1Dinidinig ng pantas na anak ang turo ng kaniyang ama: nguni't hindi dinidinig ng mangduduwahagi ang saway.
1A wise son — the instruction of a father, And a scorner — he hath not heard rebuke.
2Ang tao ay kakain ng mabuti ayon sa bunga ng kaniyang bibig: nguni't ang magdaraya ay kakain ng karahasan,
2From the fruit of the mouth a man eateth good, And the soul of the treacherous — violence.
3Siyang nagiingat ng kaniyang bibig, nagiingat ng kaniyang buhay: nguni't siyang nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi ay magkakaroon ng kapahamakan.
3Whoso is keeping his mouth, is keeping his soul, Whoso is opening wide his lips — ruin to him!
4Ang tamad ay nagnanasa, at walang anoman: nguni't ang kaluluwa ng masipag ay tataba.
4The soul of the slothful is desiring, and hath not. And the soul of the diligent is made fat.
5Ang matuwid ay nagtatanim sa pagsisinungaling: nguni't ang masama ay kasuklamsuklam, at napapahiya.
5A false word the righteous hateth, And the wicked causeth abhorrence, and is confounded.
6Bumabantay ang katuwiran sa matuwid na lakad; nguni't inilulugmok ng kasamaan ang makasalanan.
6Righteousness keepeth him who is perfect in the way, And wickedness overthroweth a sin offering.
7May nagpapakayaman, gayon ma'y walang anoman: may nagpapakadukha, gayon ma'y may malaking kayamanan.
7There is who is making himself rich, and hath nothing, Who is making himself poor, and wealth [is] abundant.
8Ang katubusan sa buhay ng tao ay siyang kaniyang mga kayamanan: nguni't ang dukha ay hindi nakikinig sa banta.
8The ransom of a man`s life [are] his riches, And the poor hath not heard rebuke.
9Ang ilaw ng matuwid ay nagagalak: nguni't ang ilawan ng masama ay papatayin.
9The light of the righteous rejoiceth, And the lamp of the wicked is extinguished.
10Sa kapalaluan, ang dumarating ay pagtatalo lamang: nguni't ang karunungan ay nangasa nangaturuang maigi.
10A vain man through pride causeth debate, And with the counselled [is] wisdom.
11Ang kayamanang tinangkilik sa walang kabuluhan ay huhupa: nguni't siyang nagpipisan sa paggawa ay mararagdagan.
11Wealth from vanity becometh little, And whoso is gathering by the hand becometh great.
12Ang pagasa na nagluluwat ay nagpapasakit ng puso: nguni't pagka ang nasa ay dumarating ay punong kahoy ng buhay.
12Hope prolonged is making the heart sick, And a tree of life [is] the coming desire.
13Sinomang humamak sa salita ay nagdadala ng kapahamakan sa sarili: nguni't siyang natatakot sa utos ay gagantihin.
13Whoso is despising the Word is destroyed for it, And whoso is fearing the Command is repayed.
14Ang kautusan ng pantas ay bukal ng buhay, upang lumayo sa mga silo ng kamatayan.
14The law of the wise [is] a fountain of life, To turn aside from snares of death.
15Ang mabuting kaunawaan ay nagbibigay lingap: nguni't ang lakad ng mananalangsang ay mahirap.
15Good understanding giveth grace, And the way of the treacherous [is] hard.
16Bawa't mabait na tao ay gumagawang may kaalaman: nguni't ang mangmang ay nagkakalat ng kamangmangan.
16Every prudent one dealeth with knowledge, And a fool spreadeth out folly.
17Ang masamang sugo ay nahuhulog sa kasamaan: nguni't ang tapat na sugo ay kagalingan.
17A wicked messenger falleth into evil, And a faithful ambassador is healing.
18Karalitaan at kahihiyan ang tatamuhin ng nagtatakuwil ng saway: nguni't siyang nakikinig ng saway ay magkakapuri.
18Whoso is refusing instruction — poverty and shame, And whoso is observing reproof is honoured.
19Ang nasa na natupad ay matamis sa kaluluwa: nguni't kasuklamsuklam sa mga mangmang na humiwalay sa kasamaan.
19A desire accomplished is sweet to the soul, And an abomination to fools [is]: Turn from evil.
20Lumalakad ka na kasama ng mga pantas na tao, at ikaw ay magiging pantas; nguni't ang kasama ng mga mangmang ay mapapariwara.
20Whoso is walking with wise men is wise, And a companion of fools suffereth evil.
21Ang kasamaan ay humahabol sa mga makasalanan; nguni't ang matuwid ay gagantihan ng mabuti.
21Evil pursueth sinners, And good recompenseth the righteous.
22Ang mabuti ay nagiiwan ng mana sa mga anak ng kaniyang mga anak; at ang kayamanan ng makasalanan ay nalalagay na ukol sa matuwid.
22A good man causeth sons` sons to inherit, And laid up for the righteous [is] the sinner`s wealth.
23Maraming pagkain ang nasa pagsasaka ng dukha: nguni't may napapahamak dahil sa kawalan ng kaganapan.
23Abundance of food — the tillage of the poor, And substance is consumed without judgment.
24Siyang naguurong ng kaniyang pamalo ay napopoot sa kaniyang anak: nguni't siyang umiibig ay nagpaparusang maminsan-minsan.
24Whoso is sparing his rod is hating his son, And whoso is loving him hath hastened him chastisement.
25Ang matuwid ay kumakain hanggang sa kabusugan ng kaniyang kaluluwa; nguni't ang tiyan ng masama ay mangangailangan.
25The righteous is eating to the satiety of his soul, And the belly of the wicked lacketh!