1Si David nga ay matanda na at puspos ng mga araw: at ginawa niyang hari si Salomon na kaniyang anak sa Israel.
1لما شاخ داود وشبع اياما ملّك سليمان ابنه على اسرائيل.
2At pinisan niya ang lahat na prinsipe ng Israel, pati ang mga saserdote at ng mga Levita.
2وجمع كل رؤساء اسرائيل والكهنة واللاويين.
3At ang mga Levita ay binilang mula sa tatlongpung taon na patanda: at ang kanilang bilang, ayon sa kanilang mga ulo, lalake't lalake, ay tatlongpu't walong libo.
3فعدّ اللاويون من ابن ثلاثين سنة فما فوق فكان عددهم حسب رؤوسهم من الرجال ثمانية وثلاثين الفا.
4Sa mga ito, dalawangpu't apat na libo ang nagsisitingin ng gawa sa bahay ng Panginoon; at anim na libo ay mga pinuno at mga hukom:
4من هؤلاء للمناظرة على عمل بيت الرب اربعة وعشرون الفا. وستة آلاف عرفاء وقضاة.
5At apat na libo ay tagatanod-pinto: at apat na libo ay mangaawit sa Panginoon na may mga panugtog na aking ginawa, sabi ni David, upang ipangpuri.
5واربعة آلاف بوابون واربعة آلاف مسبحون للرب بالآلات التي عملت للتسبيح.
6At hinati sila ni David sa mga hanay ayon sa mga anak ni Levi; si Gerson, si Coath, at si Merari.
6وقسمهم داود فرقا لبني لاوي لجرشون وقهات ومراري.
7Sa mga Gersonita: si Ladan, at si Simi.
7من الجرشونيين لعدان وشمعي.
8Ang mga anak ni Ladan: si Jehiel na pinuno, at si Zetham, at si Joel, tatlo.
8بنو لعدان الراس يحيئيل ثم زيثام ويوئيل ثلاثة.
9Ang mga anak ni Simi: si Selomith, at si Haziel, at si Aran, tatlo. Ang mga ito ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ni Ladan.
9بنو شمعي شلوميث وحزيئيل وهاران ثلاثة. هؤلاء رؤوس آباء للعدان.
10At ang mga anak ni Simi: si Jahath, si Zinat, at si Jeus, at si Berias. Ang apat na ito ang mga anak ni Simi.
10وبنو شمعي يحث وزينا ويعوش وبريعة. هؤلاء بنو شمعي اربعة
11At si Jahath ay siyang pinuno, at si Zinat ang ikalawa: nguni't si Jeus at si Berias ay hindi nagkaroon ng maraming anak; kaya't sila'y naging isang sangbahayan ng mga magulang sa isang bilang.
11وكان يحث الراس وزيزة الثاني. اما يعوش وبريعة فلم يكثرا الاولاد فكانوا في الاحصاء لبيت اب واحد
12Ang mga anak ni Coath: si Amram, si Ishar, si Hebron, at si Uzziel, apat.
12بنو قهات عمرام ويصهار وحبرون وعزيئيل اربعة.
13Ang mga anak ni Amram: si Aaron at si Moises: at si Aaron ay nahiwalay, upang kaniyang ariing banal ang mga kabanalbanalang bagay, niya at ng kaniyang mga anak magpakailan man, upang magsunog ng kamangyan sa harap ng Panginoon, upang mangasiwa sa kaniya, at upang bumasbas sa pamamagitan ng kaniyang pangalan, magpakailan man.
13ابنا عمرام هرون وموسى. وأفرز هرون لتقديسه قدس اقداس هو وبنوه الى الابد ليوقد امام الرب ويخدمه ويبارك باسمه الى الابد.
14Nguni't tungkol kay Moises na lalake ng Dios, ang kaniyang mga anak ay ibinilang na lipi ni Levi.
14واما موسى رجل الله فدعي بنوه مع سبط لاوي.
15Ang mga anak ni Moises: si Gerson at si Eliezer.
15ابنا موسى جرشوم واليعزر.
16Ang mga anak ni Gerson: si Sebuel na pinuno.
16بنو جرشوم شبوئيل الراس.
17At ang mga anak ni Eliezer: si Rehabia na pinuno. At si Eliezer ay hindi nagkaroon ng ibang mga anak; nguni't ang mga anak ni Rehabia ay totoong marami.
17وكان ابن اليعزر رحبيا الراس ولم يكن لاليعزر بنون آخرون. واما بنو رحبيا فكانوا كثيرين جدا.
18Ang mga anak ni Ishar: si Selomith na pinuno.
18بنو يصهار شلوميث الراس.
19Ang mga anak ni Hebron: si Jeria ang pinuno, si Amarias ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo, at si Jecaman ang ikaapat.
19بنو حبرون يريا الراس وامريا الثاني ويحزيئيل الثالث ويقمعام الرابع.
20Ang mga anak ni Uzziel: si Micha ang pinuno, at si Isia ang ikalawa.
20ابنا عزيئيل ميخا الراس ويشّيّا الثاني.
21Ang mga anak ni Merari: si Mahali at si Musi. Ang mga anak ni Mahali: si Eleazar at si Cis.
21ابنا مراري محلي وموشى. ابنا محلي العازار وقيس.
22At si Eleazar ay namatay, at hindi nagkaanak ng lalake, kundi mga babae lamang: at nangagasawa sa kanila ang kanilang mga kapatid na mga anak ni Cis.
22ومات العازار ولم يكن له بنون بل بنات فأخذهنّ بنو قيس اخوتهنّ
23Ang mga anak ni Musi: si Mahali, at si Eder, at si Jerimoth, tatlo.
23بنو موشي محلي وعادر ويريموث ثلاثة
24Ang mga ito ang mga anak ni Levi, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, sa makatuwid baga'y mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang doon sa mga nabilang, sa bilang ng mga pangalan, ayon sa kanilang mga ulo, na nagsigawa ng gawain sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon, mula sa dalawangpung taong gulang na patanda.
24هؤلاء بنو لاوي حسب بيوت آبائهم رؤوس الآباء حسب احصائهم في عدد الاسماء حسب رؤوسهم عاملو العمل لخدمة بيت الرب من ابن عشرين سنة فما فوق.
25Sapagka't sinabi ni David, Ang Panginoon, ang Dios ng Israel ay nagbigay ng kapahingahan sa kaniyang bayan; at siya'y tumatahan sa Jerusalem magpakailan man:
25لان داود قال قد اراح الرب اله اسرائيل شعبه فسكن في اورشليم الى الابد.
26At ang mga Levita naman ay hindi na magkakailangan pang pasanin ang tabernakulo at ang lahat na kasangkapan niyaon sa paglilingkod doon.
26وليس للاويين بعد ان يحملوا المسكن وكل آنيته لخدمته.
27Sapagka't ayon sa mga huling salita ni David ay nabilang ang mga anak ni Levi, mula sa dalawangpung taong gulang na patanda.
27لانه حسب كلام داود الاخير عدّ بنو لاوي من ابن عشرين سنة فما فوق.
28Sapagka't ang kanilang katungkulan ay tumulong sa mga anak ni Aaron sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon, sa mga looban, at sa mga silid, at sa paglilinis ng lahat na banal na bagay, sa gawain na paglilingkod sa bahay ng Dios;
28لانهم كانوا يقفون بين يدي بني هرون على خدمة بيت الرب في الدور والمخادع وعلى تطهير كل قدس وعمل خدمة بيت الله
29Gayon din sa tinapay na handog, at sa mainam na harina na pinakahandog na harina, maging sa mga manipis na tinapay na walang lebadura, at doon sa niluto sa kawali, at doon sa pinirito; at sa lahat na sarisaring takalan at panakal;
29وعلى خبز الوجوه ودقيق التقدمة ورقاق الفطير وما يعمل على الصاج والمربوكات وعلى كل كيل وقياس
30At upang tumayo tuwing umaga na pasalamat at pumuri sa Panginoon, at gayon din naman sa hapon;
30ولاجل الوقوف كل صباح لحمد الرب وتسبيحه وكذلك في المساء.
31At upang maghandog ng lahat na handog sa Panginoon na susunugin sa mga sabbath, sa mga bagong buwan, at sa mga takdang kapistahan, sa bilang alinsunod sa utos tungkol sa kanila, na palagi sa harap ng Panginoon:
31ولكل اصعاد محرقات للرب في السبوت والاهلّة والمواسم بالعدد حسب المرسوم عليهم دائما امام الرب
32At sila ang magsisipagingat ng katungkulan sa tabernakulo ng kapisanan, at ng katungkulan sa banal na dako, at ng katungkulan ng mga anak ni Aaron na kanilang mga kapatid, sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon.
32وليحرسوا حراسة خيمة الاجتماع وحراسة القدس وحراسة بني هرون اخوتهم في خدمة بيت الرب