Tagalog 1905

Young`s Literal Translation

Psalms

144

1Purihin ang Panginoon na aking malaking bato, na tinuturuan ang mga kamay ko na makipagdigma, at ang mga daliri ko na magsilaban:
1By David. Blessed [is] Jehovah my rock, who is teaching My hands for war, my fingers for battle.
2Aking kagandahang-loob, at aking katibayan, aking matayog na moog, at aking tagapagligtas; aking kalasag, at siya na doon ako nanganganlong; na siyang nagpapasuko ng aking bayan sa akin.
2My kind one, and my bulwark, My tower, and my deliverer, My shield, and in whom I have trusted, Who is subduing my people under me!
3Panginoon, ano ang tao, upang iyong kilalanin siya? O ang anak ng tao, upang iyong pahalagahan siya?
3Jehovah, what [is] man that Thou knowest him? Son of man, that Thou esteemest him?
4Ang tao ay parang walang kabuluhan: ang kaniyang mga kaarawan ay parang lilim na napaparam.
4Man to vanity hath been like, His days [are] as a shadow passing by.
5Ikiling mo ang iyong mga langit, Oh Panginoon, at bumaba ka: hipuin mo ang mga bundok, at magsisiusok.
5Jehovah, incline Thy heavens and come down, Strike against mountains, and they smoke.
6Maghagis ka ng kidlat, at pangalatin mo sila; suguin mo ang iyong mga pana, at lituhin mo sila,
6Send forth lightning, and scatter them, Send forth Thine arrows, and trouble them,
7Iunat mo ang iyong kamay mula sa itaas; sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa malaking tubig, sa kamay ng mga taga ibang lupa;
7Send forth Thy hand from on high, Free me, and deliver me from many waters, From the hand of sons of a stranger,
8Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan, at ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan.
8Because their mouth hath spoken vanity, And their right hand [is] a right hand of falsehood.
9Ako'y aawit ng bagong awit sa iyo, Oh Dios: sa salterio na may sangpung kawad ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo.
9O God, a new song I sing to Thee, On a psaltery of ten strings I sing praise to Thee.
10Siya ang nagbibigay ng kaligtasan sa mga hari: na siyang nagligtas kay David na kaniyang lingkod sa manunugat na tabak.
10Who is giving deliverance to kings, Who is freeing David His servant from the sword of evil.
11Sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa kamay ng mga taga ibang lupa. Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan, at ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan.
11Free me, and deliver me From the hand of sons of a stranger, Because their mouth hath spoken vanity, And their right hand [is] a right hand of falsehood,
12Pagka ang aming mga anak na lalake ay magiging parang mga pananim na lumaki sa kanilang kabataan; at ang aming mga anak na babae ay parang mga panulok na bato na inanyuan ayon sa anyo ng isang palasio.
12Because our sons [are] as plants, Becoming great in their youth, Our daughters as hewn stones, Polished — the likeness of a palace,
13Pagka ang mga kamalig namin ay puno, na may sarisaring bagay; at ang mga tupa namin ay nanganganak ng mga libo at mga sangpung libo sa aming mga parang;
13Our garners [are] full, bringing out from kind to kind, Our flocks are bringing forth thousands, Ten thousands in our out-places,
14Pagka ang mga baka namin ay napapasanang mabuti; pagka walang salot, at sakuna, at walang panaghoy sa aming mga lansangan;
14Our oxen are carrying, there is no breach, And there is no outgoing, And there is no crying in our broad places.
15Maginhawa ang bayan, na nasa gayong kalagayan: maginhawa ang bayan na ang Dios ay ang Panginoon.
15O the happiness of the people that is thus, O the happiness of the people whose God [is] Jehovah!