Tagalog 1905

الكتاب المقدس (Van Dyke)

Exodus

39

1At sa kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, ay gumawa sila ng mga kasuutang mainam ang pagkayari upang gamitin sa pangangasiwa sa dakong banal, at ginawang mga banal na kasuutan kay Aaron; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
1ومن الاسمانجوني والارجوان والقرمز صنعوا ثيابا منسوجة للخدمة في المقدس وصنعوا الثياب المقدسة التي لهرون. كما امر الرب موسى.
2At kaniyang ginawa ang epod na ginto, na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili.
2فصنع الرداء من ذهب واسمانجوني وارجوان وقرمز وبوص مبروم.
3At kanilang pinukpok ang ginto na pinanipis na pahaba at pinutol na ginawang kawad na ginto, upang itahi sa kayong bughaw, at sa kulay-ube, at sa pula, at sa lino na gawa ng bihasang manggagawa.
3ومدّوا الذهب صفائح وقدّوها خيوطا ليصنعوها في وسط الاسمانجوني والارجوان والقرمز والبوص صنعة الموشّي.
4Kanilang iginawa ng mga pangbalikat, na nagkakasugpong: sa dalawang dulo ay nagkakasugpong.
4وصنعوا له كتفين موصولين. على طرفيه اتّصل.
5At ang mainam na pagkayaring pamigkis, na nasa ibabaw ng epod upang ibigkis, ay kaputol at gaya ng pagkayari ng epod; na ginto, at kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, linong pinili; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
5وزنار شدّه الذي عليه كان منه كصنعته. من ذهب واسمانجوني وقرمز وبوص مبروم. كما امر الرب موسى.
6At kanilang ginawa ang mga batong onix na pinamutihan ng kalupkop na ginto, na ayos ukit ng isang panatak, ayon sa mga pangalan ng mga anak ni Israel.
6وصنعوا حجري الجزع محاطين بطوقين من ذهب منقوشين نقش الخاتم على حسب اسماء بني اسرائيل.
7At kaniyang inilagay sa ibabaw ng pangbalikat ng epod upang maging mga batong pinakaalaala sa ikagagaling ng mga anak ni Israel; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
7ووضعهما على كتفي الرداء حجري تذكار لبني اسرائيل. كما امر الرب موسى.
8At kaniyang ginawa ang pektoral, na gawa ng bihasang manggagawa, gaya ng pagkayari ng epod; na ginto, at kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili.
8وصنع الصدرة صنعة الموشّي كصنعة الرداء من ذهب واسمانجوني وارجوان وقرمز وبوص مبروم.
9Parisukat; kanilang ginawang nakatiklop ang pektoral: isang dangkal ang luwang niyaon, pagka nakatiklop.
9كانت مربعة مثنيّة صنعوا الصدرة طولها شبر وعرضها شبر مثنية.
10At kanilang kinalupkupan ng apat na hanay na sarisaring bato: isang hanay ay sardio, topacio, at karbungko na siyang unang hanay.
10ورصّعوا فيها اربعة صفوف حجارة. صف عقيق احمر وياقوت اصفر وزمرّد. الصف الاول.
11At ang ikalawang hanay, ay isang esmeralda, isang zafiro, at isang diamante.
11والصف الثاني بهرمان وياقوت ازرق وعقيق ابيض.
12At ang ikatlong hanay, ay isang jacinto, isang agata, at isang ametista.
12والصف الثالث عين الهر ويشم وجمشت.
13At ang ikaapat na hanay ay isang berilo, isang onix, at isang jaspe; na mga natatakpan ng mga pamuting ginto sa kanilang mga pagkakakalupkop.
13والصف الرابع زبرجد وجزع ويشب محاطة باطواق من ذهب في ترصيعها.
14At ang mga bato ay ayon sa mga pangalan ng mga anak ni Israel, labingdalawa, ayon sa kanilang mga pangalan; na ayos ukit ng isang panatak; bawa't isa'y ayon sa kaniyang pangalan, na ukol sa labingdalawang lipi.
14والحجارة كانت على اسماء بني اسرائيل اثني عشر على اسمائهم كنقش الخاتم. كل واحد على اسمه للاثني عشر سبطا.
15At kanilang iginawa ang pektoral ng mga tanikalang parang tirintas na ayos pinili na taganas na ginto.
15وصنعوا على الصدرة سلاسل مجدولة صنعة الضفر من ذهب نقيّ.
16At sila'y gumawa ng dalawang pangkalupkop na ginto, at ng dalawang singsing na ginto; at inilagay ang dalawang singsing sa dalawang dulo ng pektoral.
16وصنعوا طوقين من ذهب وحلقتين من ذهب وجعلوا الحلقتين على طرفي الصدرة.
17At kanilang ikinabit ang dalawang tanikalang pinili na ginto sa dalawang singsing sa mga sulok ng pektoral.
17وجعلوا ضفيرتي الذهب في الحلقتين على طرفي الصدرة.
18At ang ibang dalawang dulo ng dalawang tanikalang ayos singsing ay kanilang ikinabit sa dalawang pangkalupkop, at mga ikinabit sa mga pangbalikat ng epod sa dakong harapan niyaon.
18وطرفا الضفيرتين جعلوهما في الطوقين. وجعلوهما على كتفي الرداء الى قدامه.
19At sila'y gumawa ng ibang dalawang singsing na ginto, at mga inilagay sa dalawang sulok ng pektoral sa gilid niyaon, na nasa dakong kabaligtaran ng epod.
19وصنعوا حلقتين من ذهب ووضعوهما على طرفي الصدرة. على حاشيتها التي الى جهة الرداء من داخل.
20At sila'y gumawa ng dalawang singsing na ginto, at mga ikinabit sa dalawang pangbalikat ng epod sa dakong ibaba, sa may harapan, na malapit sa pagkakasugpong, sa ibabaw ng mainam na pagkayaring pamigkis ng epod.
20وصنعوا حلقتين من ذهب وجعلوهما على كتفي الرداء من اسفل من قدامه عند وصله فوق زنار الرداء.
21At kanilang itinali ang pektoral sa pamamagitan ng mga singsing, sa mga singsing ng epod ng isang panaling bughaw upang mamalagi sa ibabaw ng mainam na pagkayaring pamigkis ng epod; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
21وربطوا الصدرة بحلقتيها الى حلقتي الرداء بخيط من اسمانجوني ليكون على زنار الرداء. ولا تنزع الصدرة عن الرداء. كما امر الرب موسى
22At kaniyang ginawa ang balabal ng epod na yari ng manghahabi, na taganas na bughaw;
22وصنع جبة الرداء صنعة النسّاج كلها من اسمانجوني.
23At ang butas ng balabal ay nasa gitna niyaon na gaya ng leeg ng isang koselete, na may isang uriang tinahi sa palibot ng pinakaleeg upang huwag mapunit.
23وفتحة الجبة في وسطها كفتحة الدرع. ولفتحتها حاشية حواليها. لا تنشقّ.
24At kanilang ginawan ang mga ribete ng balabal ng mga granadang kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili.
24وصنعوا على اذيال الجبة رمّانات من اسمانجوني وارجوان وقرمز مبروم.
25At sila'y gumawa ng mga kampanilyang taganas na ginto, at inilagay ang mga kampanilya sa pagitan ng mga granada sa ibabaw ng ribete ng balabal sa palibot, sa pagitan ng mga granada;
25وصنعوا جلاجل من ذهب نقي. وجعلوا الجلاجل في وسط الرمانات على اذيال الجبة حواليها في وسط الرمانات.
26Isang kampanilya at isang granada, isang kampanilya at isang granada, sa ibabaw ng ribete ng balabal sa palibot, upang ipangasiwa gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
26جلجل ورمانة. جلجل ورمانة. على اذيال الجبة حواليها للخدمة. كما امر الرب موسى
27At kanilang ginawa ang mga tunika na lino na yaring hinabi para kay Aaron, at sa kaniyang mga anak,
27وصنعوا الاقمصة من بوص صنعة النسّاج لهرون وبنيه.
28At ang mitra na lino, at ang mga mainam na tiara na lino, at ang mga salawal na lino na kayong pinili na lino,
28والعمامة من بوص. وعصائب القلانس من بوص. وسراويل الكتان من بوص مبروم.
29At ang bigkis na linong pinili, at kayong bughaw at kulay-ube, at pula, na gawa ng mangbuburda; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
29والمنطقة من بوص مبروم واسمانجوني وارجوان وقرمز صنعة الطراز. كما امر الرب موسى
30At kanilang ginawa ang lamina ng banal na korona na taganas na ginto, at sinulatan ng isang titik na ayos ukit ng isang panatak, Banal sa Panginoon.
30وصنعوا صفيحة الاكليل المقدس من ذهب نقي. وكتبوا عليها كتابة نقش الخاتم. قدس للرب.
31At kanilang tinalian ng isang panaling bughaw, upang ilapat sa ibabaw ng mitra; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
31وجعلوا عليها خيط اسمانجوني لتجعل على العمامة من فوق. كما امر الرب موسى
32Gayon natapos ang buong gawa sa tabernakulo ng kapisanan: at ginawa ng mga anak ni Israel ayon sa buong iniutos ng Panginoon kay Moises: gayon ginawa nila.
32فكمل كل عمل مسكن خيمة الاجتماع. وصنع بنو اسرائيل بحسب كل ما امر الرب موسى. هكذا صنعوا.
33At kanilang dinala ang tabernakulo kay Moises, ang Tolda at ang lahat ng mga kasangkapan niyaon, ang mga kawit, ang mga tabla, ang mga barakilan, at ang mga haligi, at ang mga tungtungan;
33وجاءوا الى موسى بالمسكن الخيمة وجميع اوانيها اشظّتها والواحها وعوارضها واعمدتها وقواعدها.
34At ang takip na mga balat ng mga tupa na tinina sa pula, at ang takip na balat ng mga poka, at ang lambong ng tabing;
34والغطاء من جلود الكباش المحمّرة. والغطاء من جلود التخس. وحجاب السجف.
35Ang kaban ng patotoo at ang mga pingga niyaon, at ang luklukan ng awa;
35وتابوت الشهادة وعصويه والغطاء.
36Ang dulang, lahat ng mga sisidlan niyaon, at ang tinapay na handog;
36والمائدة وكل آنيتها وخبز الوجوه.
37Ang dalisay na kandelero, ang mga ilawan niyaon, ang mga ilawan na inayos, at lahat ng mga sisidlan niyaon, at ang langis na pangilawan;
37والمنارة الطاهرة وسرجها السّرج للترتيب وكل آنيتها والزيت للضوء.
38At ang dambanang ginto, at ang langis na pangpahid, ang mabangong kamangyan, at ang tabing na gamit sa pintuan ng Tolda;
38ومذبح الذهب. ودهن المسحة. والبخور العطر. والسجف لمدخل الخيمة.
39Ang dambanang tanso, at ang pinakasalang tanso, ang mga pingga at ang lahat ng mga sisidlan niyaon, ang hugasan at ang tungtungan;
39ومذبح النحاس وشبّاكة النحاس التي له وعصويه وكل آنيته والمرحضة وقاعدتها.
40Ang mga tabing ng looban, ang mga haligi, at ang mga tungtungan at ang tabing na pangpintuang-daan ng looban, ang mga panali, at ang mga tulos, at lahat ng mga kasangkapan sa paglilingkod sa tabernakulo, na gamit sa tabernakulo ng kapisanan;
40واستار الدار واعمدتها وقواعدها. والسجف لباب الدار واطنابها واوتادها وجميع اواني خدمة المسكن لخيمة الاجتماع.
41Ang maiinam na pagkayaring kasuutan na gamit sa pangangasiwa sa dakong banal, at ang mga banal na kasuutan para kay Aaron na saserdote, at ang mga kasuutan ng kaniyang mga anak, upang mangasiwa sa katungkulang saserdote.
41والثياب المنسوجة للخدمة في المقدس. والثياب المقدسة لهرون الكاهن وثياب بنيه للكهانة.
42Ayon sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon ginawa ng mga anak ni Israel ang lahat ng gawa.
42بحسب كل ما امر الرب موسى هكذا صنع بنو اسرائيل كل العمل.
43At nakita ni Moises ang lahat ng gawain, at, narito, kanilang nagawa na kung paanong iniutos ng Panginoon ay gayon nila ginawa: at pinagbabasbasan ni Moises.
43فنظر موسى جميع العمل واذا هم قد صنعوه كما امر الرب. هكذا صنعوا. فباركهم موسى