Tagalog 1905

الكتاب المقدس (Van Dyke)

Exodus

40

1At sinalita ng Panginoon kay Moises na sinasabi,
1وكلم الرب موسى قائلا.
2Sa unang araw ng unang buwan ay iyong itatayo ang tabernakulo ng kapisanan.
2في الشهر الاول في اليوم الاول من الشهر تقيم مسكن خيمة الاجتماع.
3At iyong isisilid doon ang kaban ng patotoo, at iyong tatabingan ang kaban ng lambong.
3وتضع فيه تابوت الشهادة وتستر التابوت بالحجاب.
4At iyong ipapasok ang dulang, at iyong aayusin ang mga bagay na nasa ibabaw niyaon; at iyong ipapasok ang kandelero at iyong sisindihan ang mga ilawan niyaon.
4وتدخل المائدة وترتب ترتيبها. وتدخل المنارة وتصعد سرجها.
5At iyong ilalagay ang dambanang ginto para sa kamangyan sa harap ng kaban ng patotoo, at ilalagay mo ang tabing ng pintuan sa tabernakulo.
5وتجعل مذبح الذهب للبخور امام تابوت الشهادة. وتضع سجف الباب للمسكن.
6At iyong ilalagay ang dambanang pagsusunugan ng handog sa harap ng pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
6وتجعل مذبح المحرقة قدام باب مسكن خيمة الاجتماع.
7At iyong ilalagay ang hugasan sa pagitan ng tabernakulo at ng dambana, at iyong sisidlan ng tubig.
7وتجعل المرحضة بين خيمة الاجتماع والمذبح وتجعل فيها ماء.
8At iyong ilalagay ang looban sa palibot, at ibibitin mo ang tabing sa pintuang daan ng looban.
8وتضع الدار حولهنّ. وتجعل السجف لباب الدار.
9At kukuha ka ng langis na pangpahid, at papahiran mo ang tabernakulo, at lahat na nandoon, at iyong pakakabanalin, at lahat ng kasangkapan niyaon: at magiging banal.
9وتأخذ دهن المسحة وتمسح المسكن وكل ما فيه وتقدسه وكل آنيته ليكون مقدسا.
10At iyong papahiran ng langis ang dambanang pagsusunugan ng handog, at ang lahat ng kasangkapan, at iyong pakakabanalin ang dambana: at ang dambana ay magiging kabanalbanalan.
10وتمسح مذبح المحرقة وكل آنيته وتقدس المذبح ليكون المذبح قدس اقداس.
11At iyong papahiran din naman ng langis ang hugasan at ang tungtungan, at iyong pakakabanalin.
11وتمسح المرحضة وقاعدتها وتقدسها.
12At iyong dadalhin si Aaron at ang kaniyang mga anak sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at iyong paliliguan ng tubig.
12وتقدم هرون وبنيه الى باب خيمة الاجتماع وتغسلهم بماء.
13At iyong isusuot kay Aaron ang mga banal na kasuutan; at iyong papahiran ng langis siya, at iyong papagbanalin siya, upang siya'y makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote.
13وتلبس هرون الثياب المقدسة وتمسحه وتقدسه ليكهن لي.
14At iyong dadalhin ang kaniyang mga anak, at iyong susuutan sila ng mga kasuutan:
14وتقدم بنيه وتلبسهم اقمصة.
15At iyong papahiran ng langis sila gaya ng iyong pagkapahid sa kanilang ama, upang sila'y makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote, at ang pagpapahid sa kanila ay maging sa kanila'y pinakatanda ng walang hanggang pagka-saserdote sa buong panahon ng kanilang lahi.
15وتمسحهم كما مسحت اباهم ليكهنوا لي. ويكون ذلك لتصير لهم مسحتهم كهنوتا ابديا في اجيالهم
16Gayon ginawa ni Moises, ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon sa kaniya, ay gayong ginawa niya.
16ففعل موسى بحسب كل ما امره الرب. هكذا فعل.
17At nangyari sa unang buwan nang ikalawang taon nang unang araw ng buwan, na ang tabernakulo'y itinayo.
17وكان في الشهر الاول من السنة الثانية في اول الشهر ان المسكن أقيم.
18At itinayo ni Moises ang tabernakulo, at inilagay ang mga tungtungan, at ipinatong ang mga malaking tabla, at isinuot ang mga barakilan, at itinayo ang mga haligi niyaon.
18اقام موسى المسكن وجعل قواعده ووضع ألواحه وجعل عوارضه واقام اعمدته.
19At kaniyang inunat ang tolda sa ibabaw ng tabernakulo, at kaniyang inilagay ang takip ng tabernakulo sa itaas ng ibabaw niyaon; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
19وبسط الخيمة فوق المسكن. ووضع غطاء الخيمة عليها من فوق. كما امر الرب موسى.
20At kaniyang kinuha at inilagay ang mga tabla ng patotoo sa loob ng kaban, at kaniyang inilagay ang mga pingga sa kaban, at kaniyang inilagay ang luklukan ng awa sa itaas ng ibabaw ng kaban:
20واخذ الشهادة وجعلها في التابوت ووضع العصوين على التابوت. وجعل الغطاء على التابوت من فوق.
21At kaniyang ipinasok ang kaban sa tabernakulo, at inayos ang lambong ng tabing, at tinabingan ang kaban ng patotoo: gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
21وادخل التابوت الى المسكن. ووضع حجاب السجف وستر تابوت الشهادة. كما امر الرب موسى.
22At kaniyang inilagay ang dulang sa loob ng tabernakulo ng kapisanan, sa dakong hilagaan ng tabernakulo, sa labas ng lambong.
22وجعل المائدة في خيمة الاجتماع في جانب المسكن نحو الشمال خارج الحجاب.
23At kaniyang inayos ang tinapay sa ibabaw ng dulang sa harap ng Panginoon, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
23ورتب عليها ترتيب الخبز امام الرب. كما امر الرب موسى.
24At kaniyang inilagay ang kandelero sa tabernakulo ng kapisanan, sa tapat ng dulang, sa tagilirang timugan ng tabernakulo.
24ووضع المنارة في خيمة الاجتماع مقابل المائدة في جانب المسكن نحو الجنوب.
25At kaniyang sinindihan ang mga ilawan sa harap ng Panginoon; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
25واصعد السرج امام الرب. كما امر الرب موسى.
26At kaniyang inilagay ang dambanang ginto sa loob ng tabernakulo ng kapisanan sa harap ng lambong.
26ووضع مذبح الذهب في خيمة الاجتماع قدام الحجاب.
27At siya'y nagsunog doon ng kamangyan na mabangong espesia; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
27وبخّر عليه ببخور عطر. كما امر الرب موسى.
28At kaniyang inilagay ang tabing ng pintuan sa tabernakulo.
28ووضع سجف الباب للمسكن.
29At kaniyang inilagay ang dambanang pagsusunugan ng handog sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at pinaghandugan ng handog na susunugin, at ng handog na harina; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
29ووضع مذبح المحرقة عند باب مسكن خيمة الاجتماع. واصعد عليه المحرقة والتقدمة. كما امر الرب موسى.
30At kaniyang inilagay ang hugasan sa pagitan ng tabernakulo, ng kapisanan at ng dambana, at sinidlan ng tubig upang paghugasan.
30ووضع المرحضة بين خيمة الاجتماع والمذبح. وجعل فيها ماء للاغتسال.
31At si Moises at si Aaron at ang kaniyang mga anak, ay nagsipaghugas doon ng kanilang mga kamay at ng kanilang mga paa;
31ليغسل منها موسى وهرون وبنوه ايديهم وارجلهم.
32Pagka sila'y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan, at pagka sila'y lumalapit sa dambana ay naghuhugas sila: gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
32عند دخولهم الى خيمة الاجتماع وعند اقترابهم الى المذبح يغسلون. كما امر الرب موسى.
33At kaniyang inilagay ang looban sa palibot ng tabernakulo at ng dambana, at iniayos ang tabing ng pintuang daan ng looban. Gayon tinapos ni Moises ang gawain.
33واقام الدار حول المسكن والمذبح ووضع سجف باب الدار. واكمل موسى العمل
34Nang magkagayo'y tinakpan ng ulap ang tabernakulo ng kapisanan, at pinuno ng Panginoon ng kaluwalhatian ang tabernakulo.
34ثم غطت السحابة خيمة الاجتماع وملأ بهاء الرب المسكن.
35At si Moises ay hindi makapasok sa tabernakulo ng kapisanan, sapagka't lumagay sa ibabaw niyaon ang ulap, at pinuspos ng Panginoon ng kaluwalhatian ang tabernakulo.
35فلم يقدر موسى ان يدخل خيمة الاجتماع. لان السحابة حلّت عليها وبهاء الرب ملأ المسكن.
36At pagka ang ulap ay napaiitaas mula sa tabernakulo, ay nagpapatuloy ang mga anak ni Israel sa kanilang buong paglalakbay:
36وعند ارتفاع السحابة عن المسكن كان بنو اسرائيل يرتحلون في جميع رحلاتهم.
37Datapuwa't kung ang ulap ay hindi napaiitaas, ay hindi nga sila naglalakbay hanggang sa araw na napaiitaas.
37وان لم ترتفع السحابة لا يرتحلون الى يوم ارتفاعها.
38Sapagka't ang ulap ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tabernakulo sa araw, at may apoy sa loob niyaon sa gabi, sa paningin ng buong lahi ng Israel, sa kanilang buong paglalakbay.
38لان سحابة الرب كانت على المسكن نهارا. وكانت فيها نار ليلا امام عيون كل بيت اسرائيل في جميع رحلاتهم