1Itinayo ng karunungan ang kaniyang bahay, kaniyang tinabas ang kaniyang pitong haligi:
1Wisdom hath builded her house, She hath hewn out her pillars — seven.
2Pinatay niya ang kaniyang mga hayop: hinaluan niya ang kaniyang alak; kaniya namang ginayakan ang kaniyang dulang.
2She hath slaughtered her slaughter, She hath mingled her wine, Yea, she hath arranged her table.
3Kaniya namang sinugo ang kaniyang mga alilang babae; siya'y sumisigaw sa mga pinakapantas na dako sa bayan:
3She hath sent forth her damsels, She crieth on the tops of the high places of the city:
4Kung sinoma'y musmos, pumasok dito: tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa, sinasabi niya sa kaniya:
4`Who [is] simple? let him turn aside hither.` Whoso lacketh heart: she hath said to him,
5Kayo'y magsiparito, magsikain kayo ng aking tinapay, at magsiinom kayo ng alak na aking hinaluan.
5`Come, eat of my bread, And drink of the wine I have mingled.
6Iwan ninyo, ninyong mga musmos at kayo'y mabuhay; at kayo'y magsilakad sa daan ng kaunawaan.
6Forsake ye, the simple, and live, And be happy in the way of understanding.
7Siyang sumasaway sa manglilibak ay nagtataglay ng kahihiyan sa kaniyang sarili: at siyang sumasaway sa masama ay nagtataglay ng pula sa kaniyang sarili.
7The instructor of a scorner Is receiving for it — shame, And a reprover of the wicked — his blemish.
8Huwag mong sawayin ang manglilibak, baka ipagtanim ka niya: sawayin mo ang pantas, at kaniyang iibigin ka.
8Reprove not a scorner, lest he hate thee, Give reproof to the wise, and he loveth thee.
9Turuan mo ang pantas, at siya'y magiging lalong pantas pa: iyong turuan ang matuwid, at siya'y lalago sa pagkatuto.
9Give to the wise, and he is wiser still, Make known to the righteous, And he increaseth learning.
10Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan: at ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan.
10The commencement of wisdom [is] the fear of Jehovah, And a knowledge of the Holy Ones [is] understanding.
11Sapagka't sa pamamagitan ko ay dadami ang iyong mga kaarawan, at ang mga taon ng iyong buhay ay magsisidami.
11For by me do thy days multiply, And added to thee are years of life.
12Kung ikaw ay pantas, ikaw ay pantas sa ganang iyong sarili: at kung ikaw ay manglilibak, ikaw na magisa ang magpapasan.
12If thou hast been wise, thou hast been wise for thyself, And thou hast scorned — thyself bearest [it].
13Ang hangal na babae ay madaldal; siya'y musmos at walang nalalaman.
13A foolish woman [is] noisy, Simple, and hath not known what.
14At siya'y nauupo sa pintuan ng kaniyang bahay, sa isang upuan sa mga mataas na dako sa bayan,
14And she hath sat at the opening of her house, On a throne — the high places of the city,
15Upang tawagin ang nangagdadaan, na nagsisiyaong matuwid ng kanilang mga lakad:
15To call to those passing by the way, Who are going straight [on] their paths.
16Sinomang musmos ay pumasok dito: at tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa, sinasabi niya sa kaniya:
16`Who [is] simple? let him turn aside hither.` And whoso lacketh heart — she said to him,
17Ang mga nakaw na tubig ay matamis, at ang tinapay na kinakain sa lihim ay masarap.
17`Stolen waters are sweet, And hidden bread is pleasant.`
18Nguni't hindi niya nalalaman na ang patay ay nandoon; na ang mga panauhin niya ay nangasa mga kalaliman ng Sheol.
18And he hath not known that Rephaim [are] there, In deep places of Sheol her invited ones!