1Panginoon, ikaw ay naging tahanang dako namin sa lahat ng sali't saling lahi.
1A Prayer of Moses, the man of God. Lord, a habitation Thou — Thou hast been, To us — in generation and generation,
2Bago nalabas ang mga bundok, O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan, mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios.
2Before mountains were brought forth, And Thou dost form the earth and the world, Even from age unto age Thou [art] God.
3Iyong pinapagiging kapahamakan ang tao; at iyong sinasabi, Magsipanumbalik kayo, kayong mga anak ng mga tao.
3Thou turnest man unto a bruised thing, And sayest, Turn back, ye sons of men.
4Sapagka't isang libong taon sa iyong paningin ay parang kahapon lamang nang makaraan, at parang pagpupuyat sa gabi.
4For a thousand years in Thine eyes [are] as yesterday, For it passeth on, yea, a watch by night.
5Iyong dinadala sila na parang baha; sila'y parang pagkakatulog: sa kinaumagahan ay parang damo sila na tumutubo.
5Thou hast inundated them, they are asleep, In the morning as grass he changeth.
6Sa kinaumagahan ay namumulaklak at lumalago; sa kinahapunan ay pinuputol at natutuyo.
6In the morning it flourisheth, and hath changed, At evening it is cut down, and hath withered.
7Sapagka't kami ay nangasupok sa iyong galit, at sa iyong poot ay nangabagabag kami.
7For we were consumed in Thine anger, And in Thy fury we have been troubled.
8Iyong inilagay ang aming kasamaan sa harap mo, ang aming lihim na mga kasalanan sa liwanag ng iyong mukha.
8Thou hast set our iniquities before Thee, Our hidden things at the light of Thy face,
9Sapagka't lahat naming kaarawan ay dumaan sa iyong poot: aming niwawakasan ang aming mga taon na parang isang buntong hininga.
9For all our days pined away in Thy wrath, We consumed our years as a meditation.
10Ang mga kaarawan ng aming mga taon ay pitong pung taon, o kung dahil sa kalakasan ay umaabot ng walong pung taon; gayon ma'y ang kanilang kapalaluan ay hirap at kapanglawan lamang; sapagka't madaling napapawi, at kami ay nagsisilipad.
10Days of our years, in them [are] seventy years, And if, by reason of might, eighty years, Yet [is] their enlargement labour and vanity, For it hath been cut off hastily, and we fly away.
11Sinong nakakaalam ng kapangyarihan ng iyong galit, at ng iyong poot ayon sa katakutan na marapat sa iyo?
11Who knoweth the power of Thine anger? And according to Thy fear — Thy wrath?
12Kaya ituro mo sa amin ang pagbilang ng aming mga kaarawan, upang kami ay mangagtamo sa amin ng pusong may karunungan.
12To number our days aright let [us] know, And we bring the heart to wisdom.
13Manumbalik ka, Oh Panginoon; hanggang kailan pa? At iyong papagsisihin ang tungkol sa mga lingkod mo.
13Turn back, O Jehovah, till when? And repent concerning Thy servants.
14Oh busugin mo kami sa kinaumagahan ng iyong kagandahang-loob; upang kami ay mangagalak at mangatuwa sa lahat ng kaarawan namin.
14Satisfy us at morn [with] Thy kindness, And we sing and rejoice all our days.
15Pasayahin mo kami ayon sa mga kaarawan na iyong idinalamhati sa amin, at sa mga taon na aming ikinakita ng kasamaan.
15Cause us to rejoice according to the days Wherein Thou hast afflicted us, The years we have seen evil.
16Mahayag nawa ang iyong gawa sa iyong mga lingkod, at ang kaluwalhatian mo sa kanilang mga anak.
16Let Thy work appear unto Thy servants, And Thine honour on their sons.
17At sumaamin nawa ang kagandahan ng Panginoong aming Dios: at iyong itatag sa amin ang gawa ng aming mga kamay; Oo, ang gawa ng aming mga kamay ay itatag mo.
17And let the pleasantness of Jehovah our God be upon us, And the work of our hands establish on us, Yea, the work of our hands establish it!