1Anak ko, kung ikaw ay naging mananagot sa iyong kapuwa, kung iyong ikinamay ang iyong kamay sa di kilala,
1My son! if thou hast been surety for thy friend, Hast stricken for a stranger thy hand,
2Ikaw ay nasilo ng mga salita ng iyong bibig, ikaw ay nahuli ng mga salita ng iyong bibig.
2Hast been snared with sayings of thy mouth, Hast been captured with sayings of thy mouth,
3Gawin mo ito ngayon, anak ko, at lumigtas ka, yamang ikaw ay nahulog sa kamay ng iyong kapuwa: yumaon ka, magpakababa ka, at mangayupapa ka sa iyong kapuwa.
3Do this now, my son, and be delivered, For thou hast come into the hand of thy friend. Go, trample on thyself, and strengthen thy friend,
4Huwag mong bigyan ng tulog ang iyong mga mata. O magpaidlip man sa iyong mga talukap-mata.
4Give not sleep to thine eyes, And slumber to thine eyelids,
5Lumigtas ka na parang usa sa kamay ng mangangaso, at parang ibon sa kamay ng mamimitag.
5Be delivered as a roe from the hand, And as a bird from the hand of a fowler.
6Pumaroon ka sa langgam, ikaw na tamad; masdan mo ang kaniyang mga lakad at magpakapantas ka:
6Go unto the ant, O slothful one, See her ways and be wise;
7Na bagaman walang pangulo, tagapamahala, o pinuno,
7Which hath not captain, overseer, and ruler,
8Naghahanda ng kaniyang pagkain sa taginit, at pinipisan ang kaniyang pagkain sa pagaani.
8She doth prepare in summer her bread, She hath gathered in harvest her food.
9Hanggang kailan matutulog ka, Oh tamad? Kailan ka babangon sa iyong pagkakatulog?
9Till when, O slothful one, dost thou lie? When dost thou arise from thy sleep?
10Kaunti pang pagkakatulog, kaunti pang pagkaidlip, kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog:
10A little sleep, a little slumber, A little clasping of the hands to rest,
11Sa gayo'y ang iyong karalitaan ay darating na parang magnanakaw, at ang iyong kasalatan na parang lalaking may sandata.
11And thy poverty hath come as a traveller, And thy want as an armed man.
12Taong walang kabuluhan, taong masama, ay siya na lumalakad na may masamang bibig;
12A man of worthlessness, a man of iniquity, Walking [with] perverseness of mouth,
13Na kumikindat ng kaniyang mga mata, na nagsasalita ng kaniyang mga paa, na nagsasalita ng kaniyang mga daliri;
13Winking with his eyes, speaking with his feet, Directing with his fingers,
14Pagdaraya ay nasa kaniyang puso, siya'y laging kumakatha ng kasamaan; siya'y naghahasik ng pagtatalo.
14Frowardness [is] in his heart, devising evil at all times, Contentions he sendeth forth.
15Kaya't darating na bigla ang kaniyang kasakunaan; sa kabiglaanan ay mababasag siya, at walang kagamutan.
15Therefore suddenly cometh his calamity, Instantly he is broken — and no healing.
16May anim na bagay na ipinagtatanim ng Panginoon; Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa kaniya:
16These six hath Jehovah hated, Yea, seven [are] abominations to His soul.
17Mga palalong mata, sinungaling na dila, at mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo;
17Eyes high — tongues false — And hands shedding innocent blood —
18Puso na kumakatha ng mga masamang akala, mga paa na matulin sa pagtakbo sa kasamaan;
18A heart devising thoughts of vanity — Feet hasting to run to evil —
19Sinungaling na saksi na nagsasalita ng kabulaanan, at ang naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid.
19A false witness [who] doth breathe out lies — And one sending forth contentions between brethren.
20Anak ko, ingatan mo ang utos ng iyong ama, at huwag mong kalimutan ang kautusan ng iyong ina:
20Keep, my son, the command of thy father, And leave not the law of thy mother.
21Ikintal mong lagi sa iyong puso, itali mo sa iyong leeg.
21Bind them on thy heart continually, Tie them on thy neck.
22Pagka ikaw ay lumalakad, papatnubay sa iyo; pagka ikaw ay natutulog, babantay sa iyo; at pagka ikaw ay gumigising, makikipagusap sa iyo.
22In thy going up and down, it leadeth thee, In thy lying down, it watcheth over thee, And thou hast awaked — it talketh [with] thee.
23Sapagka't ang utos ay tanglaw; at ang kautusan ay liwanag; at ang mga saway na turo ay daan ng buhay:
23For a lamp [is] the command, And the law a light, And a way of life [are] reproofs of instruction,
24Upang ingatan ka sa masamang babae, Sa tabil ng dila ng di kilala.
24To preserve thee from an evil woman, From the flattery of the tongue of a strange woman.
25Huwag mong pitahin ang kaniyang kagandahan sa iyong puso; at huwag ka mang hulihin niya ng kaniyang mga talukap-mata.
25Desire not her beauty in thy heart, And let her not take thee with her eyelids.
26Sapagka't dahil sa isang masamang babae ay walang naiiwan sa lalake kundi isang putol na tinapay: at hinuhuli ng mangangalunya ang mahalagang buhay.
26For a harlot consumeth unto a cake of bread, And an adulteress the precious soul hunteth.
27Makakukuha ba ng apoy ang tao sa kaniyang sinapupunan, at hindi masusunog ang kaniyang mga suot?
27Doth a man take fire into his bosom, And are his garments not burnt?
28O makalalakad ba ang sinoman sa mga mainit na baga, at ang kaniyang mga paa ay hindi mapapaso?
28Doth a man walk on the hot coals, And are his feet not scorched?
29Gayon ang sumisiping sa asawa ng kaniyang kapuwa; sinomang humipo ay hindi maaaring di parusahan.
29So [is] he who hath gone in unto the wife of his neighbour, None who doth touch her is innocent.
30Hindi hinahamak ng mga tao ang magnanakaw kung siya'y nagnanakaw, upang busugin siya pagka siya'y gutom:
30They do not despise the thief, When he stealeth to fill his soul when he is hungry,
31Nguni't kung siya'y masumpungan, isasauli niyang makapito; kaniyang ibibigay ang lahat na laman ng kaniyang bahay.
31And being found he repayeth sevenfold, All the substance of his house he giveth.
32Siyang nagkakamit ng pangangalunya sa isang babae ay walang bait: ang gumagawa niyaon ay nagpapahamak sa kaniyang sariling kaluluwa.
32He who committeth adultery [with] a woman lacketh heart, He is destroying his soul who doth it.
33Mga sugat at kasiraang puri ang tatamuhin niya; at ang kaniyang kapintasan ay hindi mapapawi.
33A stroke and shame he doth find, And his reproach is not wiped away,
34Sapagka't ang paninibugho ay pagiinit ng tao; at hindi siya magpapatawad sa kaarawan ng panghihiganti.
34For jealousy [is] the fury of a man, And he doth not spare in a day of vengeance.
35Hindi niya pakukundanganan ang anomang tubos; ni magpapahinga man siyang tuwa, bagaman ikaw ay magbigay ng maraming suhol.
35He accepteth not the appearance of any atonement, Yea, he doth not consent, Though thou dost multiply bribes!