I also, have been formed.
7Narito, hindi ka tatakutin ng aking kakilabutan, ni ang aking kalakhan man ay magiging mabigat sa iyo.
7Lo, my terror doth not frighten thee, And my burden on thee is not heavy.
8Tunay na ikaw ay nagsalita sa aking pakinig, at aking narinig ang tinig ng iyong mga salita, na nagsasabi,
8Surely — thou hast said in mine ears, And the sounds of words I hear:
9Ako'y malinis na walang pagsalangsang; ako'y walang sala, ni may kasamaan man sa akin:
9`Pure [am] I, without transgression, Innocent [am] I, and I have no iniquity.
10Narito, siya'y nakasumpong ng kadahilanan laban sa akin, ibinilang niya ako na pinakakaaway:
10Lo, occasions against me He doth find, He doth reckon me for an enemy to Him,
11Inilagay niya ang aking mga paa sa mga pangawan, kaniyang pinupuna ang lahat na aking landas.
11He doth put in the stocks my feet, He doth watch all my paths.`
12Narito, ako'y sasagot sa iyo, dito'y hindi ka ganap; sapagka't ang Dios ay dakila kay sa tao.
12Lo, [in] this thou hast not been righteous, I answer thee, that greater is God than man.
13Bakit ka nakikilaban sa kaniya? Sapagka't hindi siya nagbibigay alam ng anoman sa kaniyang mga usap.
13Wherefore against Him hast thou striven, When [for] all His matters He answereth not?
14Sapagka't ang Dios ay minsang nagsasalita, Oo, makalawa, bagaman hindi pinakikinggan ng tao.
14For once doth God speak, and twice, (He doth not behold it.)
15Sa isang panaginip, sa isang pangitain sa gabi, pagka ang mahimbing na pagkakatulog ay nahuhulog sa mga tao, sa mga pagkakatulog sa higaan;
15In a dream — a vision of night, In the falling of deep sleep on men, In slumberings on a bed.
16Kung magkagayo'y ibinubukas niya ang mga pakinig ng mga tao, at itinatatak ang kanilang turo,
16Then He uncovereth the ear of men, And for their instruction sealeth:
17Upang ihiwalay ang tao sa kaniyang panukala, at ikubli ang kapalaluan sa tao;
17To turn aside man [from] doing, And pride from man He concealeth.
18Kaniyang pinipigil ang kaniyang kaluluwa sa pagbulusok sa hukay, at ang kaniyang buhay sa pagkamatay sa pamamagitan ng tabak.
18He keepeth back his soul from corruption, And his life from passing away by a dart.
19Siya nama'y pinarurusahan ng sakit sa kaniyang higaan, at ng palaging antak sa kaniyang mga buto:
19And he hath been reproved With pain on his bed, And the strife of his bones [is] enduring.
20Na anopa't kinayayamutan ng kaniyang buhay ang tinapay, at ng kaniyang kaluluwa ang pagkaing pinakamasarap,
20And his life hath nauseated bread, And his soul desirable food.
21Ang kaniyang laman ay natutunaw, na hindi makita; at ang kaniyang mga buto na hindi nakita ay nangalilitaw.
21His flesh is consumed from being seen, And high are his bones, they were not seen!
22Oo, ang kaniyang kaluluwa ay nalalapit sa hukay, at ang kaniyang buhay sa mga mangwawasak.
22And draw near to the pit doth his soul, And his life to those causing death.
23Kung doroong kasama niya ang isang anghel, isang tagapagpaaninaw, na isa sa gitna ng isang libo, upang ipakilala sa tao kung ano ang matuwid sa kaniya;
23If there is by him a messenger, An interpreter — one of a thousand, To declare for man his uprightness:
24Kung magkagayo'y binibiyayaan niya siya at nagsasabi, Iligtas mo siya sa pagbaba sa hukay, ako'y nakasumpong ng katubusan.
24Then He doth favour him and saith, `Ransom him from going down to the pit, I have found an atonement.`
25Ang kaniyang laman ay magiging sariwa kay sa laman ng isang bata; siya'y bumabalik sa mga kaarawan ng kaniyang kabataan:
25Fresher [is] his flesh than a child`s, He returneth to the days of his youth.
26Siya'y dumadalangin sa Dios, at nililingap niya siya: na anopa't kaniyang nakikita ang kaniyang mukha na may kagalakan: at kaniyang isinasa tao ang kaniyang katuwiran.
26He maketh supplication unto God, And He accepteth him. And he seeth His face with shouting, And He returneth to man His righteousness.
27Siya'y umaawit sa harap ng mga tao, at nagsasabi, Ako'y nagkasala, at sumira ng matuwid, at hindi ko napakinabangan:
27He looketh on men, and saith, `I sinned, And uprightness I have perverted, And it hath not been profitable to me.
28Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa pagyao sa hukay, at ang aking buhay ay makakakita ng liwanag.
28He hath ransomed my soul From going over into the pit, And my life on the light looketh.`
29Narito, ang lahat ng mga bagay na ito ay gawa ng Dios, makalawa, oo, makaitlo sa tao,
29Lo, all these doth God work, Twice — thrice with man,
30Upang ibalik ang kaniyang kaluluwa mula sa hukay, upang siya'y maliwanagan ng liwanag ng buhay.
30To bring back his soul from the pit, To be enlightened with the light of the living.
31Pansinin mong mabuti, Oh Job, dinggin mo ako: tumahimik ka, at ako'y magsasalita.
31Attend, O Job, hearken to me, Keep silent, and I — I do speak.
32Kung ikaw ay may anomang bagay na sasabihin, sagutin mo ako: ikaw ay magsalita, sapagka't ibig kong ariin kang ganap.
32If there are words — answer me, Speak, for I have a desire to justify thee.
33Kung hindi, dinggin mo ako: tumahimik ka, at tuturuan kita ng karunungan.
33If there are not — hearken thou to me, Keep silent, and I teach thee wisdom.