1Oh Dios, huwag kang tumahimik: huwag kang mapayapa, at tumiwasay, Oh Dios.
1A Song, — A Psalm of Asaph. O God, let there be no silence to Thee, Be not silent, nor be quiet, O God.
2Sapagka't narito, ang mga kaaway mo'y nanggugulo: at silang nangagtatanim sa iyo ay nangagtaas ng ulo.
2For, lo, Thine enemies do roar, And those hating Thee have lifted up the head,
3Sila'y nagsisitanggap ng payong may katusuhan laban sa iyong bayan, at nangagsanggunian laban sa iyong nangakakubli.
3Against Thy people they take crafty counsel, And consult against Thy hidden ones.
4Kanilang sinabi, Kayo'y parito, at atin silang ihiwalay sa pagkabansa; upang ang pangalan ng Israel ay huwag nang maalaala pa.
4They have said, `Come, And we cut them off from [being] a nation, And the name of Israel is not remembered any more.`
5Sapagka't sila'y nangagsangguniang magkakasama na may isang pagkakaayon; laban sa iyo ay nangagtitipanan:
5For they consulted in heart together, Against Thee a covenant they make,
6Ang mga tolda ng Edom at ng mga Ismaelita; ang Moab at ang mga Agareno;
6Tents of Edom, and Ishmaelites, Moab, and the Hagarenes,
7Ang Gebal, at ang Ammon, at ang Amalec; ang Filisteo na kasama ng mga taga Tiro:
7Gebal, and Ammon, and Amalek, Philistia with inhabitants of Tyre,
8Pati ng Asiria ay nalalakip sa kanila; kanilang tinulungan ang mga anak ni Lot.
8Asshur also is joined with them, They have been an arm to sons of Lot. Selah.
9Gumawa ka sa kanila ng gaya sa Madianita; gaya kay Sisara, gaya kay Jabin, sa ilog ng Cison:
9Do to them as [to] Midian, As [to] Sisera, as [to] Jabin, at the stream Kishon.
10Na nangamatay sa Endor; sila'y naging parang dumi sa lupa.
10They were destroyed at Endor, They were dung for the ground!
11Gawin mo ang kanilang mga maginoo na gaya ni Oreb at ni Zeeb; Oo, lahat nilang mga pangulo ay gaya ni Zeba at ni Zalmuna;
11Make their nobles as Oreb and as Zeeb, And as Zebah and Zalmunna all their princes,
12Na siyang nagsipagsabi, kunin natin para sa atin na pinakaari ang mga tahanan ng Dios.
12Who have said, `Let us occupy for ourselves The comely places of God.`
13Oh Dios ko, gawin mo silang parang ipoipong alabok; Parang dayami sa harap ng hangin.
13O my God, make them as a rolling thing, As stubble before wind.
14Parang apoy na sumusunog ng gubat, at parang liyab na nanunupok ng mga bundok;
14As a fire doth burn a forest, And as a flame setteth hills on fire,
15Kaya't habulin mo sila ng iyong bagyo, at pangilabutin mo sila ng iyong unos.
15So dost Thou pursue them with Thy whirlwind, And with Thy hurricane troublest them.
16Lipusin mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan; upang hanapin nila ang iyong pangalan, Oh Panginoon.
16Fill their faces [with] shame, And they seek Thy name, O Jehovah.
17Mangapahiya sila at manganglupaypay magpakailan man; Oo, mangahiya sila at mangalipol:
17They are ashamed and troubled for ever, Yea, they are confounded and lost.
18Upang kanilang maalaman na ikaw lamang, na ang pangalan ay JEHOVA, ay Kataastaasan sa buong lupa.
18And they know that Thou — (Thy name [is] Jehovah — by Thyself,) [Art] the Most High over all the earth!